19

10 0 0
                                    


"Ngayong alam mo na ang totoo, you can leave me now. Matagal ko ng napaghandaan 'to."


Umiling ako habang bumabagsak pa rin ang mga luha ko. The truth that he was keeping a secret for years... ito 'yon? Pero bakit niya tinago? Hindi ko naman siya iiwan, eh? Hindi ko kayang gawin 'yon. Ilalaban ko kami hanggang sa huli. Nangako rin ako na hinding-hindi ko siya iiwan, kaya kahit ano pang pilit niya sa akin na iwan ko siya ay hindi ko gagawin.


"Hindi kita iiwan," sabi ko. 


He sighed. "Hindi mo ba maintindihan, Xanaya? Mamamatay ako... Hindi kita masasamahan hanggang sa huli. Kaya ngayon pa lang, iwan mo na ako para hindi ka na masaktan. Please... Nagmamakaawa ako."


Umiling ulit ako. "Ayaw ko nga, Oliver! Hindi... Hindi kita hahayaan mamatay. Sasamahan kita hanggang sa gumaling ka. Hindi mo ako pwedeng iwan..."


"Wala na akong magagawa roon, Xanaya." He sobbed. "'Yon na ang kapalaran na meron ako. Hindi ko na pwede mabago 'yon... I already tried before. Noong umalis ako, sinubukan nilang pagalingin ako... Pero hindi, eh. Hindi na ako gagaling."


I just cried. "Lumaban ka naman, Oliver, oh? Para sa'yo... Para sa akin... Para sa atin. Huwag mong hayaan na dahil lang d'yan i-sakripisyo mo ang lahat."


"I am fighting, Xanaya..." His voice broke. "Kahit na sobrang bigat na sa pakiramdam ko, pinipilit ko pa rin lumaban. Kahit... Kahit hirap na hirap ako... Kasi ayaw kong iwanan ka. Pero ano pa ba magagawa ko? Eto na, eh... Hindi na ako gagaling." 


"Oh, edi sasamahan pa rin kita hanggang sa huli. Ilalaban kita, Oliver... Ilalaban kita hanggang sa makakaya ko... Hindi kita kayang makita na magdusa mag-isa." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Sasamahan kita sa lahat ng bagay, Oliver. Kahit masaktan pa ako."


Napatigil siya at napahawak sa ulo niya. "Shit..." Napaupo siya sa sahig kaya agad akong nagpanic. Napapikit siya and he suddenly lost consciousness. 


Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Tita. Mayamaya ay may dumating na ambulansya at sinakay si Oliver doon. Nilapitan ako ni Tita at niyakap. 


"Shhh, he'll be fine... Don't cry na." Pinakalma ako ni Tita.


Sumunod na kami ni Tita sa hospital. I was still crying the way there... Did I trigger him? I felt like it was my fault kung bakit nangyari kay Oliver 'yon. 


Dinala nila sa emergency room si Oliver. All I could do was watch him lay in bed, unconcious. Nang matapos siyang i-check ng doctor ay agad akong lumapit sa kanya. I held his hand and placed it on my cheek.


"Fight for me, please..." Umiiyak na sabi ko. "You can't just leave me like this..."


I cried to him. Mayamaya ay dinala si Oliver sa sarili niyang room para mas ma-monitor siya ng mga doctor. Lumapit sa amin 'yong isang doctor. I already know what he's going to say by just looking at his face. 


"How is he?" I asked. 


He sighed. "His condition is getting worse."

Going Back To YesterdayWhere stories live. Discover now