Part I

85 0 0
                                    


Pano kung isang araw magising ka na lang na hindi mo na gusto yung taong gustong-gusto mo noon na halos mabaliw ka na sakanya? Anu gagawin mo? Kung ikaw naman yung hinahabol habol ngayun?

Ako nga pala yung lalake na umaasa sa babae na kahit alam ko naman na hindi ako magugustuhan nito pero patuloy parin ako sa pag lihim na pag tingin sakanya kasi parang pag wala siya di kompleto araw mo.

Naramdaman mo na ba yun?

Yung parang gusto mo siya lang lagi kausap mo, siya lang lagi gusto mo makasama, or kung anu-ano pa.

Palibhasa siguro lagi ko siya kasama at nakakausap kaya sa tuwing wala siya hinahanap ko siya palibhasa kasi yung mga nararamdaman ko sinasabi ko lang sa pabirong paraan e. Alam mo yun? Kasi natatakot ako na pag sinabi mo yung totoo baka may magbago sa pagkakaibigan niyo.......

Tumagal ng ilang taon yung pagkakaibigan namin pero hanggang ngayun magkaibigan parin kami sa isip-isip ko habang kasama ko siya sabi ko sa sarili ko "Siguro naman sa tinagal tagal ng pagkakaibigan namin dalawa ay okay na ang lahat"

Hanggang sa kinabukasan ready na ready na ko may dala na akong bulaklak at sabihin sakanya yung nararamdaman ko pero...

Habang papalapit ako nakita ko may kahawak kamay siya ~_~

Hanggang sa nakita niya ako at tinawag niya ko paalis na sana ko pero nakita niya ko bigla hanggang sa ayun lumapit na ako sakanya hawak hawak yung bulaklak.

Sabi ko na lang nung palapit na ko "Oh bakit? Sino yan? BoyFriend mo siguro yan nu? Hahahahaha" sinabi ko ng masaya.

Tapos sabi niya "Ay, oo siya nga pala inunahan mo naman ako. Oo, boyfriend ko."

Tapos ako naman parang wala lang di na nakaimik. Tapos tinanung kung para kanino daw yung bulaklak na dala ko.

Sabi ko na lang "Ay, ito ba doon to sa liligawan ko! Papasama sana ko e. Kaso sige ako na lang :) Bye baka nag-aantay na siya e" sabay ngiti tapos alis na...

Sabi niya "Oh samahan ka nanamin."

Sabi ko "Wag na. Hahahahaha! Ako na lang kaya ko na to :)"

Sabi niya "Sige ingaaaaat ka na lang ah :)"

Sabi ko "Sige! :)"

Sabay alis na talaga ako bitbit yung bulaklak na para sakanya sana...
Kaso ganun ata talaga :(

Tinapon ko na lang yung bulaklak.
At paalis na muntik na ko madisgrasya noon kasi umiiyak ako habang nag-ddrive ng motor ~_~

Hanggang sa nakauwi na ko
Nagkulong sa kwarto ng ilang araw.
Tapos lumabas din pero ganun parin.

Nag text siya sabi niya " Ok ka lang ba? Nakita ko yung bulaklak na tinapon mo ah? Kala ko ba para sa nililigawan mo yun? Kamusta kna? Okay ba yung BoyFriend ko sayo? Sorry di ko na nasabi sayo. PEACE tayo ha?" Di ko na siya ni replyan pa.

Mga ilang months din ang lumipas bumili ako ng bagong phone ko nagpalit ng sim card pero nandun parin yung luma kong Cellphone
Sa mga araw na yun Andami kong binago sa sarili ko at kung sino-sino naging ka-date ko pero ni isa wala akong naging girlfriend dun...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hanggang sa isang araw nagulat na lang ako sa sarili ko na hindi ko alam hindi ko na siya gusto wala na talaga ko nararamdaman. Kaibigan ko na lang talaga siya yun na lang talaga kami.

Nakita ko yung dati kong phone na puro text messages niya nag-aalala na pala siya at dun sa mga ilang months na di kami nagkakausap, nagkikita, nagkakasama ay wala na pala sila nung BoyFriend niya at puro iyak ang nakita ko sa text message niya sakin yun nalaman ko na lang sakto habang binabasa ko text messages niya sakin tinawagan ako ng mama niya at sinabi sakin ng mama niya na "Pwede ka ba pumunta dito nasa hospital kami ngayun matagal kana daw niyang hinahanap miss na miss ka na daw niya" dali dali akong sumagot ng "Sige po, papunta na po" nagbihis na ko agad nun di ko alam kung ano gagawin ko parang naiiyak ako habang nag ddrive ng motor.

Hanggang sa nandito na ko sa Hospital may dala-dalang Prutas at pagkain para maalagaan ko siya.

Hanggang sa nakita ko yung mama niya at sinabihan ako na "wag ako iiyak sa harapan ng anak niya kasi daw stage 4 na yung cancer ng anak niya" bago pa man ako pumasok sa room niya umiyak muna ko ng sobra at di ko alam gagawin ko sinisisi sarili sa lahat ng nangyayari.

Pumasok ako ng pinto nakita ko siya andami nakatusok sa katawan niya na mga dextros. Sabi ko "bakit anu ba nangyari sayo?" Kunyari walang alam. Sabi niya "bat wala kang paramdam sakin ng matagal :'(" umiiyak siya. Sabi ko "Sorry busy sa trabaho e" tapos nakita ko hawak niya yung letter yung sinulat ko para sakanya kasama yun nung bulaklak nasa loob nun. Tapos sabi niya "Alam ko na ang lahat. Gusto rin kita matagal na di ko lang din masabi kasi ayoko mawala nga yung pagkakaibigan natin at ayoko na masktan ka pag nalaman mo yung sakit ko" sabay tulo yung luha ko
Hindi na ko nakapag salita.
Bigla ko na lang siya niyakap habng tumutulo yung luha ko.

Mga ilang araw ang lumipas ako ang nagbabantay sakanya kasi ayoko na siyang iwan pa muli.

Sa tuwing nakikita ko siya nakikita ko siya na masaya pero pag gabi nakasilip ako sakanya kasi sa sofa ako natutulog pag akala niya tulog na ko. Nakikita ko iyak siya ng iyak at nagdadasal ng nagdadasal.

Tumayo ako bigla ko siya pinatahan yakap yakap siya. Bantay bantay siya. Ilang araw-araw na rin ako walang tulog pero di ko na inaalala kasi gusto bantay na bantay ko siya mabuti.

Mga ilang months pa ang lumipas nagkaroon ng miracle nawala na ang cancer niya. Bumalik na siya sa dati sobrang lakas niya na ulit. Pero di niya alam ako naman yung nagkasakit na. Kasi umalis na ko agad nung nalaman ko sa mama niya na magaling na siya di niya na ko nakita pa ulit. Naka confine na ko nung mga ilang araw nung magaling na siya. Tinawagan niya ko sabi ko "Oh nasan ka nanaman? Ngayun magaling na ko nawala ka nanaman?" Sabi ko "Busy sa trabaho e" tulo yung luha. Sabi niya "san ba yan trabaho mo pupuntahan kita" sabi ko "wag na sige na puntahan na lang kita diyan pag tapos ng trabaho ko" sabi niya "sige" tumawag siya ulit mga gabi na galit "kala ko ba pag tapos ng trabho mo san ka na?" Di na ko nakasagot sa tanung niya. Kasi bigla na lang humina yung pag tibok ng puso ko narinig niya may mga nagkakagulo sumigaw siya sa call "Hoy, ano na nangyayari wag mo ko pag aalalanin" tapos sinagot pala nung isang nurse. "Ma'am kailangan niya na po muna magpahinga bye" tapos tinanung niya "Bakit nasan ba siya? Anu ba nangyayari sakanya? Saan yan?" Tapos sinabi ng nurse nalaman kung san ako.

Inaalagaaan niya naman ako sa hospital hanggang sa gumaling na ko...
.
.
.
.
Sinurprise ko siya nagulat siya sa nakasulat na "Can you be my GirlFriend?" And she say "Yes"

Waiting for part 👊II👊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-gising ko di na kita mahal pero di pala basta basta nawawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon