Confused

8 0 0
                                    


"Nakapili? Do yu koto?" tanong ni Fuma kay Erean.


"Pinili na niya si Kento... after all may gusto naman si Yel sa kanya." sagot ni Erean sa kanya.


"May gusto si... Yel kay Kento?"


"Oo... matagal na... ewan ko lang kung si Kento may gusto rin sa kanya."


Paalis na si Fuma na walang sinasabi at itinigil na ang pagsunod sa kanila.


"Ya! Saan ka pupunta?" tanong ni Erean kay Fuma.


"Uuwi... sorry sa abala nee-san" sabi ni Fuma.


"Ah... o-okay lang." anong nangyari dun? pagtataka ni Erean kay Fuma.


Patuloy pa rin sa pamamasiyal ang dalawa... nag-window shopping sila, kumain sa isang dessert na restaurant at naglaro sa isang game zone katulad ng arcade at video games. Pagkatapos ay umuwi na sila inihatid ni Kento si Yel sa bahay nila.


"Grabe ang daya hindi mo man lang ako pinag-bigyan dun! Nakalamang ka na sa akin" pagkapikon ni Yel.


"Haha sorry ganon talaga kapag magaling sa video games!" pagmamayabang ni Kento sa kanya.


"Ang hangin!!" asar ni Yel sa kanya.


"Hehe ay teka ang gulo ng buhok mo, ayusin ko lang." sabi ni Kento at inayos ang ni Yel.


"Hi-hindi mo naman kailangan gawin yan." pagka-ilang niya.


"Dapat maayos ka lagi sayang ang cute mo pa naman."


"Nambola ka pa sige na bye!" sabay hampas kay Kento at pumasok na sa loob ng bahay nila.


Thoughtful pa rin siya hanggang ngayon...

magkaiba sila. sabi ni Yel sa isip niya at nagkataong naalala niya ang scenario na katulad kanina pero si Fuma naman...


[Basta na lang itinali ni Yel ang buhok niya dahil nakasabog na ito sa mukha niya habang tinuturuan niya si Fuma noong tutor siya nito... Bigla namang napansin ni Fuma na magulo pa rin ang buhok niya kahit nakatali na, kaya ang ginawa niya ay lalo pa niyang ginulo ang buhok nito.


Yel: "Ano ba??" /nainis/


Fuma: "Haha ayan" /patuloy sa panggugulo ng buhok ni Yel/


Yel: Pinagtitripan mo ba ako?


Fuma: Kahit itinali mo na ang buhok mo, magulo pa rin kaya ginulo ko na lang hahahahahaha


Yel: Hoy! Mag-focus ka sa tinuturo ko bahala ka hindi ko na ito uulitin! Math pa man din ito.


Fuma: Oo na... pero alam mo maganda ka pa rin kahit ganyan ayos mo. pagpuri ni Fuma at ngumiti kay Yel.


Yel: Sabi nang mag-focus ka!! Tch!" o////o ]


"Teka bakit ko ba siya iniisip ulit?? Kainis!" pagkainis ni Yel.


Iniiwasan ni Yel na mag-isip ulit kay Fuma maya-maya ay tumawag si Erean sa kanya.


"Hello?"


"Eru! Sorry kanina..."


"Ha? Anong kanina hindi kita maintindihan?" pagtataka ni Yel sa sinasabi ni Erean sa kanya.


"Eh kasi, sinundan namin kayo ni Kento."


"Ha? Teka, paano mo nalaman eh hindi ko pa naiku-kwento sayo yun?"


"Yun na nga... si Fuma yung may pakana nun." sagot ni Erean.


"Si Fuma?" akala ko ba hindi niya na ako guguluhin? "Bakit naman?"


"Gusto niyang makasiguro na walang gagawin sayo si Kento."


"HA? BALIW SIYA! Puro siya ganyan walang gagawin sa akin si Kento no?! Lumabas lang kami, kumain, nanood ng sine tapos naglaro sa isang game zone ayun lang!" paglilinaw ni Yel.


"Ah... Ewan ko ba doon?! Wait, so ang pinili mo... si Kento?"


"Ang totoo, wala pa akong pinipili at wag muna, naguguluhan pa ako eh."


"Hala? Diba gusto mo si Kento? Alam na kaya ni Fuma na gusto mo siya."


"Bakit mo sinabi?!"


"Gome... kasi akala ko nakapili ka na, kaya sinabi ko na sa kanya."


"Eh ano naman sinabi niya about doon?"


"Ayun, umalis na lang... nag-sorry sa akin at itinigil na yung pag-sunod sa inyo, umuwi na rin ako nun."


Fuma... na-nasaktan kaya siya? "Sige salamat at sinabi mo yan, uy okay lang sa akin hindi ako galit sayo... dinamay ka lang naman niya eh... sige bye."


"Bye..." at tinapos na ang kanilang pag-uusap.


Parang nakokonsensya si Yel dahil nalaman na ni Fuma na may gusto siya kay Kento pero hindi niya pa rin matukoy kung bakit nag-aalangan pa siya.


Hindi kaya tama si Erean? May feelings na ako para kay Fuma? Pero anong dahilan kung meron nga? pang-gugulo sa isip ni Yel.


Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon