BestfriendZone

510 16 13
                                    

FriendZone - isang situation kung saan ang isang tao'y hanggang kaibigan lamang ang tingin sa isang nagmamahal sa kaniya.

Minsan na nga lang magmahal, palpak pa. Saklap nuhh?? Yan ang hirap sa pag-ibig, ibinigay mo na lahat, nasasaktan ka pa. Ang saklap pag nasa FriendZone ka, kailangan mong tanggapin na hanggang kaibigan lang tingin niya sayo. Pero, paano na yung feelings mo?? Mas gusto mo higit sa kaibigan diba?? Well, nakahanap sila ng solusyon dyan, ang BESTFRIENDZONE. Ito lang masasabi ko, when life gives you lemon, make LEMONADE. Kaya kung bibigyan ka ng tunay na pagmamahal, grab the chance para sumaya hindi yung magpapaloko ka sa iba. :)  

At bago nyo basahin ang story, let's give a moment of silence for our brothers in the FRIENDZONE. -.-" 

  .

  .

  .

  .

  .

  .

  "Ayoko na Albert!! Di ko na talaga kaya. Sawang-sawa na ko sa relasyon naten. Naglolokohan na lang tayo!!" "P-pero..mahal kita!! Paano na yung pinagsamahan natin??! Arianne di ako papayag na mabalewala lang lahat nang--" 

.

 .

  .

  .

 .

"CUUUUUUUUUUUUUUUT!!!!!!!! Sinong Arianne?! Monique ang pangalan ng character Albert!! Sinong Arianne yun?!?!"  

Practice ng stage play nila Albert na kanilang ipeperform sa school fair sa mismong 1st day ng klase. Matatapos pa lang ang summer vacation pero busy agad silang lahat.  

Isang estudyante sa isang liblib na kolehiyo si Albert at AB Journalism ang curse..este..course nya dito. Masipag siyang mag-aral at determinadong makapagtapos para sa pamilya. Kilala sya bilang makulit, masayahin, maingay, madaldal, maharot, malandi, magulo. Pero sabi nya mabait daw sya. Malay mo naman. 1st day of school, 2nd year na si Albert, 3rd floor ang room nila at 4th row ang upuan nya. Siyempre, after ng stage play nila sa school fair, daldalan sa mga ka-block at payabangan na ng kung sino ang pinakamalayo ang napuntahan nung summer vacation, kulang na lang, may magsabing sa impyerno pumunta para lang makapagyabang. Nag-ring na ang bell na parang nang-aasar pa na "gising na! Matutulog pa kayo."

Syempre, ang oras nila, naubos sa life story at bible study ni prof. Natutunan nilang wag tumakbo after kumain para hindi magka-"APPENDIX" dahil nangyari iyon sa anak ni prof. Natutunan din nilang "ang buhay ay biyaya ng Diyos. Wag niyo itong sasayangin. Sabi nga sa ...blah blah".  

Papauwi na si Albert ng magtext sa kanya ang kaniyang BFSB (BestFriendSinceBirth..daw) Secret Love of Life ni Albert...si Arianne.

**Profile: Name : Arianne SanJose a.k.a. Mimay (tawag ni Albert sa kaniya)

Age: 15

Mabait, maganda, pandak. High School Student  

**

"Pipay? Patulong naman po sa assignment please :((("  

Siyempre, to the rescue ang loko sa bahay nila Arianne.  

"First day na first day nyo Mimay may assignment??" sabi ni Albert.  

Natapos naman nila yung tutor landian session nila sa bahay nila Arianne.

"Hayy. Thank you 'pay! Buti na lang may 'kapatid ako sa utot' na katulad mo." wika ni Arianne.

"Hehe. Siyempre!! Walang iwanan diba??"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon