Sisimulan ko na ang story nina Zaein, Casey at Dustin....
Find out how this story goes...
(^_____________^)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER ONE
CASEY'S POV
Biglang nagdilim ang paningin ko nang may mga kamay na tumakip sa aking mga mata. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino ang nasa likuran ko. Nalalanghap ko na kasi ang RALPH LAUREN ROMANCE SILVER for Men na signature scent ng boyfriend kong si Dustin.
Hinila ko pababa ang kamay n'ya at humarap sa kanya.
"Bakit po nandito ka? Aren't you supposed to in the office?" say ko
Sa totoo lang ay masaya akong binsita n'ya ako dito sa bahay kahit pa na magkasama kami kanina lang.
Umupo s'ya sa tabi ko.
"Hindi ko lang kasi mapigilang puntahan ka. I miss you already, Miss Alexandra Sevani." say n'ya
I couldn't help it, but to smile. Dustin always said what I had always wanted to hear. Nang una pa lamang kaming nagkakilala ay napukaw n'ya ang atensyon ko. He was soft-spoken but he also commanded with authority. He was like a prince and a knight at the same time.
Nandito kami sa paborito kong parte ng mansiyon namin sa Dasmarinas, Cavite ang rock garden na mismong ang mommy ko pa ang nag-design. Tuwing wala akong ginagawa ay dito ako nagpapalipas ng oras. Kadalasan naman ay wala akong ginagawa kapag nandito ako sa Pilipinas maliban na lamang kung magde-date kami ni Dustin. Sa kasalukuyan ay nag-aaral ako sa University of Sydney. Umuuwi lang ako dito sa Pilipinas kapag school breaks.
"What are you reading?" he asked me
"Tumingin-tingin lang ako sa magazine." say ko
Nag-ring ang cellphone ko.
YOU ARE READING
I'm InLove With My Bestfriend's Girlfriend
Teen FictionIsa na lamang ang kulang para maging perpekto na ang relasyon ni Casey at ng boyfriend niyang si Dustin: Ang makuha ang approval ng ina nito na hindi boto sa kanya para dito. Para maisakatuparan iyon ay pinun...