Kabanata 30

9.4K 125 10
                                    

Massage

Imbes na ang anak ang aking yakap-yakap sa pag gising nanlaki ang dalawang mata ko nang mag tama ang tingin namin ni Lisandro, sa kaniya ako nakayakap! 

Mabilis akong lumayo sa kaniya at umiwas ng tingin. Inayos ko rin ang strap ng aking pantulog. Umakyat ang anak namin sa kama at dumagan sa'kin, para halikan ang mukha ko. Hinalikan niya ang pisngi ko, pati na rin ang tungkil ng aking ilong. 

"Good morning, mama ko!" malambing niyang sinabi, bago ay binalingan ang kaniyang papa. "Good morning, papa ko!" dagdag niya at parehas kaming niyakap. 

"Papa! Can you give my mama a morning kiss po?" tanong nito sa kaniyang maliit na maliit na boses.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lisandro. 

"Uhm, anak, hindi pa kasi nagtoothbrush si ma---" hindi ko nagawang matapos ang aking sinasabi nang biglang lumapat ang malambot na labi ni Lisandro sa labi ko. 

Saglit lang 'yon at mababaw. Uminit ang pisngi ko sa hiya. 

"I don't mind. Good morning, wife," malambing niyang bulong sa'kin. 

May kinuha ang anak namin sa cabinet ko. Nakita kong kinuha niya ang sulat na ginawa niya para sa kaniyang papa. Tinago niya yon sa likuran niya habang masayang tumatalon-talon sa kama. 

"Papa! I have something for you po! Can you close your eyes po?" 

Ginawa naman ni Lisandro ang pinapagawa ng anak. Ipinikit nga nito ang kaniyang mga mata at doon tumagal ang paninitig ko sa kaniyang gwapong mukha. Sinamantala ko ang oras na nakapikit siya para matitigan ko ang kaniyang mukha. Nagulat ako nang bigla siyang dumilat. 

I swallowed hard and avoided his gaze. 

"Papa! I said no peaking!" iritadong wika ng anak namin at pinagkrus pa ang kaniyang dalawang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. 

Para bang nagalit ito sa ginawang pagdilat ng kaniyang ama.

Lisandro chuckled nervously. "I'm sorry, anak. Hindi na titingin si papa. Kay mama na lang siya titingin," napapaos nitong sinabi bago binalingan ako ng tingin. 

Nanghihina ako sa paraan ng paninitig niya sa'kin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumayo. 

"Maghahanda lang ako ng almusal," wika kong hindi tumitingin sa kaniyang mga mata. 

Hinayaan ko ang mag ama kong magbonding sa loob ng kwarto ko. Matagal din na panahon hindi nakasama ni Leandro ang kaniyang papa. Natutuwa akong makitang masaya ang anak ko. Batid ko ang labis nitong pangungulila sa ama, at ganoon din ang kaniyang papa. Ramdam ko ang pagmamahal ni Lisandro sa anak namin. 

Nagulat ako nang biglang may malaking braso ang pumulupot sa beywang ko. Niyakap ako ni Lisandro mula sa likod.

"I never knew waking up next to you would be such a need. Natatakot ako, Stella. Baka hanap-hanapin ko. I want to wake up next to you..."

"I want you to be the first person I see when I wake up and the last person I see before I close my eyes," he whispered weakly in my nape.

His hot breath made my breath hitch and my heart stop beating for a while. I can feel the butterfly in my stomach, and my knees are getting weaker with every touch he's giving me.

Tumikhim ako at lumayo sa kaniya nang kaonti. "Baka nakakalimutan mo, Lisandro. Kaya lang naman kita pinapunta rito. Dahil sa anak natin. Nandito ka lang bilang tatay ng anak ko,'' masungit kong sinabi. 

Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon