PART II: UNEXPECTED

257 15 0
                                    

STELL'S POV

Nakatitig padin sakin ang lalaking kaharap ko, tila ba hinihintay na mag salita ako.

"Stell hindi mo naba ako nakikilala? Ako to." Excited na sabi nito.

Oo naman, kilala kita...

Kilalang kilala...

Pero ayoko lang talagang makita at kausapin ka.

"Uyy~ Bakit hindi ka namamansin, grabe kana ah. Parang kinalimutan mo na talaga ako." Pangungulit pa nito.

hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa sitwasyon na ito. Gusto ko nalang magpa kainin sa lupa. Kaso wala akong choice kundi kausapin siya.

"P..ablo kamusta?" Bati ko dito na halos nauutal kong sabihin ang pangalan nito.

"Okay naman ako kakauwi ko lang galing states, ikaw kamusta? wala na akong balita sayo ah." Malambing na sabi nito.

Paano ka mag kakaroon ng balita sakin, eh matagal ko ng pinutol ang koneksyon nating dalawa.

"Okay lang din ako, masaya." Ewan ko ba kung bakit ko nasabi ang salitang masaya. Eh hindi naman talaga ako masaya. Gusto ko nalang talaga magpa kain sa lupa.

Bakit ba kasi, sa dami daming tao na makakakita sakin ngayon, ikaw pa.

"So Kasal ka na?"

Kasal?? Napangisi nalang talaga ako sa tanong niya.

Bakit ba kailangan niya pang tanungin? Eh wala nga akong jowa pano pa ako ikakasal.

Ano bang dapat kong isagot sa tanong niya?

"Hmm~ malapit na?" Patanong kong sagot sa kanya.

Lord! Sorry po nag sinungaling ako, pero bakit naman po kasi hinarap niyo sakin tong lalaking to.

"Ahh okay." Mukang hindi naman niya nahalata ang patanong kong sagot.

Salamat naman at mukang naniwala siya sa pag sisinungalin ko.

Pero sana naman umalis na siya. Wala talaga akong lakas, para makipag usap sa kanya.

"Ah stell, Happy birthday pala." Nakangiting sabi ni Pablo.

Nagulat ako sa pag bati nito.

Naalala niya pa kung kelan ang birthday ko.

Bigla nalang may sumagi sa isip ko.

Oo nga pala dito kami dati laging nag cecelebrate na dalawa kapag birthday ko.

So ibig bang sabihin nandito siya kasi may gusto pa siya sakin? At umaasa siyang makikita niya ako dito?

Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko.

Magsasalita na sana ako ng..

"Babe what took you so long? Akala ko ba kukunin mo lang yung naiwang susi sa table natin right there?" Sabi ng babae ng makalapit samin ni Pablo.

Babe? table right there? So, sila yung naririnig ko kanina sa likuran ng table ko?

Hindi ko alam kung na dismaya ako dahil sa narinig ko, o dahil sa akala kong may gusto pa sakin si Pablo.

"Ah Pablo alis na ako, may party pa kasi kami mamaya. Thanks sa pag bati sakin." Pagpapaalam ko dito.

Nag sinungaling na ako, kahit wala naman talagang party na magaganap. Gusto ko na din kasing makatakas. At ayokong ma mis interpret ng babae ang pag uusap namin ni Pablo. Saka okay na ako, at ayokong madamay pa. Baka gumulo lang ang payapa kong buhay.

Hays, gusto ko na talagang umuwi, parang sumama kasi ang pakiramdam ko.

Hindi ko na hinitay na sagutin ako ni Pablo, naglakad na kasi ako papalabas ng resto. Kaso parang narinig kong tinawag pa ako nito, pero hindi ako sigurado baka guni guni ko lang or masyado lang ako assuming sa mga naiisip ko kanina.

Saka alam ko ng may girlfriend na siya, kaya napaka imposible diba?

Binilisan ko nalang ang pag lalakad ko hanggang sa makarating ako sa parking lot.

"Haays." napa buntong hininga ako. Ang daming nangyari. Hindi ako makapaniwala, bakit kailangan pa kitang makita.

Hawak ko ang susi ng sasakyan at hindi ko ito maipasok ng maayos, hindi ko alam kung bakit ako nanginginig ang mga kamay ko pati nadin ang katawan ko.

Sobrang tagal na...

Pero bakit ganito padin ang epekto sakin?

Nang makapasok na ako ng sasakyan, binuksan ko ang radyo, para sana mabaling sa iba ang isip ko. Kaso nagulat ako sa kantang tumugtog sa radyo.

SANAY MAULIT MULI
.ılılılllıılılıllllıılılllıllı.
0:24 ─●──────── -5:54
𝕀𝕀

Bigla nalang nag sikip ang dibdib ko, at tumulo ang mga luha saking mga mata.

📻 🎶
"Kung ako'y nagkamali minsan
Di na ba mapagbibigyan
Oh giliw, dinggin mo ang nais ko."

Nung narinig ko yung parte ng kanta, mas lalong nadurog ang puso ko.

Kung pinatawad ba kita...

Kung pinuntahan ba kita ng gabing yon, at pinakinggan ko ang mga paliwanag mo.

Tayo padin kaya?

Tuloy tuloy lang ang pag patak ng mga luha saking mata, para bang ulan na ayaw tumila.

📻 🎶
Mahal pa rin kita, Oh giliw, oh giliw

Huling linya sa kanta, na mas lalong nag paiyak sakin.

"Mahal parin ba kita pablo?" Pahagulgol kong tanong sa sarili.

Rewriting destiny  [SB19 - STELLJUN AU] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon