BATA PA lang si Lando ay tumpulan na ito ng tukso. Malaki kasi ang pagkakaiba ng itsura nito sa itsura ng mga batang kasing edaran niya lang. Kung ang mga bata roon ay may mga malilinis at magaganda o gwapong mukha, ibang-iba naman ang kay Lando. Sapagkat ang palibot ng mukha nito ay mga butol-butol na namumula pa. Ang iba ay nagsusugat at ang mga dugo na lumalabas doon ay tumutulo sa kaniyang mukha. Kaya't hindi talaga maiwasan na panderihan at laitin siya ng mga tao. Lalo na ang mga kapwa niya bata.
Wala ring nagtatangkang makipag kaibigan sa kaniya dahil nga sa kaniyang kalagayan.
Tuwing nasa eskuwelahan naman, para siyang isang virus na nakakahawa kung layoan ng mga mag-aaral doon. Maging ang ibang Guro nga ay pinandidirihan rin siya.
Ewan ba niya pero, para ba siyang isinumpa ng kung ano mang nilalang dahil sa sitwasyon niya.
Kahit na sabihing ma-itsura man si Lando ay hindi mo iyon mahahalata dahil ginawa na yatang kaharian ng mga butol-butol ang buong mukha niya.
"Hoy, Landogyot! Ito oh, para sa 'yo!" sabay ibinato ng mga bata na kaklase niya ang mga pinagbiakan ng itlog. Mga bote ng softdrinks. At mga tinapay na tira-tira na lang.
"Pang meryenda mo, Lando! Hahahaha!" sabay tawanan ulit ng mga bata roon.
Nakita iyon ng kanilang Guro, pero tila wala man lang itong pakialam at hindi man lang magawang sawayin ang mga bata sa maling gawain.
Tahimik lang si Lando sa isang sulok kung saan siya nakaupo. Naka distansya kasi ang upoan niya sa upoan ng ibang bata doon. Wala na siyang ibang magawa kun'di ang umiyak na lang. Grade 5 pa lang siya ng mga panahong iyon. Labing-isang taong gulang.
Ang mga tira-tirang tinapay naman na ibinato sa kaniya ay palihim niyang kinakain. Wala kasi siyang almusal mula kaninang umaga.
Kayod-tuka rin kasi ang mga magulang niya. Mangingisda lang ang trabaho ng kaniyang Ama. Pero iilan lang ang mga nahuhuli nito, siguro ay isa hanggang tatlong kilo lang kada-araw. Sa isla kasi sila nakatira. Samantala ang kaniyang Nanay naman ay naglalabandera paminsan-minsan.
Mabuti na nga lang at napapaaral pa siya ng mga ito kahit naghihikaos na rin sila. Pero ni minsan ay hindi niya ikinahiya ang mga magulang. Kahit na minsan ay hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Habang naglalakad si Lando pauwi, gaya ng kinagawian ay puno na naman ng panlalait ang naririnig n'ya.
Ngunit nagdire-diretso na lang siyang maglakad at hindi na lamang ang mga iyon pinansin. Nasasanay na rin naman siya dahil mula ng magkaisip ay ganoon na ang kinamulatan niya.
Alam niyang balang araw, mawawalan na rin ng epekto sa kanya ang panlalait ng mga tao.
Pag-uwi niya ng bahay, nadatnan niya ang Ina na nagluluto ng kanilang haponan. Medyo malapit lang naman kasi ang pinapasokan niyang eskuwelahan kaya nakakauwi siya mag-isa.
Pinuntahan niya ang Ina at nagmano rito.
"Wala pa po ba si Itay, Inay?" tanung ni Lando matapos magmano.
"Wala pa anak, eh alam mo naman 'yon, gabi na kung umuwi." sagot ni Aling Rowena, ang Nanay ni Lando.
"Ano po pala 'yang niluluto n'yo, Nay?" hindi na hinintay pa ni Lando na sagotin siya ng Ina bagkos ay dali-dali nitong tiningnan kung ano ang niluluto ni Aling Rowena. "Ay! Isdang prinito na naman po, Nay?"
"Oo nak, eh alam mo naman na, 'yan ang pambansang ulam natin dito, hindi ba?" tatawa-tawa na lang si Aling Rowena. Ngunit sa loob nito ay naaawa siya sa anak, nag-iisang anak lang nila ito ni Rodolfo pero hindi man lang nila maibigay ang lahat ng pangangailangan nito bilang isang bata. O mabigyan ng magandang buhay. Pakainin ng masasarap na pagkain, hindi 'yong puro lang isda. Baka mamaya magkaroon na rin sila nito ng palikpik eh.
BINABASA MO ANG
Ang Agimat ni Lando
FantasyIsang pangkaraniwang binata na namumuhay lamang sa tabing dagat kasama ang kaniyang pamilya. Ngunit siya ang maaatasang maging susunod na tagapangalaga ng makapangyarihang Agimat na mula sa mga Engkanto. At nakatakda rin na magharap sila ng pinakama...