celestial 27

11 1 0
                                    

A look at each other's eye,

||kiannah||

          “Tangina! Pakawalan mo ako!” pasigaw ngunit mahinahon ang boses ng nagsalita, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at akmang mapahawak sa ulo nang makaramdam ako ng kirot dito ngunit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa pagkamanhid nito mula sa pagkakatali.

Naramdaman ko ang pag init ng magkabilang mata ko, iginala ko ang paningin sa paligid at doon ay nakita ko ang nakayukong si Cieamore at ang nagpupumiglas na si Amilah. Galit ang mga mata ni Amilah habang nakatingin sa lalaking may matipunong pangangatawan, may nilalagok itong inumin habang natatawang nakatingin sa amin.

“Paano ba 'yan, nasa akin ang suwerte.” lumuhod siya sa harapan ni Amilah at hinawakan nito ang mukha habang sinisipat ang sugat na nasa gilid ng labi ni Amilah.

Bakit may sugat siya?

“Masakit?” sarkastikong tanong nito na agad namang ibinaling ni Amilah nang buong lakas ang ulo sa kawalan.

“Huwag mo akong hawakan!”

“Loviuste, Loviuste... Ano ba'ng mayroon sa inyo?” mukha siyang walang alam sa amin at tamad siyang alamin kung sino kami, napalingon naman siya sa akin na siyang ikinagulat ko nang binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Hindi ko siya kilala.

“Kiannah, right? Bakit ngayon lang ata kita nakita matapos ang tatlong taon?” hindi ko siya sinagot, lumakad naman siya papalapit sa akin. “Kasama mo ba ang anak ng Vuitton?”

Nagulantang ako sa narinig ko, hindi ako nagkakamali ay apelyido ito ni Luinax. Hindi ko magawang magsalita at naramdaman kong tumulo ang mga luha sa mga mata ko, bakit niya naitanong ito sa akin? Kilala niya si Luinax?

“Seems like you don't know me yet, well let me introduce my self—my name is Jonathan well known as Deozar.” gusto kong magulat pero hindi ko makontrol ang reaksiyon ng mga mata ko, sa halip ay nakatitig lamang sa kaniya.

“Hindi ba't sinabi mong hindi mo alam kung nasaan ang kapatid mo? Bakit ngayon ay magkasama kayo?” ibinaling nito ang paningin kay Amilah habang ang kapatid ko naman ay nangangalaiti sa galit at parang gusto na niyang katayin ng buhay itong lalaking nasa harapan ko.

“Kailangan ko pa bang ulitin ang sasabihin ko pagkatapos ng ilang panahon, ha? Hindi ko alam kung nasaan siya sa tatlong taon na 'yon, wala akong dapat patunayan na nagsasabi ako ng totoo dahil hindi ako mag-aaksaya ng salita para lang magsinungaling, ngayon ba ay naiintindihan mo na ako?!”

“Tatlong taon akong naghintay ng kasagutan at tumpak ang aking tiyempo! Bakit kaya hindi ngayon, may mapapala naba ako sa'yo ngayon, Amilah? Huwag kang mag-alala dahil ibang katanungan ang itatanong ko at sisiguraduhin kong hindi sasakit ang tainga mo rito.” ngumiti siya nang malawak at nilagok ang basong hawak niya, nagpupumilit naman akong pumipiglas sa nakatali sa mga kamay ko.

Inilibot ko ang paningin pero wala akong makita, tanging dalawang bintana lamang na nagsisilbi ng aming ilaw idagdag pa ang kakaibang amoy ng kwartong ito.

“Ano nga ba ang ibig-iparating ni Quatrina the Lady in black dress nang gabing iyon? Mind to share your guess, Kiannah?” nagulantang ako nang lingunin niya ako, hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya at nanatiling nakatikom ang bibig ko. “You heard it right? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo o ikaw na mismo ang umalala?”

“Shut the fuck up, Deozar. Hindi ko maintindihan ay kung bakit may pakialam ka, ano nga ba'ng mayroon sa amin at anong ikina-espesiyal nang araw na 'yon para sa'yo?!” galit ang boses ni Amilah at nang lingunin siya ng lalaking nasa harapan ko ay napapikit pa siya nang mariin na animo'y nagtitimpi.

Under the Vast CelestialWhere stories live. Discover now