chapter 5

21 3 12
                                    


Kina umagahan ay umakto ako na parang wala akong nalaman. dahil mula ng gabing malaman ko ang impormasyon tungkol sa papa ko ay sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya.

"Akala ko di ka papasok kasi ang sarap ng tulog mo kanina kaya di kita ginising" aniya

Kapag nakikita ko si Mama kinakain ako ng konsensya ko may parte sa'kin na gustong sabihin sakanya ang totoo kaso natatakot ako saka ko na sasabihin sakanya kapag handa na siya at ako.

"Papasok po ako  ngayon malapit na rin po kasi finals namin" saad ko.

"May allowance kapa diyan, kung wala na doon sa wallet ko may 500 ako dun idagdag mo na diyan sa budget mo yun yung bayad sa'kin sa labaada" hindi ka sana nag hihirap kaka laba kung hindi tayo iniwan ni papa at pinag palit sa iba.

"Wag na ho, ipunin mo nalang po 'yan may pera pa naman po ako. Sige po ma akyat na po ako mag bibihis na ako" tango lang ang naisagot ni Mama.

Umakyat na nga ako sa kwarto ko para mag bihis, hays malelate na'ko kailangan ko na mag madali. Sinuot ko nalang yung tank top at ripped jeans na inorder ko sa shopee nung isang araw, pag tapos kong mag bihis ay nag lagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha para naman hindi ako mag mukhang dugyot.

"Una na po ako Mama wag ka po masyadong mag papagod ha" paalam ko sabay halik sa noo niya

"O siya sige baby mag iingat ka ha galingan mo sa school" yan nanaman si mama sa baby na yan

"Ma hindi na ako bata wag mo nga ako i baby kadiri" ani ko at inirapan lang ako ni mama

Nag abang na ako ng masasakyan at ilang minuto lang ay malelate na ako sa fisrt sub ang sungit pa naman ni Ma'am, habang nasa biyahe ay sinasabayan ko ng pag kanta at ilang sandali lang ay naka rating na ako sa school.

"Hi ate Sol ang ganda po ng boses mo naka sabay po kita sa jeep kanina tapos ang blooming mo po" bati sa'kin ng isang bata na siguro ay sa junior high matangkad at maputi na batang lalake

"Salamat, anong pangalan mo ang gwapo mo naman" nginitian niya ako at sabay abot niya sa'kin ng kaliwa niyang kamay

"Ako po si Vico naka tira din po ako sa subdivision at ikaw naman po si ate Sol, crush po kita ate ang ganda mo po kasi tapos mabait pa" nahihiya niyang saad at namumula pa ang mukha niya

"O siya sige na vico at malelate na kasi ako, nice to meet you pogi " kinindatan niya lang ako at nauna na akong mag lakad sakanya

Habang naglalakad ako palapit sa room ay gulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko dahilan na nag patigil sa'kin sa pag lalakad, pag harap ko ay nakita ko si ludovic na hawak-hawak ang kamay ko at bigla itong nag salita

"Minor pala ang gusto mo galing mo naman pumili" aniya na parang ng aasar.  pinag sasabi mo

"First of all how dare you to touched my hand without my permission, second anong minor ang pinag sasabi mo. Epal mo naman sisirain mo araw ko " he chuckled

" Do you still remember our deal" tumango ako

"Gusto kong hawakan mo ang kamay ko habang papasok tayo ng room, holding hands ba" chansing na to ah!

"Hoy! Gusto mo lang hawakan ang  kamay ko chansing ka rin  eh no" ngisi lang ang tanging naisagot niya

Tanaw na tanaw na namin ang aming silid, nakakaloka ang mga tingin nila sa'kin lalo na 'to si stifanny palagay ko ay may gusto kay ludovic

"Kayo na bang dalawa" tanong ng bobitang nasa harapan ko, for sure pag iinitan niya ako halata namang may gusto siya kay Vic eh. Saksak mo sa baga mo teh diko naman aagawin yan sayo

The Girl With A Secret [ON-GOING]Where stories live. Discover now