H E R
PROLOGUE
Sa edad kong dose anyos, alam ko na kung anong nangyayari sa pagitan namin ni mama at ng babaeng nakaupo sa harapan namin. Masinsin ko siyang pinagmamasdan. Mula sa mistisang balat nito, mga matang kanina pa matalim na nakatitig sa amin, at sa kulay pulang labi nitong tila ba— nagpipigil ng tawa, habang patuloy na nagmamakaawa sa kanya si mama.
Batid ko rin at nauunawaan ang pinag-uusapan nila, ang tensyon at sakit sa bawat salitang binibigkas ni mama.
"Maawa ka, kung di sa akin, sa anak ko, p-please... hiwalayan mo na ang asawa k--"
Nakunot na lamang ang noo ko dala ng labis na pag-aalala ng makita kong tumulo ang mga luha mula sa mata ni mama. Hindi niya nagawang tapusin lahat ng gusto niya sanang sabihin, pero batid ko lahat ng ito mula sa sakit ng bawat paghagulgol niya.
Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa babaeng kaharap namin. Nakita kong sumilay ang nakalolokong ngiti mula sa labi nito, tila ba walang pag sisisi sa mga ginawa nito sa amin.
"No," Matipid nitong tugon.
Narinig kong nagsalita muli si mama pero di ko na lubos maunawaan. Wala na 'kong maintindihan, kahit pa ang mga sinasabi ng babaeng kaharap namin.
Paulit-ulit ko kasing naririnig ang sinabi niya, "NO" na tila nag echo na sa tenga ko at ayaw maalis sa isip ko.
Paano niya nasisikmurang manira ng pamilya?
Maging masaya kasama si papa habang nasasaktan kami— lalo na si mama?
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Wala akong magawa para kay mama, ni wala ngang lumalabas na salita sa labi ko kahit punong-puno ang isipan ko ng mga gusto kong sabihin at itanong sa kanya-- sa babaeng unti-unting sumisira ng mga pangarap ko, ng pamilya ko, ng buhay ko.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni mama. Ang tanging magagawa ko lamang ay damayan siya sa lahat ng sakit na idudulot nito sa kanya.
Natigilan na lamang ako sa pag-iisip nang tumayo na si mama. Tila ba nawalan na siya ng lakas at pag asa— at sumuko na lamang. Nangangatog man ay pinilit niyang lumakad patungo sa pintuan ng restaurant na kinaroroonan namin. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ay muling bumaling ang atensyon ko sa babaeng kahit kailan ay hindi ko malilimutan.
Maigi kong pinagmasdang ang itsura niya, habang patuloy lamang siya sa pag inom ng in-order niyang kape kanina. Tila ba wala lang sa kanya lahat ng sinabi ni mama, parang normal pa rin ang araw niya. Parang walang nangyari, walang nagbago at magbabago. Habang si mama, unti-unti nang nauubos.
Matalim ko siyang tinitigan hanggang sa magtama ang mga paningin namin. Muling sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi nito, at sa muling pagtulo ng luha ko, ipinangako kong ibabalik ko sa kanya lahat ng sakit na binigay niya sa amin, lalo na kay mama.
Wag mo sanang makalimutan ang araw na 'to, dahil kung magkagayon, babalik ako para ipaalala sa'yo-- at iparanas lahat ng sakit,
Maging masaya ka hangga't maaari. Dahil sa araw na muli tayong magkita, sisiguraduhin kong hinding hindi mo na magagawang maging masaya.
Pinawi ko ang mga luha sa pisngi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Naikuyom ko na lamang ang kamay ko dala ng labis na galit na nararamdaman ko. Muli akong napahinto at napabuga ng hangin,
Hinding hindi kita pagbibigyang maging masaya...
***
H E R
WRITTEN BY: iandeesylopez | Ian Lopez
All Rights Reserved
Copyright 2024Author's Note,
No part of this story may be reproduced, stored in any retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, recording or otherwise, without the prior written permission of the author.
No to copy+paste 👊
Plagiarism is strictly prohibited!DISCLAIMER: This is a work of fiction, names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
H E R
General FictionElisse is a product of a broken family, and when she heard that her father had passed away and the woman who destroyed her family had remarried-- She decided to carry out the plans she had been planning for a long time. She will avenge her mother-- ...