Kiera's POV
Nasa pagtutuluyan na kami at dali daling inayos ang mga gamit namin.
Oo nga pala, ilang araw din kaming magpapahinga dito.
"Magpahinga ka na muna alipin. Bukas ay pupunta tayo sa kagubatan upang makita mo si kupido"
"Sige po mahal na hari"
ngumiti siya at lumabas ng kwarto.
Humiga ako at ramdam ko ang pagod na nagsanhi ng pagtiklop ng aking mga mata.
Nakaramdam ako ng kakaiba, napamulat ang aking mga mata at nasa kalawakan ako.
"T-tekaa...paano ako napunta dito?!"
"Anak....mag-iingat ka...mahal na mahal ka ni mama"
saad ng isang malambing na boses.
"Teka...sino ka?"
"Malapit na anak, malapit na...."
napamulat ako bigla sa bumungad sa akin ang mukha ng isang adonis.
Napakagwapo nya!
"Mabuti't gising kana binibini!!" sabay ngiti.
Dahil sa lapit ng kanyang mukha ay nasampal ko siya na kanyang ikinadaing
"Araaayy!! susumbong kita kay haring Poseidon!! hmmpp!!" saad nya habang naka nguso at nagpapapadyak.
Tssk, isip bata!
"Anong kaguluhan ito?" saad ni Haring Poseidon habang papasok ng kwarto
"Eh paano ba naman sinampal ako ng alipin mo?! tapos tignan mo oh? namula!"
tumingin sa akin si Haring Poseidon na nagpapahiwatig na magpaliwanag ako
"Mahal na hari, ganito kasi yan! ang lapit ng mukha nya kaya nasampal ko sya"
biglang kumunot ang noo ni Haring Poseidon dahil sa paliwanag ko.
"Bakit malapit ang mukha mo sa aking alipin? ha, kupido?"
nagulat ako bigla. Sya si Haring kupido?!
"Aba't yun pa talaga ang inalala mo? nasampal na yung gwapo kong mukha oh?! tsskk!!"
"Umakto ka nang naaayon sa iyong antas!"
"heh!! magsama kayong dalawa! tssk, makaalis na nga" at isinara nya yung pinto ng malakas.
"pagpasensyahan mo na yung isang yun, isip bata lang talaga yun"
"rinig ko yun!" sigaw nya ng malakas
"manahimik ka! wag kang masyadong didikit dun, babaero yun"
"galing manira ah? hoi hindi ako babaero!" biglang sulpot nya sa aming harapan.
"Totoo naman kasi"
"Aba?! ikaw nga, pati si athena gusto mong mapangasawa eh!" saad ni Haring kupido.
Nanlaki bigla ang mata ni Haring Poseidon sabay mariin niyang sinaad: "h-hoy, hindi ah!! wag kang maniwala sa kanya"
"sus! kahit itanong mo pa kay athena!"
"umalis ka na nga!" sabay bato ng malaking unan
"aray!! tsk! paalam!!" bigla siyang naglahi na parang usok.
Grabe silang magbardagulan.
"wag kang maniwala sa isang yun"
"opo mahal na hari."
"ayan, tama yan! sa sinasabi ko ikaw maniwala"
"opo mahal na hari."
"o sya, bumangon ka na diyan"
"opo, magbibihis lang po ako"
"pwede manood?"
napahawak ako bigla sa aking katawan
"hindi! labas!"
"makikinood lang eh! tssk!"
sabay kamot sa ulo.
Napatawa na lang ako dahil sa reaksyon nya.
Pagkalabas na pagkalabas nya, biglang sumulpot si haring kupido at saktong wala na akong suot.
"Naiwan ko la....ng...wahhhh!!!" sigaw nya
"Ahhh!!! anong ginagawa mo?! labas!! labaaaaas!"
"anong mer.....on" hindi na naituloy ni Haring Poseidon ang kanyang sasabihin dahil nanlaki ang kanyang mga mata at halos malaglag ang kanyang panga habang si Haring kupido naman ay nakatakip ang mata ng dalawang kamay pero nakasilip parin sa pagitan nito.
Dali dali kong kinuha ang kumot at itinabon ko sa aking katawan.
"Magsilabas kayo!"
lumabas silang dalawa at dali dali akong nagbihis.
Nakakahiyaaaa!!
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantasyWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?