Kiara Yuri Gomez POV:
"Nasa parking lot ako" text sa'kin ni fifteen. My best friend
Pumunta naman ako sa parking lot at nakita ko s'yang naka sandal sa kotse n'yang itim habang tinitignan ang paligid
Naka maong lang ito at naka black na t-shirt. Kahit na ganon lang ang suot n'ya ay ang astig n'ya paring tignan
Maraming babaeng nahuhumaling sa kagwapuhan n'ya dahil may lahi s'yang amerikano pero iniisa ay wala akong nabalitaan na nag ka gf s'ya or something.
Nahagip naman ako ng paningin n'ya kaya napangiti ito tsaka lumapit sa'kin
Sinabayan n'ya lang ako mag lakad at pumasok kami sa kotse n'ya
Hindi n'ya ako hinahawakan dahil ayoko nun. Ayokong hinahawakan ako ng mga lalaki dahil bumabalik lang ang masamang ala ala ko noong high school ako. Pero kaya kong makipag kaibigan sa kanila
"Guess what... Matutulog ulit ako sa bahay mo" masaya n'yang sabi habang nag d-drive
"Nanaman? Nakakailan kana ah sa susunod talaga baka sa bahay kana nakatira" taas kilay kong sabi
"Payag kana, payag nga ako e" sabi n'ya pero hindi ko iyon pinansin dahil biglang tumawag si Jennifer sa'kin
"Oh.. bakit jen?" Tanong ko
"Girlllll may good news ako... Mag kaka jowa kana nang pogi!!" Sigaw n'ya kaya nailayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tenga ko
"Ha?" Taka kong tanong
"Si kael daw may gusto sa'yo tapos may balak daw s'yang manligaw sa'yo" kinikilig n'yang sabi
"Alam mo jen nahihibang kana" sabi ko dahil imposibleng mag kagusto si kael sa'kin dahil hindi naman kami nag uusap nun
"Maniwala ka sa'kin kiara. Anyways, kasama mo ba si fifteen? kase hinahanap s'ya ng bebe gurl n'ya dito" parang ewan na tanong sa'kin ni jen
"Oo kasama ko s'ya"
"Sabihin mo punta s'ya dito sa party hinahanap s'ya ni thalia yung bebe gurl n'ya daw na sexy" sabi n'ya tsaka n'ya pinatay ang tawag
Bigla namang huminto ang kotse ni fifteen kaya napatingin ako sa bintana at nasa harap na kami ng bahay ko
"Hmm.. fift pinapapunta ka ni jen sa party n'ya may nag hahanap daw sa'yo doon thalia daw yung pangalan" sabi ko na nag pakunot sakanya ng noo
"Papayagan mo ba akong pumunta doon?" Tanong n'ya na nag pagulo sa'kin
"Ha?" Wala sa sarili kong tanong
Naknang nalulutang talaga ako ngayon kahit sa opisina ay lutang ako
"Sabi ko papayagan mo ba akong ma-meet yung thalia na yun? Kase ako ayokong pumunta pero kung sasabihin mong pumunta ako doon pupunta ako ngayon na pero kasama ka" seryoso n'yang sabi sa'kin
"Bahala ka sa buhay mo pumunta ka mag isa doon" sabi ko tsaka lumabas at pumasok sa bahay dahil pagod ako ngayong araw at wala ako sa mood para sakyan yung mga jokes n'ya
Umakyat naman kaagad ako sa kwarto ko at nag palit ng damit
Napatingin naman ako sa kanang kamay ko dahil sa bracelet na suot ko at singsing na suot ko rin
Binigyan ako ni fifteen ng bracelet at couple bracelet pala ito at suot suot n'ya rin yung kanya ayoko pa ngang tanggapin itong bracelet dahil para kaming may something sa isa't isa pero ang sabi n'ya ay pang best friends bracelet ito kaya iyon tinanggap ko at yung singsing ay regalo n'ya sa'kin. Ewan ko ba sakanya kung ano ano nireregalo sa'kin
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Obsession (Short Story) [COMPLETED]
Fanfictiondahil sa isang pag kakasala ng ama ng dalagita dito ay mag tatagpo ang dalawa "don't be scared I'm here to save you" "yuri... wag mokong iwan pakiusap" "i like you.. no, i love you yuri" -strwbrrygin-