Prologue :
Naranasan mo na bang ma-inlove ?
yung tipong di mo alam kung bakit mo siya nagustuhan pero minahal mo siya sa di mo alam na dahilan.
Pano mo nga ba malalaman kung in love ka na? Ano ba talaga ang love?
Maraming mga taong hindi pa rin alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang ito. Nasa diksyunaryo na nga ang ibig sabihin patuloy pa rin nating hinahanap ang kahulugan.
Patuloy pa rin ang ating pagtatanong. Lumaki ako sa mga kasagutang...
"love is blind",
"love is in the air",
"love hurts",
at "love makes the world go round".
Mga walang kwentang sagot sa mga walang kwentang autograph books na pinagkakaabalahan natin noong nasa elementarya pa tayo.
Walang kwenta.
Dahil pagtanda mo, magtataka ka pa rin.. 'Pagmamahal ba ito?'
Sabi nila, umiibig na daw ang isang tao kapag nararanasan niya ang mga symptoms na ito:
*Pag-iisip
*Pagkabalisa
*Pagkakilig
*Pagseselos
*Panaginip
pero hindi lang yan ang basehan ng inlove.
wala naman kasi makakapagsabi sa atin kung ano ba talaga ang love hangga't hindi mo ito nararamdaman.
Masaya, Malungkot, Masakit... Lahat yan mararanasan natin.
Pero pano pag nagmahal ng PATAGO, PALIHIM.
Masaya? Dobleng Lungkot? Tripleng SAKIT !
Walang lihim na hindi nabubunyag.Bakit yung pagmamahal ko sayo hindi mo pa natutuklasan?
BINABASA MO ANG
I Love You Secretly
Teen FictionI fell inlove with you. I don't know how. I don't know why. I just did.