Chapter 36 - Savior

24 5 0
                                    

[ Krystel's POV ]

Katatapos lang naming maglunch ni Lei.Pinauna ko na siya sa next class namin kasi dadaanan ko pa yong one whole paper ko sa Locker Room dahil may long test kami.

Pagbukas ko ng locker may nahulog na pendant.Pinulot ko yong pendant.Paano magkakaroon ng pendant dito sa locker ko eh hindi naman sa akin ito?

"Babs tara na?"

Taranta kong itinago yong pendant sa bulsa ng skirt ko.

"Hindi ba pinauna na kita?"

"huh? Anong pinauna kanina pa kaya ako nakasunod sayo"

"Huh?"

Akala ko ba nauna na itong pumunta sa next class namin?

"Tara na baka malate tayo"

Nauna na siyang maglakad sa akin.Hindi man lang kinuha yong mga dala kong gamit.

"Babs nakareview ka ba?" Ako

Sinisigurado ko lang kong nagreview siya.Tamad kasi ito kaya hindi nagrereview pag may test kami.

"Syempre ako pa"

Yabang !

"Sige paramihan tayo ng makukuha?" Ako

"Ayoko,mas matalino ka naman kaysa sa akin"

Natawa nalang ako sa sagot niya.Umaasta na naman siya bilang suitor ko.Yong Lei kasi na kaibigan ko ayaw magpatalo sa akin.

"Inaamin mo na mas matalino ako kaysa sayo?"

"Oo na ikaw na,kaya magpakopya ka huh?"

Haha syle niya bulok.

"Kaebsong,sabi mo nakapagreview ka kaya bahala ka sa buhay mo "

-------

Nasa kalagitnaan palang ako ng pagbabasa sa test paper nang natapos na si Lei.Sobrang seryoso nga niya sa pagsagot at naunahan pa ako.Parang paeasy easy lang siya.

"Krystel pengeng one whole paper,dalawa please"

Binigyan ko naman si Jolina(classmate ko) ng papel.Kaso pagkapilas ko ng papel my tumambad sa akin na answer key.

Nafreeze ako at nagulat sa nakita ko.Ganon na din si Jolina.Tinitigan ko yong answer key at answer key iyon ng long test namin ngayon.

Nanlamig ako sa kinauupuan ko.Paanong nagkaroon ng answer key tong papel?Sinong naglagay?.Magpapaliwanag palang sana ako kay Jolina kaso

"Ma'am may cheater po dito"

Ang sama ng tingin niya sa akin.Hindi ako cheater.Hindi akin yan,hindi ko alam kong saan nanggaling.

"Akin na nga yang papel ko"

Biglang hinablot ni Lei yong papel ko.

"Sino ?"

Galit na tanong ni Ma'am Cordero.Tiningnan ko yong papel ko na kinuha ni Lei.Hinablot naman ni Ma'am Cordero ang answer key mula kay Lei.

"Ma'am hindi po yan kay Lei kay Krystel po yan" Jolina

Gusto kong sabihin na hindi akin iyon pero walang lumalabas sa bibig ko.Nagsitigil din ang mga classmates namin at nagsitinginan sa amin

"Sorry po Ma'am,ako pong may ari niyan" Lei

Gulat akong napatingin sa kanya.Aakoin niya ang kasalanang hindi niya ginawa?

"Kay Krystel yan" Jolina

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon