Dedicated to @nAna30.. Thank you so much sa'yo!
Sorry kung natagalan ang update.. Busy kasi ako sa KathNiel videos sa YouTube...
BTW, you can follow me on Twitter for updates and lates KathNiel vids na inu-upload ko: @BerniceJennifer
Here is the next chappie! Enjoy!
====================================================
CHAPTER 5
"Asawa mo? Kailan ka pa nag-asawa? Ni hindi ko nga alam na may nobya ka pala," manghang tanong ni Salve kay Gino.
"T-teka po... H-hindi-" simula naman ni Mikay. Gusto niyang klaruhin ang lahat bago pa man tuluyang maniwala ang Ale sa pinagsasabi ng binata. Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin ay biglang umakbay si Gino sa kanya at bahagyang pinisil ang balikat niya.
Sinalubong niya ang mga mata nito. Sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya ay para bang sinasabi nitong makisakay na lang siya. Walang nagawa si Mikay kundi ang manahimik na lamang at hayaan itong sumagot.
"Nung nakaraang linggo lang po kami ikinasal 'nay. Taga-Maynila po kasi siya kaya ngayon ko lang naipakilala sa inyo," sagot nito.
"Kaya siguro matagal kang nawala ano? Mabuti naman at nagpasiya kang isama na siya rito," sabi naman ni Aling Salve.
"Opo. Mahirap din kasing mawalay dito. Masyado kong nami-miss," ang nakangiting saad ni Gino at mas nilapit pa si Mikay sa tagiliran nito.
Manghang nakikinig lang ang dalaga. Grabe naman pala 'to. Mukhang sanay na sanay magsinungaling!
Ilang saglit pang nag-usap ang mga ito bago nagpaalam sa kanila ang kapitbahay. Nang masiguradong hindi na ito nakatingin ay agad na tinanggal ni Mikay ang braso ni Gino na naka-akbay sa kanya. Inis na hinampas niya ang dibdib nito.
"Aray! Para sa'n naman yun?" singhal nito sa kanya.
"At ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Bakit mo ginawa yun? Why did you have to tell her that I'm your.... your... My gosh! I can't even say it!" litanya naman ni Mikaela.
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanficPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...