PROLOGUE

17 1 0
                                    

Alas otso pa lang ng umaga pero feeling ko alas otso na sa gabi. Masyado kasi akong napagod kahapon kakaayos ng mga gamit ko sa bago kong bahay. Katas 'to ng lahat ng paghihirap ko dugo at pawis ang sinakripisyo ko para lang makapundar ng napakagandang bahay para sakin. I feel so proud to myself.

Pagkatapos kong ayusin ang hinigaan ko bumaba nako sa kusina para maghanda ng almusal. Kumuha lang ako sa ref ng bacon, egg and loaf. Nagprito lang ako ng bacon at dalawang sunny side up na egg and ininit ko yung loaf sa pan kung saan ko niluto yung bacon and egg. Nang matapos ako magprepare kumain nako sa lamesa at kinuha ko yung phone ko para i-check if may nag message sakin or what. Habang nag-i-scroll nakita ko yung message ni Tita Analyn.

To: Tita Analyn
"Hello Esmerée malapit na ang kaarawan ng Tito Benedict mo. Iniimbitahan kitang pumunta, dito lang sa garden ang venue. Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkasama sana makapunta ka."

Nang mabasa ko yun para akong binuhusan ng malamig na tubig hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa text ni Tita. Matagal ng hindi ako pumupunta sa bahay nila at nagkikita lang kami ni Tita sa mga restaurant or mall kapag gusto nya kong makabonding. Ayoko ng tumungtong ulit sa bahay nila pero sa imbitasyon na ito mukang mapipilitan akong pumunta lalo na at birthday ni Tito Benedict. Napabuntong hininga na lang ako at nagtype.

Esmerée
"Sige po Tita pupunta po ako."

Pagkatapos binaba ko na ang cellphone ko at kumain na lang. Mabilis ang araw at oras na parang gusto na talaga akong papuntahin sa bahay nila Tita Analyn kaya naman hindi nako mapakali. Maaga pa naman may dalawang oras pako para mag-ayos. Kumuha ako sa closet ko ng isang navy blue bodycon dress and i paired it with my white heels. I put silver earings and necklace and then my make-up is in browny shades that makes me look matured but it suits me well. I look at the whole body mirror if there's any problem with my outfit and when i finally satisfied with my look I get my white purse and my gift for Tito Benedict  and walked down the stairs.

Nilock ko na ang bahay at tumungo sa kotse ko. Nagdrive nako papunta sa bahay nila Tita Analyn may kalayuaan ang bahay nila kaya maaga akong umalis para kahit matraffic hindi ako malelate sa birthday ni Tito Benedict.

Ang dami ng tao nang makarating ako. Sa hindi kalayuan natanaw ko si Tita Analyn na nag-aasikaso ng mga bisita. Habang naglalakad ako palapit sa kanya napansin nya na agad ang presensya ko.

"Esmerée hija kanina pa kita hinihintay. Salamat sa pagpunta" malambing na sabi ni Tita

"Sorry Tita medyo natraffic po kase ako"

"Oh it's ok. Let's get inside your Tito Benedict is also waiting for you."

Ngumiti na lang ako at tumango. Pagkapasok namin sa loob ng bahay nakita ko na si Tito Benedict na nakikipag-usap sa mga bisita nya. Nakita nya agad kami at lumakad sya patungo samin.

"Esmerée salamat naman at nakapunta ka."

"Happy Birthday Tito I miss you po." Sabi ko at niyakap sya.

"I miss you to hija. Matagal ka ding hindi bumisita dito sa bahay."

"Naging busy din po kase ako sa work."

"Oo nga, nakikita kong nagsusuccess na ang business mo."

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Tito Benedict. May mga bumabati din sakin habang nakatayo lang ako sa gilid yung iba ay mga kakilala ko at nandito din yung ibang classmates ko nung college na malapit sa pamilya nila Tita Analyn.

"Well well look what I found? Esmerée Rose Dawson long time no see."  Masayang bati sakin ni Ricca. Kaklase ko sya noong third year college at naging kaibigan ko din sya during college pero ngayon hindi na kami masyadong nagkikita at matagal na nung huli kaming nagkita, ngayon na lang ulit nasundan.

You Are My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon