Chapter 40 : Preparation
Mikaela's POV
Sabado na at 10 pa ng umaga kaya mas mabuting makabili ako ng damit na isusuot ko para sa party mamaya.
Sabi ni Joshua ay kulay pula daw ang susuotin ko dahil itim na tuxedo ang kaniyang susuotin para matchy matchy daw kaming dalawa at sumang-ayon naman ako.
Alas syete pala ng gabi nagsisimula ang party kaya mas mabuting gumalaw na ako ngayon.
"PATAY!" Sigaw ko at napalingon naman ang limang lalaki maliban kay Erica na abala sa kaniyang pinapanood na Barbie in the popstar.
"What happened?" Tanong ni Kevin.
Napalingon ako kay Kevin at tumabi sa kaniya sa pag-upo. "Kev, diba mag kaibigan tayo?" Sabi ko sa kaniya at ipinalupot ang kamay ko sa braso niya.
"Eh ano naman?" Masungit na sabi nito.
"Eh kasi inimbitahan ako ni Joshua sa isang party na gaganapin mamaya eh." Sabi ko at kumunot naman ang noo nito. "Ah kasi wala akong pera pambili ng gamit, pwede bang pabale muna?" Sabi ko. Natawa naman ito.
"Look, Angela. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan eh. Mayaman ka, hindi mo lang alam." Sabi nito.
Nilingon ko naman ang apat na halos magkasabay na tumango. "Weh?" Pinaglalaruan na naman ako ng mga engot na 'to.
"At tsaka hindi mo naman kailangang bumili dahil marami ka namang damit." Sabi nito.
"Pinagsasabi mo? Kaya nga ako manghihiram dahil wala akong damit." Sabi ko sa kaniya.
"Halika nga rito, hindi ka parin marunong kumalikot ng kwarto mo!" Sabi nito sabay hila sakin.
Naiwan naman silang lima doon sa living room at sumakay naman kami ng elevator ni Kevin patungong 5th floor.
Pagkapasok namin sa kwarto ko ay agad akong nagtanong. "Oh? Anong ginagawa natin nito?" Tanong ko sa kaniya.
"Maghahanap ng damit na isusuot mo." Sabi nito. Pumasok naman siya sa walking closet ko at sumunod naman ako.
"Oh diba! Wala namang pang party dito! Siguro meron pero hindi bagay sa party mamaya eh." Sabi ko.
Tahimik lang itong lumapit sa malaking salamin sa dulo ng closet ko. "Oh? Anong meron d'yan?" Tanong ko.
"You'll see." He said.
Tinulak nito ang salamin kagaya ng library ni Joshua ay naging mistulang pinto ito at sa likod ng salamin na pinto ay napakaraming high heels, bags at mga dress!
"What the fuck!? This house is full of surprises!" Sabi ko at agad na lumapit sa mga mamahaling bags at mamahaling damit lalo na ang rubber shoes, flat and high heeled sandals.
"Ang ganda!" Sabi ko.
"Alam ko namang magugustohan mo 'to." Sabi niya.
"Ikaw pumili ng mga ito?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman ito.
"Oy ang ganda ng taste mo ha!" Sabi ko at inisa-isa ang mga dress na kulay dugo."Yan babagay 'yan sayo." Sabi niya sabay turo sa hawak kong silk red dress.
"Wait isusukat ko." Sabi ko. Tumalikod naman ito at nagbihis na agad ako.
"Oh? Bagay ba?" Tanong ko sa kaniya kaya humarap ito.
"Bagay na bagay." Sabi nito na ikinangiti ko. Siya na ang naghanap ng sandal na susuotin ko and great 4 inches heels! Wow lang talaga as in wow!
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN III
RomanceBillionaire Series 1 : Nicholas Corden III A 21 years old woman named Mikaela Angela Sarmiento. She is beautiful but not so attractive. She doesn't care about the world because she's too busy working for her life and she has a little sister named Er...