Chapter 18 Two Piece
Kumakanta ang buong banda habang hawak ni Theo ang gitara matapos naming kumain kanina. Nilingon ko si Madam na nasa tabi ko nang mapansin kong humihilig na siya sa akin.
“Madam?” tawag ko sa kanya.
“I think inaantok na ako dahil sa gamot.” Mahinang sabi niya kaya agad akong tumayo. Napalingon silang lahat sa akin.
“Tara na po sa kwarto ninyo.” Sabi ko at inalalayan ko siyang tumayo pero agad din itong natumba. Napatayo na rin ang mga kasama namin at tinulungan akong alalayan si Madam. Dahil si Oliver ang nasa malapit ay agad niya akong tinulungan.
“Let me help you.” Ngumiti lang ako bago namin sabay na inangat si Madam. Nagulat kami nang may kamay na agad humawak sa braso ni Oliver.
“She’s my mother so let me help them.” Malamig na sabi ni Michael at nagsukatan na ng tingin ang magkaibigan. Kunot noo ko silang tiningnan.
“Magtititigan na lang ba kayo diyan o tutulungan niyo ako? Nangangawit na ako at kailangan nang magpahinga ni Madam.” Sabi ko sa kanila kaya natinag din ang dalawa, narinig ko pa ang tawa ng mga kasama namin.
Bumitaw si Oliver at hinayaan na si Michael na ang umalalay sa ina. Sa kanan si Michael at ako ang sa kaliwa habang pareho namin inaalalayan si Madam.
“He’s jealous, pare.” Rinig kong sabi ni Darryl pero pareho na naming hindi sila pinansin.
Sabay naming inihiga sa kama niya si Madam nang makarating kami sa kwarto. Napangiti ako nang makitang kinumutan pa ni Michael si Madam bago kami sabay na naglakad palabas ng kwarto.
“Woman…” lumingon ako nang magsalita siya.
“What did you call me?” tanong ko pero seryoso lang siyang tumingin sa akin.
“Are you serious when you told me that Oliver is your bias now?” sabi niya nang hindi nakatingin sa kain, tinabingi ko ang ulo ko para malaman kung seryoso ba siya sa tanong niya.
“Kailan ako nagjoke? Ayoko sa monster.” Sabi ko at tinalikuran ko na siya at naglakad na pabalik ng kwarto ko.
Pakiramdam ko hindi ako makahinga kapag kaharap ko siya.
Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin papasok ng kwartong tutulugan ko. Tinulak niya ako sa pader matapos niyang isara ang pinto kaya naging magkadikit na rin ang aming katawan.“But why did you kissed me?” nanlaki ang mata ko sa naging tanong niya.
“W-what? I kissed you? For all I know it was just an accident.” Nakairap na sabi ko at sinipa ko ang kanyang
pinakamamahal na hinaharap.“Arghhh, woman.” sigaw niya kaya nagtatakbo ako papuntang CR. Narinig ko pang kumatok siya pero umiling ako at tumawa. Napahawak ako sa dibdib ko nang tumibok ito ng mabilis. Napagod siguro ako sa pagtakbo.
*****
Kinabukasan ay nag-aya magswimming si Drake sa akin kaya wala akong nagawa kundi pumayag dahil pinayagan na rin ako ni Madam. Maghapon lang daw siya magkukulong sa kwarto dahil masama ang pakiramdam niya. Gusto ko nga sana siyang samahan kaso gusto niya raw mapag-isa.
“What are you wearing? Are you an old lady?” sinamaan ko ng tingin si Michael na biglang sumulpot sa harap ko at tumatawa. Kasama niya ang buong banda kaya hindi ko maalis ang tingin sa mga kaibigan niya. Lalo na at nakatopless silang apat na may suot na beach short at shades. Pumuputok ang mga abs.
“Pake mo?” pagtataray ko at iniwan sila sabay hatak kay Drake sa kamay.
“Why did he call you an old lady? You look young.” Nagbaba ako ng tingin sa bata na inosenteng nakatingin sa akin. Natawa ako at nailing, ang cute nang pagiging inosente niya. Huwag nga lang magmamana sa tito na ubod nang sama ng ugali.
BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...