Memories of Yesterday

7 1 0
                                    

I was busy scrolling through the newsfeed of my social media, when my phone suddenly rings and vibrates. Nabitiwan ko ang phone dahil sa gulat at dahil patihaya ako kung humiga ay saktong sa mukha ko ito dumeretso. Mangiyak-ngiyak kong sinagot ang tawag at hindi na napansin na unknown number pala 'yon.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya habang hinihimas ang ilong kong tinamaan. Inulit ko pa iyon dahil walang sumasagot. Dead Air! Inulit ko pa ng isang beses at nang wala ulit ay naisipan ko na i-end na iyon! Spam ba to? Pipindutin ko na sana nang biglang bumoses yung kabilang linya.

"Baby...I miss you." Deep and husky voice echoed in my whole room. Naka-loudspeaker pala ako! Pero ano raw? Baby? Wrong number ata 'tong si Kuya "Boses Pa Lang Pogi Na".

"Sino po 'to?" Kagat-labi at may pag-alinlangan kong sagot.

"I see. You still can't remember me." He said meaningfully then ended the call.

—--

The next day, I was typing an article on my laptop, when I felt my phone vibrated beside me. I look at the number and notice that it was the same number yesterday. Thinking that it could be a wrong number again, I ignored it. Titigil din to! Pero nakatatlong missed call na siya. Nung nag-appear ulit yung number, napipilitan ko itong sinagot.

"Hello?!" Pagalit kong sagot sa tawag.

"Are you ignoring me?" Malumanay niyang sagot sa kabilang linya.

I felt my heart twitch at the softness of his voice. W-wait. What?!

"Oo. Hindi naman kita kilala!"

"No, you know me..." he insisted.

Spam call talaga 'to eh!

Tutal nang-t-trip si Kuya, sasakyan ko na lang. Yung trip niya sasakyan ko ah, hindi siya!

"Ah talaga ba? Kaklase ko kayo dati? Or ex kita nung college?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"I'm more than that to you," He replied, seriousness was evident in his voice.

"Sino ka po ba?" Nacu-curious ko nang tanong.

"It's for you to find out. Take care, baby."

Then he end the call again, leaving me speechless.

—-

A week had already passed. After that day, he didn't call me again. I silently sighed in relief because of that. Or so I thought.

It was a boring day, so I decided to go to a coffee shop nearby. I ordered a latte and seated beside the window. I was sipping my coffee while reading the book that I've brought, when I've finally notice the nonstop vibration of my phone on the table.

Kinuha ko iyon at tinignan. Tumatawag ulit siya! I don't know why I'm feeling excited about this. Akala ko ba relief kasi di tumawag? Ba't may pa-excite? Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa naiisip. Binaling ko ang pansin sa phone ko na patuloy pa rin sa pag-v-vibrate.

Nanginginig kong pinindot ang answer button at tinapat ang phone sa may tenga ko. Hindi ako nagsalita at hinintay lang na may sabihin ang nasa kabilang linya.

"You're in a coffee shop?" Bungad niya sa'kin.

"T-teka, pano mo nalaman?" Palinga-linga ako sa paligid habang tinatanong din siya. Nagbabakasakali na nandito siya sa paligid.

"What do you think?"

"Akala ko ba spam call lang 'to? Ba't may pa stalker na?" I mumbled to myself but enough for him to hear.

Memories Of Yesterday (One Shot Story)Where stories live. Discover now