Wala ng hihigit pa sa pakiramdam ng taong nagmamahalan. Ngunit ang pakiramdam na mahal mo nga siya subalit ikaw ay di naman ay parang pusong dinikdik at dinurog na paminta.
Call me Alfie, 20 taong gulang, single, mabait,matalino,cute kahit di kagwapuhan. Ako ay isang estudyante na masipag magaral kaya laging honor student mula elementarya hanggang ngayong college student na. Naging presidente ng SSG, miyembro ng mga Clubs at school paper. Sumasali sa mga kompetisyon at higit sa lahat ay mahilig sa numero kaya taguri sa kanya ang Mathematician of the Class. Ilan lamang sa mga katangian na kinagiliwan ng mga kababaihan. Sa madaling salita maraming nagka-crush sa akin. Ako naman yung tipo na smile lang kahit alam kong crush ako ng taong kausap ko. Siguro dahil tutok sa pagaaral kayat ayos lamang kahit walang girlfriend. Oo, aminado ako na madami akong crush sa campus ngunit hanggang dun lang muna. Marami akong pangarap na nais matupad ilan dito ay ang makapagtapos ng pagaaral at makahanap ng magandang trabaho. Marahil ito ang naging prayoridad ko dahil mula sa kahirapan.
Lumipas pa ang ilang taon at araw na ng pagtatapos sa mataas na paaralan. Di naman nabigo sa pangarap dahil magtatapos akong Valedictorian. Proud to be at sulit ang pinagpaguran ko.
To make the story short, estudyante na ako sa isang unibersidad sa Bicol at kumukuha ng kursong IT. I am now a graduating student. Madaming pagbabagong naganap sa buhay ko. Maraming naging kaibigan, achievements, trials, inspirations, blessings and most of all ang matutong magmahal at mabigo.
Unang apak ko pa lamang sa unibersidad alam ko na sa sarili ko na kailangan ko nang harapin ang pagbabago. Madaming magagandang babae na alam kong maaring ligawan. At kinagulat ko na ang babaeng kanina ko pa tinititigan ay kaklase ko pala sa lahat ng subjects. Sya si Ryza, cute, morena, matangos ang ilong, masayahin, at higit sa lahat hindi snob. Ilan lamang sa mga katangian na nagustuhan ko sa kanya. Naging close kami at madalas nagkakausap. Pero hanggang tumagal naramdaman ko na lamang na hanggang friends lang turing nya sakin. Ayos lang dahil di naman ako nagexpect ng malaki kaya hanggang ngayon kulitan pa din kami. Mahal ang tawagan namin sa isa't isa.
3rd year college, February 14, 2012. Araw ng mga puso at kaarawan ko. There was an occassion in school dahil art's month nga naman. Lahat ng 3rd year ay may entry sa digital arts competition. Dito ko nakilala si Xylene(codename), babaeng naging crush ko noong 2nd year pa lamang ako. IT student din, beauty queen ang ganda,morena, cute ang mga mata, mataas at modelo ang appeal. Matalino rin syang tulad ko. Nagkrus ang landas namin ng sabihin nyang maganda daw ang entry ko at ibinoto nya pa daw ito.
Hindi ko inaasahan na kakausapin nya ako dahil feeling ko she's a high profile person dahil sumasali nga sa mga beauty pageant eh ako isang simpleng estudyante lamang. That was one of the best gifts I had received. Ang makilala at makausap sya ay sapat na. Nalaman ko din sa kaibigan nya na crush din pala ako so i feel im in the heaven. We feel the same way and I should not waste the oppurtunity. I try na hingin ang cellophone number nya at di naman ako nabigo. We texted and see each other kapag may oras. I asked her kung may bf sya at sabi nya wala daw so i think i had the chance to be his next bf. Naging maganda ang samahan namin and i started to reveal what i felt toward her and she answer the same na gusto rin naman nya ako. Mas madalas na kaming nagttxt at take note gumagawa pa ng paraan ang bestfriend nya para lang magkita kami.
Ito na siguro ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Tama nga sila na napakasarap ang mainlove, may nagaalala, checking you kung you have eaten the meal o kung nakauwi na sa bahay o kung di ba ako nabasa ng ulan. Di nga naman balakid ang pakikipagrelasyon subalit naging inspirasyon ko pa sa aking pagaaral. Ngunit ang lahat ng kasiyahan ay napalitan ng lungkot at galit. Ang pagmamahal ay naparam at napalitan ng poot at pagkabigo. Isang araw na kinausap ko sya alam kong iba na ang nangyayari dahil ayaw nyang magusap kami colleg na kung saan kita ng mga kaklase ko at classmates nya. Huwag daw kami dun magusap. Ayaw rin nyang magusap kami na kaming dalawa lamang. Sa madaling salita, ayaw nya na akong makausap. Alam ko may problema. Hinayaan ko na lamang muna sya. Ilang araw na di muna nagtxt at dahil di na ako makatiis ay nagparamdam muli ako. I asked her if what will be his answer sa tanong ko kung may pagasa ba ako. Kung dati she kept on saying na oo at sa tamang panahon ay magiging kami ngayon iba na. Di pa raw sya handa sa isang relasyon. Kinutuban na ako so I search and investigate. Ilang araw na nangulit sa kanya kung bakit pero nanlalamig na sya "ok, oo, hindi, sige" mga katagang nagpapahayag na di na sya interesado pang makatxt ako. And the fact na nalaman ko nakipagbalikan na sya sa dati nyang nobyo, ang nobyo nyang twice na syang kinalsan. How pathetic that man na sya pa may ganang mambreak ng babae pero it wasnt the reason why my heart was broken. Dugong dugo ang puso ko sa mga katagang i love you pero ang lahat ay nauwi sa wala. Ang mga pangako at mga matatamis na linyang naging sensyales kung bakit nais ko syang ligawan. Ang mga paramdam at galaw na nagpapahayag na mahal nya din ako. Ang mga kislap ng mata at mga txt ko na nakatago sa phone nya at ang mga concern na pinapahayag nya sakin. Ang sakit na paasahin ka and in fact you showed everything for her at naging seryoso ka sa para maging masaya sya pero ang lokohin it wasnt such good anymore. Unang tibok, unang pagkabigo ng puso. Ang unang tunay na pagmamahal na lumuha at dumugo ang puso ko. Ilang gabi na umiyak. Puno ng pighati ang puso na hanggang sa paaralan ay ramdan ang pagiging buknutin at pagkabalisa.
Di naman ata ako mageexpect if she didnt made the first step right? pero that's love. If you love the person let and set them free sa bagay na ikasisiya nya. But with these, they should think na tama ang naging desisyon nila at di sila magsisi sa mga nasaktan nila.
I was solely repairing my heart now. I learn a lot from this. Kung magmamahal ka dapat di lahat binibigay. You should reserve a lot of it for yourself. Di naman ibig sabihin na nabigo ka na ay kailangan mo ng magmukmok at hayaan ang sarili.. there are more oppurtinities along the way.
Hope you find the right person for you :)
Till next time guys. please do support my first story here. Vote and share your thoughts.. :)
-Alfie(JLC)
BINABASA MO ANG
Unang Tibok, Unang Pagkabigo(Tagalog)
Romanceang unang pagmamahal ng isang binata na humantong sa kanyang unang kabiguan