SOPHIE'S POV
Ang sarap sarap ng tulog ko. Sino ba tong yumuyugyog sa akin? Wala namang pasok e. Tsaka inaantok pa ako.
"Sophie anak bumangon ka na diyan. Nandun na si Eros sa baba."
Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko at dali daling bumangon nung marinig ko ang sinabing iyon ni mama.
Si Eros?
Ay oo nga pala! Naku po muntik ko ng makalimutan!
"Ma, ano po kasi....." Nahihiyang sabi ko kay mama. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya talagaaa! Shete!!!
"Anak mag ready ka na. Sinabi sa akin ni Eros na gusto ka niyang ligawan. Nagpaalam siya sa akin kung pwede daw at pumayag naman ako. Alam kong mabait na bata si Eros. Kaibigan ko ang mommy niya. Anak pumayag ako kasi may tiwala ako sayo. Alam kong alam mo ang tama at mali. Matalino ka Sophie. Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na may gwapo ka palang manliligaw? Haha. Osige na mag ayos ka na at may date pa daw kayo e. Yieee ang anak ko dalaga na!"
Seriously???????? Is this really happening????? Si Eros nagpaalam kay mama? OMG!
Masaya ako kasi nagiging open na ako kay mama. Simula ngayon hindi na ako mahihiyang magsabi sa kanya.
"Sorry mama. Ano po kasi e, kahapon lang yun. Sasabihin ko naman po dapat sa inyo kaso naunahan ako ni Eros." Nahihiya kong sabi kay mama. Niyakap niya ako at pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.
Hindi ko alam kung anong susuotin ko! First time ko to ee! Shocks! Puro pantalon at tshirt lang naman ang meron ako kaya kinuha ko na lang yung favorite kong shirt at pants. Nagrubber shoes na lang din ako at kinuha ko ang body bag ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nagpulbo na din ako.
Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.
Boyish looks chexk! Haha. Hindi talaga ako marunong mag ayos! Pasensya na Eros. Eto talaga ako e.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na agad ako para harapin si Eros.
"Good morning Sophia!" Bati sa akin ni Eros.
"Good morning Eros!" Masigla kong bati sa kanya pabalik.
Mabilis akong kumain. Inalok ko siya pero kumain na daw siya sa kanila.
Nagpaalam na kami kay mama.
"Eros ingatan mo ang baby girl ko ah. Nag iisa yan!" Biro ni mama kay Eros. Ang daya naman close na agad sila. Haha.
"Opo tita. Ako po ang bahala kay Sophia. Mag iingat po kami. Salamat po ulit!" Sagot naman ni Eros.
Pagkalabas namin ng gate ng bahay namin bumungad sa amin ang isang magandang pulang kotse. Wow! Ang gara naman! Kay Eros ba to? Baka naman kay mama. Pero hindi e. Nasa garahe naman yung kotse namin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
Confirmed. Kanya nga. Edi wow! Siya na mayaman. Haha.
Pagkapasok ko sa loob ng kotse NIYA, dun naman siya sa umupo sa driver's seat. Marunong palang mag drive ang isang to e. Naks! Astig! Gusto ko din matuto kaya lang natatakot ako.
Ang bango naman dito sa loob amoy mint!
Nginitian niya ako bago niya pinaandar ang kotse.
"Marunong ka palang mag drive. Kelan pa? Astig!" Tanong ko sa kanya. Ang bata pa niya pero marunong na siya agad. May lisensya na din siya. Ee? Galing naman!
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.