Broken Friendship (One-Shot)

2.9K 104 63
                                    

Hindi ko maintindihan yung mga taong ayaw sa Happy Endings na nangyayari sa mga Teleserye o Movies. Oh sige. Sabi niyo kasi sa Reality eh wala namang Happy Ending. Pero nakakalimutan din natin na yang mga nangyayari sa movies o sa teleserye ay repleksyon din sa mga nangyayari sa totoong buhay. Now? Kung may Happy Ending man sa Movie o Teleserye, dahil yun sa mga characters na mas piniling magkaroon sila ng Happy Ending. Pinakita nila na sa kabila ng paghihirap na dinanas ng storyah nila? Pinili padin nilang lumaban at maging masaya.

Sa Madaling salita. TAYO ang gumagawa sa Sarili nating ending. Fine! Cliche na kung cliche ang Happy Endings! Minsan nga diba nakakainis kasi pinapaasa tayo na 'It' exist. Pero dapat din nating marealize na sa huli? It's still our OWN choices that would make a difference in our story.

So sa mga taong bitter at ayaw sa Happy Endings sa storya nila? The Choice is Yours

Ako si Maj Shaina Hao isang Hopeless Romantic na minsan na nga lang magmahal, nasaktan pa. What's with Happy Endings ba na kahit anong gawin ko sa storyah ko ay hindi ko padin ito nakamit? May galit ba sakin ang Diyos? Wahaha joke! Pero sabi nga nila. There's a right Person, Time and Place for everything. Siguro yung taong minahal ko? Ay hindi talaga yung tao na nakatakda para sa Happy Ending ko.

Once Again, I'm Maj Shaina Hao. Nagmahal, Minahal, Nasaktan, Nagsakripisyo, Nagparaya. At Ito Ang storyah ng Buhay pag - ibig ko.

_______________________________________

First Day of Intrams: September 25 2013

Kadadating ko lang ngayon dito sa school. Sinadya ko talagang magpalate since alam kong Intrams namin at wala masyadong gagawin. Hehe

"Hoy hoy hoy babae ka!? Ba't ngayon ka lang dumating!? Nilalangaw na ako dito sa kakahintay sayo!" Yan agad ang bumungad sakin pagkadating ko ng Room. Siya Si Alyce Marcia Sanchez. Ang Bestfriend ko. Mabait, Maganda at Tahimik. Pero ewan ko ba kung bakit pagdating sakin nagiging maingay siya. Parang nasasapian ata pag ako ang kasama! Wahaha XD

"Nilalangaw agad? Di ba pwedeng lamok muna?" Pamimilosopo ko "Tsaka Best naman! Ang aga aga nakasigaw ka na agad? Wala bang pampa mute diyan sayo?" At kinapa kapa ko siya baka sakaling makahanap ako ng mute button diba? Wahaha

"Aray" reklamo ko. Pano ba kasi? Batukan daw ba ang isang magandang nilalang na katulad ko? "Ba't ka ba nambabatok!? Amazona ka talaga" reklamo ko

"Eh pano! Late ka na nga tapos nagawa mo pang magbiro!?" Sabi niya habang naka cross arms pa

"Anong magagawa ko kung Late akong nagising? Tsaka ba't ang sungit sungit mo ngayon? May PMS ka ba?" Pabiro kong tanong

"Che!" Alyce sabay irap sakin

"Sabi ko nga tatahimik na ako. Eh asan na ba kasi si Mel?" Tanong ko. Si Melanie Sanchez ay yung younger sister ni Aly. Close ko din yun.

"Ugok ka ba? Edi malamang nasa First Year room nila yun!" Pagtataray niya

Ay oo nga noh? Since First Year Student si Melanie at kami ng Ate niya ay Nasa Second Year High School na

"Ugok agad best? Di ba pwedeng ulilyanin lang?" Ako. Hehe

Inirapan lang ako ng magaling kong bestfriend! Hmmp

Maya maya may narinig akong ingay sa labas ng room.

"Oy best! May naglalaro ata sa quadrangle ng basketball! Tara manuod tayo! Dali!" Excited kong sabi. Yung totoo kasi niyan guys. May crush ako na basketball player. Si J Karlo Chan, chinito, hearthrob, gwapo! Eiiii nesekenye ne eng lehet

"Tch may Gym naman. Kung bakit sa quadrangle pa sila naglaro! Pasikat talaga yang mga stallions na yan" pagsusungit ni Aly. Tong babaeng toh talaga? Kala mo hindi pa na-i-inlove. Nasobrahan ata to ng kain ng ampalaya dahil ang bitter bitter

Broken Friendship (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon