Kiera's POV
"bilisan mo naman alipin!!"
"teka lang naman po mahal na hari!"
nagmamadali akong nag empake ng mga gamit para sa pagdalo namin sa pagpupulong ng dyos at dyosa.
Hindi ko alam sa dyos na ito kung bakit ako pa ang napili? kesyo kapalit daw ng pagpapayag nya na makita ko si haring kupido.
"Bakit kasi ako pa ang napili mo mahal na hari??"
"hindi ba't nasabi ko na sa iyo ang dahilan?? kapa-"
"kapalit ng pagpayag mo na makita ko si haring kupido, pero wala bang ibang dahilan mahal na hari??"
"wag mo nalang kwestiyonin ang aking desisyon alipin! isa pa, napakadami mong tanong, pinahintulutan ba kita?"
"sabi ko nga po, mananahimik na ako"
dali dali ko ng tinapos ang pang iimpake at sumunod sa mahal na hari.
/OLYMPUS/
nasa Olympus na kami at napakaraming dyos at dyosa katulad na lamang Hera, Hestia, Demeter, Hades, Apollo, Hermes, Athena, Hephaestus, Aphrodite ng nandito.
"Gumalang ka sa kanila" bulong ni haring Poseidon
"masusunod po mahal na hari"
nagbatian silang lahat at pumasok na, naiwan ako dito sa labas ng Olympus kasama ang isang anak ng dyosa dahil mga dyos at dyosa lamang ang may karapatan na pumasok doon.
"Ikaw ang kanang kamay ni haring Poseidon?" tanong nya
"po? opo mahal na dyosa"
"napakapangit mo naman" sambit nya na ikinapantig bigla ang tainga ko.
Bumuntong hininga nalang ako.
"Ah"
"Tapos ang pangit pa ng kasuotan mo! tsk"
"hmm?"
"tapos napaka pangit ng buhok mo! basta, lahat sayo ay pangit" pagpapatuloy nya
"ahh" "hindi ka ba naapektuhan?" halata sa boses nya ang inis na nararamdaman nya.
Napangiti ako ng bahagya at nagsambit ng katangang:
"hindi po ako naapektuhan kasi po wala naman po akong pakialam sa opinyon mo."
"Aba't- sumasagot ka pa talaga?!" halata sa boses nya ang pagkayamot
"Hindi po ba't kabastusan ang hindi pagsagot kung ikaw ay tinatanong?"
"manahimik ka! malalaman ito ng aking ina"
"alam ko na ang nangyari at nakakadismaya ka hermonia!" saad ng isang boses.
Biglang sumulpot ang isang dyosa na si Aphrodite sa aming harapan kasama si haring Poseidon
"pagpasensyahan mo na ang aking anak"
baling nya sa akin.
"ngunit ina-"
"Manahimik ka!"
"ayos ka lang ba alipin?" pag aalalang tanong ni haring Poseidon
"opo mahal na hari"
"mag ingat ka sa sasabihin mo, hermonia kasi sa susunod na mapagsalitaan mo pa sya ng masama? ako ang makakalaban mo"
halata sa boses ni haring Poseidon ang pagiging seryoso nya at tila ba nasindak si dyosa Hermonia.
"pa-pasensya" sambit nya habang nakayuko
umalis na kami ni haring Poseidon at tumungo sa pagtutuluyan namin.
"Napaaway ka kaagad alipin. Unang kita mo palang sa kanila" pagbabasag ni haring Poseidon sa katahimikan ng aming paglalakbay
"pasensya po, hindi na mauulit"
"ayos lang, ang mahalaga hindi ka nasaktan"
napangiti ako sa sinabi ng mahal na hari. May pag-aalala parin pala siya sa akin.
"Oo nga pala, ang kwarto na ating pagtutuluyan ay iisa lamang. Ibig sabihin katabi mo akong matulog, alipin"
napahawak ako bigla sa aking katawan
"t-teka...anong iniisip mo ha? hindi ganun yun! mag tatabi lang tayo!!"
"hayys wala pa nga akong sinasabi ehh"
napasimangot na lang sya at napatuloy kami sa aming paglalakbay
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantasyWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?