DAHIL SA pagkaalarma ng Manananggal ay dali-dali ng tumakbo si Lando palayo doon.
Nang lumingon siya sa likoran ay hinahabol pala siya nito. Patuloy ang pagpagaspas ng malalaking pakpak ng Manananggal. Halos magkakanda-dapa-dapa na si Lando sa pagtakbo, lalo na kapag nililingon niya ito sa likoran.
Takot na takot na siya ng mga oras na iyon, 'yon lang kasi ang unang beses na nakakita siya ng Manananggal sa harapan pa niya mismo at hinahabol pa siya nito.
Kailangan niyang makarating agad sa bahay nila bago pa siya maabutan nito, dahil kung hindi, tiyak na ngayong gabi na ang kataposan niya.
Umangil naman ng umangil ang Manananggal na tila naiirita na ito sa kanina pang paghabol kay Lando. Dahil doon, ma's lalo pa nitong binilisan ang pagpagaspas ng malalaki niyang pakpak upang masakmal at mapatay na ang lalaki.
Kaunting dipa na lang ay maaabutan na ng Manananggal si Lando, na lalong ikinatakot ng binata. Medyo malayo pa ang bahay nila, mukhang hindi na siya aabot. Dito na ba talaga siya mamamatay? Sa kamay ng Manananggal?
Ngunit gayunpaman, hindi pa rin siya humihinto sa pagtakbo kahit na habol niya na ang hininga n'ya dulot ng pagod at pag-ngalay ng paa.
Maya-maya lang, sa patuloy niyang pagtakbo, nakita niya ang Ama na si Rodolfo na tumatakbo rin papalapit sa kanya.
"Itay!" sigaw niya.
"Umalis ka na, anak! Ako ng bahala rito! Sige na!" wika ni Rodolfo nang makalapit sa anak. Papalapit na rin sa kanila ang Manananggal.
"Pero, itay. Paano po kayo?" nag-aalala na sabi ni Lando.
"Huwag mo akong alalahanin, sige na umalis ka na!"
Wala ng nagawa pa si Lando kung 'di ang sundin na lang ang kanyang Itay. Ngunit hindi s'ya tuloyang umalis, nagtago siya isang puno doon at pinanood kung ano ang mangyayari.
Kitang-kita ng dalawa niyang Mata kung paano makipaglaban ang Itay niya sa Manananggal. Gamit ang buntot-pagi nito ay walang tigil iyon na hinahambalos ng Itay niya sa Manananggal na tudo ungol naman ito dahil sa sakit. Subali't hindi naman nagpapatalo ang Manananggal, malakas na iwinawasiwas nito ang kaniyang kaliwang pakpak sa katawan ni Rodolfo. Tumalsik ito at napahandusay sa lupa.
Galit at nag-aangil ang Manananggal na dahan-dahang lumalapit sa lalaki at akma na itong sasakmalin subali't biglang may pumukpok na malaking bato sa batok nito---si Lando.
Napaatras ang binata nang lumingon ito sa kanya na nanlilisik ang mga Mata. Susugorin sana siya nito ngunit sunod-sunod na paghambalos ng buntot-pagi ang ginawa rito ni Rodolfo.
Dahil doon, hindi na nakapaglaban pa ang Manananggal. Ang tanging nagagawa na lang nito ay ang sumigaw ng nakakakilabot sa pandinig ng dalawa lalo na kay Lando.
"Hindi pa rito nagtatapos ang lahat! Nagsisimula pa lang kami! Nagsisimula pa lang ang kampon ng kadiliman!" tumatawang sabi ng Manananggal. Iyon rin ang huling lumabas sa bibig nito bago tuloyang bawian ng buhay.
Nagsitaasan naman ang balahibo ni Lando ng marinig iyon, hindi niya rin alam pero bigla siyang kinilabutan.
UMUWI ng ligtas sa kanilang bahay ang mag-ama. Ikiniwento rin nila iyon kay Aling Rowena, nag-alala pa nga ito ngunit sinabi naman nilang ayos na ang lahat kaya kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ng Ginang sa kaniyang asawa't-anak.
Maayos silang natulog ng gabing iyon na parang wala lang nangyari.
MADALING araw. Nagising si Lando, nakaramdam siya ng uhaw kaya naman pumunta siya ng kusina upang uminom.
Nang matapos ay paakyat na sana siya ng kwarto ngunit nakita niya ang kanyang Itay na nakaupo sa balkonahe nila na tila ang lalim ng iniisip.
Nilapitan niya ito at tumabi sa inuupuan.
"Ang aga niyo naman po magising, Itay. Wala pa naman pong alas-kwatro para maglaot, ba't 'di po muna kayo matulog? Tsaka parang ang lalim po ng iniisip niyo, ah." wika ni Lando.
BINABASA MO ANG
Ang Agimat ni Lando
FantasyIsang pangkaraniwang binata na namumuhay lamang sa tabing dagat kasama ang kaniyang pamilya. Ngunit siya ang maaatasang maging susunod na tagapangalaga ng makapangyarihang Agimat na mula sa mga Engkanto. At nakatakda rin na magharap sila ng pinakama...