Chapter 37: Lady Angela
Mikaela's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. "Kevin Legaspi? Tres?" Kunot noong tinignan ko sila. Lima silang naroroon na nakatingin sa akin.
Sabay-sabay silang tumayo at yumuko sa'kin. Mas lalong gumulo ang utak ko dahil sa inaakto ng mga ito.
"Sa wakas ay nakausap na kitang muli, Lady Angela." Napalingon ako sa lalaking katabi ni Tres.
"Lady Angela, this is my brother Blake—"
"Nakiki Lady Angela ka rin?! Ano 'to trippings!?" Inis na singhal ko na ikinakunot ng noo nilang apat maliban kay Kevin na napabuntong hininga nalang.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa mga sumunod na pangyayari. Umupo si Erica sa tabi ni Tres na kaharap ang hindi ko kilalang lalaki.
Bali anim na sila ngayong nakaupo sa mahabang mesa at nasa harap ko ang bakanteng upuan sa gitna.
"Maupo ka, Lady Angela." Magalang na sabi nong kapatid kuno ni Tres.
Nagugulohan man ay ginawa ko nalang ang sinabi niya. Pagkaupo ko ay nagsimula na silang kumain pati si ERICA!! Parang wala lang sa kaniya ang mga ito. Na parang kilalang kilala niya ang mga lalaking to.
"Kilala mo ba ang mga taong to Erica?" Tanong ko sa kaniya. Tumigil naman ito sa pagkain at tinignan ako.
"Si Kuya Blake lang po." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
Nilingon ko naman ang kapatid ni Tres at sinamaan ng tingin at agad niya namang itinaas ang dalawang kamay at umiling-iling.
"Bakit mo kilala ang lalaking 'to?" Tanong ko sa kaniya.
"Eh kasi Ate siya yung palagi kong kausap sa school pagwala yung nga kaibigan ko." Sabi niya.
"Stalker huh." Sabi ko at binalingan ang kapatid ni Tres na si Blake na hanggang ngayo'y naka taas ang dalawang kamay at mas lalong binilisan ang pag-iling.
"Bakit mo sinusundan ang kapatid ko?" Seryosong tanong ko sa kanila at napakalmot naman siya sa ulo.
"Binabantayan ko ang kapatid ng Boss ko." Kumunot naman ang noo ko.
"Sinong boss mo?" Nagugulohang tanong ko. Kailangan kong makilala ang boss niya dahil kung hindi ay manganganib ang buhay ng kapatid ko.
"Ikaw." Tipid na sagot niya na ikinatigil ko.
"Huuuuh?????" Loading kong sabi. "Wala akong alagad no!" Sabi ko. At bakit naman ako magkakaroon.
Napabuntong-hininga nalang ito. "Kumain ka na, Lady Angela." Sabi ni Kevin sa gilid ko na agad kong sinamaan ng tingin.
"Ikaw!? Doctor ka diba? Bakit ka nandidito?" Inis na tanong ko.
"Andito ako para pagalingin ang sugat mo." Napanga-nga ako dahil sa sinabi niya.
"Eh sa leeg ko lang ang sugat, bakit may pa personal doctor pa? At isa pa kaninong bahay pala ito at sobrang laki? Isang barangay ba ang nakatira dito or tatlo?" Sabi ko sabay lingon sa paligid.
Hindi ko parin talaga maiwasang hindi humanga. "It's your house." Napalingon naman ako sa lalaking katabi ni Kevin.
Ano raw????
"Huhh?? Ehhh?????" Nagugulohan na talaga ako.
Ano ba kasing nangyayari, pwedeng may mag explain ng lahat ng to?
"Yes, it's your house, Lady Angela." Napaface palm nalang ko.
Tumango nalang ako kahit wala naman akong naiintindihan sa kanila at para matapos na nagugutom na ako eh.
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN III
RomanceBillionaire Series 1 : Nicholas Corden III A 21 years old woman named Mikaela Angela Sarmiento. She is beautiful but not so attractive. She doesn't care about the world because she's too busy working for her life and she has a little sister named Er...