PROLOGUE

2 0 0
                                    


"Ayoko ma, hindi ako papasok"

Padabog kong sinara ang pinto dahil kanina pa 'ko kinukulit ni mama na pumasok sa trabaho. Pano ba naman pagod ako buong araw dahil sa dami ng pasyente kahapon. I just want to rest for a little while!

"Dr.Fajardo called me, the hospital needs you today!" My mom shouted from outside the door.

Nakapatay ang cellphone ko ngayon dahil ayaw kong makatanggap ng kahit anong tawag. Nagpaalam naman ako na magdeday-off ako ngayong araw so dapat hindi na nila ako tinatawag!

Inis kong binuksan ang telepono ko at nagulat sa dami ng tawag at mga messages.

23 missed calls
10 chats

Dr.Fajardo:
Are you out of your mind?

Salot:
Galit na si Sir Fajardo, lagot ka!

Dr.Fajardo:
Pupunta ka ba dito o ililipat kita sa ibang hospital?

Napahawak ako sa ulo ko bago ako tumayo at maligo para pumunta sa hospital. Kailangan kong magmadali para hindi magalit sakin si Dr.Fajardo at para na rin hindi nya gawin kung ano man ung binabalak nya.

"I need to go ma" Patakbo akong lumabas sa bahay at sumakay agad sa sasakyan.

Kahit na pagod ay kailangan kong bumyahe para lang hindi magalit sakin si Dr.Fajardo. Wala eh ganon talaga, kapag kailangan ka sa hospital ay kailangan mo ring pumunta ng walang pag-aalinanlangan.

While i was waiting for the red light to change, naisipan kong mag-order ng coffee sa paborito kong shop. Usually ang gusto ko ay tea pero ngayong wala akong tulog ay kailangan ko ng kape na gigising sakin. For sure maraming trabaho ang gagawin ko ngayon kaya kailangan ko talaga ng energy.

Pagkarating ko sa Hospital ay sumakay na rin ako sa elevator para pumunta sa 3rd floor. Tumingin-tingin pa ako sa paligid kung marami bang pasyente pero wala naman akong masyadong nakita.

"Surprise!" The people shouted around me.

"Happy Birthday Airielle!" Bati ni Isha.

Nagsimula silang bumati at magkantahan ng happy birthday kaya bigla akong nagulat. Ang isa ay may hawak na cake at ung isa naman ay may hawak na balloons.

Habang sila ay kumakanta, kinuha ko ung cellphone ko at tinignan kung ano bang meron ngayon. Nabigla ako ng may nag pop up na "Its your birthday" kaya dun ko lang naalala na birthday ko pala ngayon!

"Happy birthday Dr.Ximenez!" Bati ng mga tao sa paligid ko.

"Galit yata sya Sir oh!" Sigaw ni Blair kaya inirapan ko sya.

"Thank you so much guys! I didn't know it was my birthday today kaya sorry kung nag day-off ako"

Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan na birthday ko na pala. Kaya pala kahapon ay agad akong pinayagan mag day-off dahil may paganto pala sila. Hindi ko na rin kasi nagagamit ung cellphone ko sa sobrang busy sa trabaho at minsan pa nga nakakalimutan ko pang dalhin.

"Sobrang bongga nyo naman, may mga paganito pa!"  Nilibot ko ang paningin ko at nakita ung mga design na kulay purple. Alam talaga nila kung anong kulay ung gusto ko ah!

"You deserve it naman dahil sa hardwork mo sis!" Ginger, ung nurse na takot sa dugo.

"Whats your plan today?" Dr.Fajardo asked me.

"Magtrabaho po" Matigas kong sabi sakanya dahil baka hindi nya ko jinojoketime kanina no!

"Akala ko bang day-off?" Bigla akong nagulat sa sinabi nya kaya nagsitawanan ung mga kaempleyado ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daydream LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon