OLIVER
"Oliver, halika dito!"
Napalingon ako sa kaibigan ko na bigla akong tinawag. Sobrang daming tao ngayon dahil foundation day. Muntik na nga akong maligaw sa sarili kong school, eh. Pumunta ako sa kaibigan ko dahil nga tinawag ako.
"Oh?" tinaas ko kilay ko.
Tumawa siya. "Daming chix, oh!" tinuro niya 'yong mga babae na nasa fountain. "Tara don!" Hihilahin niya sana ako pero hindi ako nagpadala.
"Ikaw nalang," tanggi ko. "Hindi ako interesado."
Hindi naman kasi talaga ako interesado. I don't have time for that. Kung may mamahalin man akong babae, nanay at kapatid ko lang 'yon. Hindi ako interesado sa iba. Ayaw ko.
Naglalakad ako hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Napadaan ako sa isang gate. Bago 'to, ah? Tinulak ko 'yong gate para makita kung bukas ba iyon. Nang magbukas ang gate, pumasok ako. It was a garden. Sobrang daming vines na nasa pader.
I was walking around when I saw someone. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha. When she turned around, muntik na malaglag ang panga ko. Ang ganda niya! She looked so innocent and pure. Napatago ako sa likod ng puno dahil baka makita niya ako.
Tumakbo na siya paalis at dahil sa pagmamadali niya ay nahulog niya ang bracelet niya. Nilimot ko 'yon at tiningnan. Sinubukan kong hanapin 'yong babae pero nakaalis na ito. Napansin ko na may nakasulat na pangalan doon sa bracelet.
Xanaya Eloise
"Naya!" Clara, my friend, called someone. "Oli, 'yan 'yong friend kong maganda. Bet mo ba? Pwede kitang ireto." Bulong niya sa akin.
"Hindi ako interesado," sabi ko. Pero biglang nagbago ang isip ko nang mapansin kong pamilyar ang mukha niya. Was I just hallucinating?
Lumapit siya amin. "Hi," mahinang bati niya. Parang walang nagbago sa kanya. She still looked so innocent and pure just like how I saw her the first time we met. "Nasaan na 'yong sabi mong papakilala mo sa 'kin?"
Tinuro ako ni Clara. "Eto!"
Xanaya looked at me. I felt my heart beating fast. I saw how she looked in my eyes down to my lips. Does she recognize me? Pero hindi niya naman ako nakita noong araw na 'yon.
She was still staring at me so I smirked. "Baka matunaw ako n'yan, Miss, ha?"
"Kapal mo," she scoffed. "Sorry pero hindi ako interesado sa'yo." I saw the annoyance in her fake smile.
Ouch.
"Our feelings are mutual, Miss." Ngumiti ako. "I'm not interested in you too."
YOU ARE READING
Going Back To Yesterday
RomanceEver since she was a kid, Xanaya Eloise always dremt of being a writer. Then one day, a big opportunity came in her way. She was asked to write a story about love. She didn't know what to write about it not until she thought of writing about her own...