12

14 4 0
                                    

Aviella Thena

ang saya saya ko dahil nabasa ko na rin yung Vol 6, Nag iisip ako ng pwedeng ibigay sakanya para may kapalit panaman.

ayoko ng may utang na loob noh baka hampas ko sakanya yung libro pag sinumbat nya.

wala talaga akong maisip kairita.

"Thena? are you still alive?" habang kumakatok si Ali sa kwarto ko.

"oo buhay pa ako, pasok ka"

pumasok sya at lumapit sakin. nasa kama ako at naka dapa.

"samahan mo ako sa SM may bibilhin ako"

"lilibre mo ba ako? hihi"

"as if may choice ako diba"

"yun oh wait mag bibihis ako"

"bilisan mo, hintayin kita sa garahe"

agad ako nag bihis ng Pang alis ko, simpleng pantalon at beige plain t-shirt lang suot ko at dumiretso na sa baba at tumungo sa garahe.

naka sandal si Ali sa Ferrari nyang kotse at naka busangot"

"ang tagal mo"

"hehe sorry na, ito naman"

agad akong sumakay sa kotse nyang pang dalawang tao lang pwede. pag kalabas namin sa garehe bigla nalang nya pinaandar ng napaka bilis potangina, halos mahiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa sobrang bilis mag patakbo nito parang may humahabol samin pota.

alam kong pa iba iba mood nitong pinsan ko pero sanay na ako Jan ilang buwan na rin naman akong nasa kanila kaya normal lang yan sakin, minsan nga bigla nalang yan kakaripas sa kwarto ko na akala mo isang batang nabigyan ng candy, kinikilig kasi syang pumunta sa kwarto ko with talon talon pa nag tatanong ako kung ano iyon. yun pala ibibili sya ni tito ng bagong BMW na Motor.

Hindi ko pa nakikita si tito Simon simula noong bata kami. pag nag tatanong ako kay Ali sinasabi nya na busy si tito sa England at inaasikaso ang Company nila roon.

Grabe naman pag ka busy ng Daddy nya parang di ko nakikita umuuwi ng pinas kahit may mga occasion, pero at least nag bibigay sua ng regalo kahit di sya nakaka uwi ng pinas.

bigla ko talaga namiss si Lola at si mama kahit na walang time sakin lagi yun. naalala ko tuloy yung papa ko kahit di ko sya kilala. sana makilala ko sya bago pang mahuli ang lahat.




"dito ka lang Thena may pupuntahan lang ako saglit. wag kang aalis dito understood?"

"ha? s-sige ingat"

"oh ito, pinapabigay ni Daddy sayo"

"Teka? black card to ah? yawa hoy ibalik mo kay tito di ko yan matatanggap"

"tanggapin mo na pag di mo yan kinuha baka kung ano bilhin sayo non at di mo pa magagamit mas okay na yan, iwan na kita, mamili ka na ng mga gusto mong bilhin, bye!"

"h-hoy wait lang!" bigla nalang ito umalis shuta, tinitigan ko itong hawak kong black card dahil di pa rin ako makapaniwala, noong isang araw ko lang nalaman ibig sabihin ng black card na ito.

[Flash back]


"kuya, buhay ka pa ba jan?" katok ko sa pintuan nya baka kasi hindi na sya humihinga you know.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon