Chapter 5

260 3 0
                                    

Yakap


Ang sakit sakit naman, ang akala naman nito wala akong pakiramdam. Mga mayayaman talaga, kahit desperado kami hindi ko naman peperahan kahit mayaman si Sir Archer, sumimangot ako at hindi na alam ang susunod na gagawin dahil nablangko na 'rin ang aking isip dahil sa mga masasakit na salita nila laban sa'kin.

Hindi ko sila pinansin at kinuha na ang miryendang natira. Tumamikod ako at hindi na ako nagpa apekto pa.

"This bitch," bulong nung Sarah. Tumingin ako sa kanilang dalawa at binelatan pa. Mas bitch kayo! Naiinggit siguro sa akin kasi sobrang ganda ko, eh wala naman na siyang magagawa 'ron, likas na sa akin ang pagiging maganda.

Nang mayari kong gawin 'yon ay inirapan nila ako. Aba'y kung inggit pikit. Nang makalakad ako papunta sa kumpulan ng mga trabahador ay ngumiti ako sa kanila.

"Solidad ba ang pangalan mo?" tanong nung isa. Tumango ako at nag angat ng tingin sa kaniya, ngumiti 'rin siya sa akin at nagngitian ang mga kasama niya. Lumapit ako at mag aalok ng pagkain.

"Gusto niyo pa po ba? Marami pong niluto si Manang Silva, at alam kong nasarapan kayo sa spaghetti. Alam niyo po bang paborito ko ang spaghetti at kapartner ay maruya," kwento ko sa kanila. Nagulat sila sa mga sinasabi ko at sa wakas ay nakabawi 'rin.

"Hahahahaha...." sabay tawanan nila. Humagalpak 'din ako sa tawa dahil sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko 'rin alam bakit sinabi ko sa kanila ang nga walang saysay na nasa isip ko, hindi ko talaga mapigilan kahit na lagyan ko pa yata ng tape ang aking bibig ay magsasalita pa 'rin ako nang magsasalita.

"Naku! Swerte naman ng nobyo mo kung ganoon. Ang saya mo pala kajamming," saad niya at natawa na naman ako, kahit ako ay natatawa sa mga pinagsasabi nila sa akin, simula kasi 'nung naging kaibigan ko si Vincent ay naging matapang na ang hiya ko.

Wala akong kinakahiya talaga. Nang makain nila ang tirang ,spaghetti na miryenda nila ay nagpaalam na ako, pero dinadal pa 'rin dahil sa aking namumulang braso na pinaggigilan ni Sir Archer.

"Anong nangyari diyan?" tanong 'nung isang lalaki at kaagad akong kinabahan.

"Mabilis po kasing mamaltos 'yung balat ko, kaunting palo lang namamaltos na," palusot ko.

"Edi, may pumalo sayo..." akusa niya. Umiling ako at naramdaman ko ang kaba dahil sa mga sasabihin ko na naman.

"Wala po ito... hindi naman gaanong masakit," tanggi ko. Tumango sila at hindi ko na sila pinansin, naramdaman ko ang kaba dahil paparating si Sir Archer banda sa amin. Baka may kailangan sa mga katrabaho nila, kaagad itong tumingin sa gawi nila Maam Olivia at Maam Sarah. Inirapan ko siya dahil 'don. Iyon na naman siya! Lalapit na naman kay Olivia.

Kinuha ko ang aking dala dala kanina, wala nang laman 'yon kaya aalis na ako rito. Nang mapagpasiyahan kong umalis ay kaagad kong inayos ang aking maong na shorts na lagpas hanggang tuhod at pinagpag 'yon pati na 'rin ang plain white shirt ko. Natapunan nga ng kape kanina, hindi man lang ako inalala na napaso 'din ako at pinanggigilan pa.

"Hi, Augustus!" bati nila, habang si Sarah ay nakatitig lang sa kaniya. Si Sir Archer ay tamad na ngumiti at nahuli pa akong nakatingin sa kaniya at kaagad akong umalis 'don, pero nadapa pa ako! Narinig ko ang pagtawa 'nung dalawang bruha sa kabila at hindi na tumingin sa kanila. Naiinis pa 'rin ako, tuloy ay kaagad akong tumayo pero hindi pa ako nakatayo. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sir Archer sa akin at naiinis na nakatingin sa akin. Aba't ginusto ko ba?

"Fuck Kid, what's wrong with you!" singhal niya. Lumapit siya sa akin at hindi ako nakapagsalita pero nakabawi 'rin.

"Eh, nadapa nga. Anong mali 'ron?" bulong ko at matalim siyang nakatingin sa akin. Narinig ko ang mahihinang tawa nung mga katrabahador nila at wala man lang lumapit sa akin. "Okay na ako Sir Arch---" hindi niya ako pinansin at binuhat na parang bride.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon