DUMILIM ang mukha ni Keen pagkapasok sa loob ng bahay ng kaniyang ama nang makita kung sino ang babaeng kausap nito. Napakuyom ang kaniyang kamay at mabilis na naglakad palapit sa kaniyang ama. Medyo nagulat pa ang ama niya nang makita siya ngunit hindi niya iyon pinansin. Blankong tiningnan niya ang babaeng matagal na niyang inilibing sa limot matapos silang iwan nito at sumama sa ibabang lalaki.
Pakiramdam niya ay nanumbalik sa kaniyang alala kung paano umalis ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Gusto niya itong sumbatan pero nang tingnan niya si Tryna na papasok at may dalang paperbag ay pinigilan niya ang sarili.
"What are you doing here?" malamig na tanong niya sa babaeng ngayon ay nakatayo na.
"I invited her to come––"
"I am talking to her, dad." Pigil nito sa ama.
Napabuntong-hininga na lang ang kaniyang ama na nakaupo sa wheelchair at hindi na muling nagsalita pa.
"Anong ginagawa mo rito?" muling tanong niya sa babae.
Huminga nang malalim ang ginang saka humarap sa kaniya. May lungkot ang mga mata nito pero hindi siya nakaramdaman ng awa.
Gustong-gusto na niya itong paalisin at palayasin sa pamamahay ng kaniyang ama. Hindi ito dapat naroon. Mula nang umalis ito noon at sumama sa ibang lalaki ay kinalimutan na niya ito.
"Anak, nandito ako para––"
"I don't have such a mother like you, so stop calling me like I am your son." Walang kabuhay-buhay na pigil niya sa ina.
"Keen, don't be rude to your mother," sita ng kaniyang ama.
Mapaklang tumawa siya saka itinuro ang ginang. "She's not my mother since the day she left us, dad. She's no longer my mother that I treasured the most when I was a child." Itinuro niya ang ina. "For the last time, what are you doing here?"
"Your father told me about your wedding––"
"I don't need you on my wedding." Tumalikod siya pero mabilis na lumapit si Tryna at pinigilan siya.
Narinig niya ang basag na boses ng kaniyang ina ngunit hindi siya nakaramdaman ng kahit kaunting awa.
"Keen, please..." pakiusap nito sa kaniya.
Hindi siya kumibo at walang pasabing naglakad paalis. Narinig pa niyang tinawag siya ng ama pero hindi siya lumingon.
Tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat sa taas kung saan naroon ang dating silid na inuukupa niya noon. Pumasok siya sa loob at pabagsak na humiga sa kama.
Napapikit siya sa inis sa isiping naroon sa baba ngayon ang kaniyang ina na matagal na niyang kinalimutan.
Nanumbalik bigla sa kaniyang alaala ang nangyari noon nang iwan sila nito. It was the time that his father got an accident. He was just at a young age when his mother left them.
Iniwan sila nito kung saan mas kailangan iti ng kaniyang ama ng mga panahong iyon.
He remembered how he beg that time just not to left them. But his mother choose to leave with his other guy. She chose to leave him.
Nasaksihan din niya nag paghihirap ng kaniyang ama dahil sa pag-alis ng kaniyang ina. Alam niyang mahal na mahal ng kaniyang ama ang ina niya. Palagi niyang nakikita noon na lihim na umiiyak ang kaniyang ama.
Simula noon, itinatak niya sa kaniyang isipan na wala na siyang ina. Na matagal nang patay ang kaniyang ina.
Ang ina rin ang dahilan kung bakit naging playboy siya. Kung bakit pinaglalaruan at pinapaiyak niya ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Kung bakit hindi siya nagseryuso sa isang relasyon noon bago pa dumating si Tryna sa buhay niya.

BINABASA MO ANG
ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)
RomanceWARNING ⚠️: Rated SPG(R18+) Keen Mark Azzarry, was a scheming playboy who loves playing dirty flame with girls. He's a seaman and a cunning man when it comes to business. No one dared to trick him except his set of friends who always their when in n...