KIERA'S POV
"Kain na po mahal na hari" saad ko kay haring Poseidon
Hindi siya makatingin ng deretso dahil sa nangyari.
"M-mauna ka na, susunod nalang ako" sabay labas.
Inaayos ko ang mga platong gagamitin ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ako nalang ang kakain"
dahil sa gulat, naibato ko sa kanya yung plato na hawak ko.
"Wahh!! ang sadista mo naman! tssk"
"eh bakit kasi bigla kang sumusulpot kung saan saan mahal na hari?? papatayin mo ako ng maaga ehh"
"Patay agad? kung sa bagay, pamatay ang kagwapuhan ko" saad nya sabay kindat sa akin.
"Malakas din po palang mangarap ang mga dyos ano?"
"babaeng alipin, hindi ako nangangarap. Sadyang sinasabi ko lang ang katotohanan na kahit naman ata sino ay nakikita."
"Hindi lahat mahal na haring kupido, hindi ko nga makita yung sinasabi nyong kagwapuhan ehh"
napasimangot sya bigla dahil sa sinabi ko.
"oo nga pala mahal na hari, hindi po ba't kayo ang dyos ng pagmamahal?"
"oo, bakit? may gusto ka bang malaman?"
"opo, kapalaran ng dalawang tao pagdating sa Pag-ibig"
"hmmm..pwede naman, sa isang kodisyon"
"ano po yun??"
"isang halik, isang tanong HAHAHA"
"H-ha?? ha-halik?"
"oo, halik! H...A...L..I..K. halik"
"sabi ko nga wag nalang"
"ayaw mo bang matikman ang *nilagay ang daliri sa labi* matamis kong labi?"
"kung labi mo lang naman ay wag na lang"
"Heh! bakit? kay Poseidon ba ang gusto mong matikman?"
"h-ha? hindi ah! bakit ko naman babalakin tikman ang labi nyang...maganda-este basta!"
ngumisi sya sabay sabing;
"hindi naman halatang nagugustuhan mo si haring Poseidon HAHAHA! wag kang mag-alala, hindi ko naman sasabihin sa kanya ehh"
"ano ang hindi mo sasabihin?" saad ni haring Poseidon
"ay palaka! bakit ba ang hihilig nyong sumulpot kung saan saan?"
"normal lang sa amin yun, ano yung sinasabi mong hindi mo sasabihin sa akin Kupido?"
"w-wala! HAHAHA umalis kana mahal na hari!" panlalaki ko ng mata kay haring kupido.
"oo na, aalis na! Sya na lang ang tanungin mo Poseidon HAHAHA" tapos bigla siyang naglaho.
Buti naman!
"Ano yung hindi nya sasabihin?"
nakikita sa maganda nyang mga mata ang kuryusidad.
"Mahal na hari, hindi nga po sasabihin hindi ba? ibig sabihin, sikerto iyon"
"Nagugustuhan mo na ba ako alipin?" nagulat ako sa tanong nya.
"h-ha? saan mo naman nakuha yang tanong na yan mahal na hari?"
"Oo o hindi?"
halata sa mga mata nya ang pagkaseryoso nya.
"h-hindi po"
"mabuti, para lamang sa kaalaman mo, hindi ako magkakagusto sa isang alipin lamang. Mabababang uri lamang kayo at hindi nababagay sa dyos na katulad namin."
hindi ko alam pero, nasaktan ako sa sinabi nya.
"h-hindi din naman namin gugustuhin ang mga dyos lalo n-na kung katulad mo eh"
"mabuti at nagkakaunawaan tayo"
ngumiti na lamang ako ng pilit at nag ayos ng mga pagkakainan sana namin habang nanginginig.
Ang sakit naman nyang magsalita.
Pagkatapos noon ay pumasok ako sa kwarto at hinayaang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"o, pamunas" napatingala ako, si haring kupido.
"s-salamat po mahal na hari"
"ano bang nangyari?"
"w-wala po HAHAHA! ahhmm, magpapahinga na po muna ako"
"sige" saad nya sabay ngiti.
Bigla siyang naglaho at humiga ako.
Nahuhulog na ba ako sa mahal na hari?
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantastikWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?