Chapter 28 Heartbreak

0 0 0
                                    

Chapter 28 Heartbreak

“Papaano niyo nalaman na wala siyang alam?”

“Dahil nakausap ko si Eldan, totoong naghahanap siya ng caregiver at nang malaman ko ang pangalan ng kaibigan niya ay ako mismo ang nagrecommend sa iyo.” Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya.

“Kayo?” tumango siya.

“Oo, nagulat pa siya nang malaman niyang ikaw ang irerecommend ni Eldan. Yun na lang ang huli kong ginawa, ginawa ko iyon para mapunta ka sa pamilya nila. May kaibigan akong pulis at tinulungan niya akong ipabackground check ang pamilya Avellino. Nakita ko kung gaano kabuti ang pamilya nila kaya sinabi ko sa sarili ko gagawa ako ng paraan para mahanap mo ang kapatawaran sa puso mo. Alam kong hindi sila mahirap patawarin.
Anak, matagal na akong nagpatawad kaya gusto ko ganun ka rin, alam kong galit ka pa rin sa taong dahilan ng pagkamatay ng Mami mo. Hinayaan kong mapalapit ka sa kanila at hindi ko inaasahang dadalhin mo dito ang mismong lalaking kinamumuhian mo. Napangiti ako noon lalo na nang makita ko kung paano siya tumingin sa iyo. Sabi ko sa sarili ko, iyan ang hindi ko inaasahan. Tadhana ang kumilos upang mahalin niyo ang isa’t isa.” Hindi ako nakapagsalita lalo na nang halikan niya ang noo ko.

“Wala kaming gusto ng Mami mo kundi maging masaya ka. Pero hindi ka magiging masaya kung hindi mo papatawarin ang sarili mo.” Nagulat akong lumingon kay Papi.

“Po?” tipid siyang ngumiti.

“Alam kong kaya ka galit ay sinisisi mo ang sarili mo. Dahil hindi mo siya sinamahan nang maglambing siya sa iyong samahan siya sa palengke. Galit na galit ka sa lalaking mahal mo dahil hindi mo maaaring sisihin ang sarili mo, kapag ginawa mo iyon paano ako.” Hindi ako makapaniwala sa lahat ng pinaliwanag niya sa akin.

Why did I forget that my father is a smart one kaya sa kanya talaga ako nagmana?

******

Lumipas pa ang dalawang buwan at nalaman ko na nagshoot sila sa music video na plinanong icollab kasama ang Jazz 4 at di pa ako makapaniwalang naririnig ko mismo ang mga musikang ginawa ko. Nalaman na rin nila Elisha at Stephen ang tungkol kay Michael at noong una ay nagalit sila pero nagkibit balikat ako ng nawala na lang bigla ang galit nila.

Bumalik din ang pagiging fan ni Elisha sa Real Quick kaya lagi siyang sumusunod sa banda kapag may libreng oras siya. Sana ako rin ganun, madaling mawala ang galit, alam kong kinausap sila ni Papi kaya nagpatawad sila agad. Alam ko rin naman na totoong nagalit sila dahil tulad nga ng sinabi ko pamilya ang turing namin sa isa’t isa, pamilya ko ay pamilya nila.

Sa totoo lang simula nang makilala ko si Michael ay unti unting nawala sa akin ang galit. Naging masaya ako nang makilala ko siya kaya akala ko maayos na ako pero ang hindi ko alam nilagyan niya lang ito ng band aid at siya rin mismo ang nagtanggal nito kaya muling sumakit ang puso ko dahil sa kanya.

Sa loob ng dalawang buwan ay hindi na kami muli pang nagkita. Hinayaan din ako ng pamilya niya at hindi na nila ako muli pang kinausap na pinagpasalamat ko. Tanging sa TV na lang ako nakakabalita sa nangyayari sa pamilya Avellino at Ji. Nalaman na rin ng lahat ang tungkol sa itinagong ina ni Michael na may malalang karamdaman at hindi ko alam kung paano lumabas sa media.

“Girl, punta tayong mall.” Nilingon ko si Elisha na sumilip mula sa pinto ng bahay namin. Kasalukuyan akong nagtitiklop ng damit namin ni Papi na nilabhan ko kagabi.

“Ikaw na lang, busy ako.” Ngumuso siya.

“Daya mo naman, dalawang buwan ka ng nagmumukmok diyan. Lumabas ka naman dahil nagmumukha ka ng anak araw.” Inirapan ko siya, masyado siya OA sa anak araw. Totoong maputi nga ako dahil hindi ako naging palalabas. Pero hindi ako nagmumukmok dahil wala akong panahon doon.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon