Chapter 31 Free

0 0 0
                                    

Chapter 31 Free

“What the hell? Akala ko ba naman magpapabebe ka pa.” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eli.

“Elisha, it’s a modern era hindi na uso ang Maria Clara. Ikaw lang naman ang pabebe.” Nakairap kong sabi kaya pabiro niya akong sinabunutan.

“Ouch, Stephen pigilan mo iyang babaeng iyan baka makalbo ko siya. May concert pa ako tapos kakalbuhin pa niya ako.” Sabi ko kaya natatawang umawat si Stephen sa amin habang natatawa rin si Kris at ang boyfriend niyang artista na si Jason.

Nandito kami sa bar na pagaari ni Jason para magchill dahil starting next week ay wala na akong gagawin kundi puro rehearsal and of course bawal na ang alak.

“So back to the topic, are you f*cking serious, Hera? I mean its’s been three years but are you ready to meet him?” nagaalalang tanong ni Kris kaya ngumiti ako. Sa aming tatlong girls si Kris lang naman ang matino kahit may pagkakikay ay tumatayo siyang ate sa amin. A very responsible ate.

“Yes, its’ been three years. Like what you said time heals everything but I think you’re wrong. Time doesn’t heal our pain but accept of what really happen. I already accept our playful fate and I’m willing to risk everything for that f*cking fate. Mas hindi ko yata kaya ang walang ginagawa knowing na habang buhay na siyang mawawala sa akin.” Ngumiti sila sa sinabi ko.

“Pero sabi ng pamangkin niya sa Korea siya magpapakasal, hayaan mo silang magpakasal tapos umextra ka. Eh di may thrill maging kabit ka tapos magdivorce sila tsaka kayo magpakasal.” sabi ni Elisha at kinuha ang baso niya para uminom ng alak. Nakanganga namin siyang tiningnan dahil sa walang kwenta niyang suggestion.

Akmang siya naman ang sasabunutan ko nang nagtitili siyang tumakbo sa dance floor habang hatak ang boyfriend na natatawa sa kanya.

“Okay lang ang kaibigan niyo?” sabay kaming natawa ni Kris sa tanong ni Jason.

“Oo, kaya huwag mo nang intindihin.” Sabi ni Kris.

“Too much watching Kdrama.” Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

Nailing na lang ako at pinagpatuloy ang paginom ng alak nang maglakad na rin papuntang dance floor si Kris at Jason. Ang hirap maging third wheel sa dalawang couple. Hindi ko alam kung ilang baso na ng alak ang nainom ko nang may tumabi sa akin na nakasuot ng black face mask at red bullcap na nakababa hanggang mukha. May suot din siyang shades kaya tumaas ang kilay ko.

“Kuya, ayos ng trip natin. Nakashades sa madilim na bar.” Narinig ko ang pagtawa niya kaya kumunot ang noo ko, tinawanan pa ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pag-inom hanggang sa makaramdam na ako ng hilo. Umiikot na ang paningin ko pero ang lalaki sa tabi ko ay hindi man lang umalis sa upuan niya. Hinarap ko siya at tatanggalin na sana ang bullcap niya nang pigilan niya ako. Napatayo ako nang makaramdam ng kuryente.

“Pwede ba kung gusto mo akong ayain sumayaw ay gawin mo. You’re such a torpe. You can say ‘Miss beautiful Princess Hera, can you dance with me?' ganun.” Humahagikgik kong sabi. Oh gosh, I’m f*cking drunk. Kahit di ko nakikita ang mga mata at labi niya ay alam kong nawiwili siyang nakatingin sa akin.

“You can dance with me but sorry my heart is not available.” Muli akong tumawa, ang hirap talaga kapag lasing ako. Wala nang filter ang bibig ko. Nagulat ako nang tumayo siya at akala ko ay aalis na siya pero walang salitang nilahad lang niya ang kamay sa harap ko. Tumaas ang kilay ko.

“Can I dance with the most beautiful girl here?” nagulat ako ng magsalita siya, I know I heard his voice before but I can’t remember.

Napahawak ako sa ulo ko, gaano karami ang nainom ko para makalimot sa ganito kagandang boses?

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon