Chapter 30 Fate
3 years later…
Napangiti ako nang makita ko ang maraming taong nag-aabang sa pagdating ko. Nilingon ko si Ems nang lumapit siya sa akin.
“Miss Hera, sa likod daw po tayo dadaan.” Tumango na lang ako bago muling sumandal sa upuan ko dito sa malaking van.
Nang huminto ang sasakyan ay bumungad sa akin ang maraming flash ng camera na nakapagpasilaw sa akin. Napangiti ako nang salubungin ako ni tita Kat.
“Tita,” nakipagbeso muna ako sa kanya bago kami sabay na maglakad papasok.
“Gosh, tita I didn’t know na ganito karami ang tao. I thought friend and family lang.” sabi ko kay tita habang hindi maalis ang ngiti sa bawat camerang aming nadadaaanan. Tumawa si tita kaya lumingon ako sa kanya.
“Yeah, lahat daw sila friends mo.” Napangiwi ako sa sinabi niya.
“How come, tita?” naguguluhang tanong ko.
“When you said that last week in an interview.” Napailing na lang ako habang nakangiti.
“Don’t worry, iha. Mahigpit pa rin ang seguridad sa lugar kahit maraming tao. After all cancer patients are all here, just enjoy the day.” Napailing na lang ako bago puntahan ang mga kaibigan ko nang makita ko sila.
“Girl, ang daming reporter.” Komento ni Eli nang makalapit ako.
“Yeah, ilang beses ko bang sinabi kay tita at kay Ems na ayoko ng reporter?” naiiling na sabi ko na kinatawa nila.
“Hayaan mo na, I heard it’s for your publicity para sa nalalapit mong birthday concert.” Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Stephen.
“Ayoko ng ganyang publicity, I’m here to help with cancer patients not to impress other. Isa pa, I don't think I need that kind of promotion." Napangiti ako nang may matandang babae ang lumapit sa akin.
“Iha, salamat kasi kami ang naisipan mong tulungan sa concert mo.” Nakangiti kong hinawakan ang kamay niya, she’s cold and I can see that her hair is wig. I remember Madam with her.
“Walang anuman po, nanay. Gusto ko po kayong tulungan dahil alam ko ang pagsisikap niyong lumaban para sa pamilya niyo. Basta kapit lang po at huwag kayong susuko.” Nakangiti siyang tumango.
Huminga ako ng malalim at nilibot ko ang paningin sa paligid. Tatlong taon na rin pala ang lumipas mula nang mamatay si Madam pero alam kong masaya na siya kasi hindi na siya nahihirapan sa sakit niya. Pumayag ako sa sinasabing audition ni tita Katherine Aragon, CEO ng Star Entertainment at kung hindi dahil sa kanya hindi ko maaabot ang narating ko ngayon.
I am now continue to pursue my dreams. Isa ako sa pinakasikat at tinitingalang singer sa loob at labas ng bansa. Malapit na ang birthday ko kaya ang management ko at ako ay nagdesisyon na gumawa ng fundraising birthday concert para sa mga cancer patient na hindi matugunan ang pangangailangan.
“Princess Hera,” lumingon ako kay Kris at kumunot ang noo. Princess Hera is my screen name as a singer.
“What? And please, kung makatawag ka para kang others.” Nakairap kong sabi na kinatawa niya at pati ang couple na si Stephen at Eli ay tumawa. Yes, couple na sila at two years na rin ang relasyon ng dalawa. Pinahirapan kasi ni Eli ng isang taon si Stephen bago sagutin.
Kristina Aragon and I are now bestfriend pero siyempre bestfriend ko pa rin si Eli at Stephen, yun nga lang ay apat na kaming magbebestfriends. Hindi natuloy ang duet group namin ni Kris dahil nang marinig nila ang boses namin na magkahiwalay at magkasama ay naisip ng management na paghiwalayin na lang kami.
BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...