Disclaimer
This is a work of fiction. Names, events, characters ,places, business and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Bawal mag expect, I might disappoint you:)
_________
"Love or trust?" my friend asked while looking at me.
"Love" I answered
"Why love?" nakangiti niyang tanong.
"Because if you love, you trust" sagot ko at ngumiti rin.
"Wehhh?" sabi niya pa bago ako talikuran.
Papunta kami ngayon sa classroom namin para sa last subject.
Pagkatapos nito, makikita ko na ang girlfriend ko. I miss her so much. How is she? I wonder if she's doing alright.
"Cyril ! Ang bagal mo naman" reklamo ni Dave, kaibigan ko. Binilisan ko ang paglakad at napailing iling at maya maya lang ay naabutan ko na siya.
Nakarating naman kami kaagad sa classroom kasi di naman ito malayo sa pinang galingan naming dalawa.
Agad kaming pumasok at umupo sa upuan namin sa likod.
Lumingon ako sa gilid ng bintana and I saw my one classmate who is always silent and cold, si Hailey. Nakatitig lang ako sa kanya pero nagulat ako ng bigla siyang lumingon.
I smiled at her and wave my left hand. She stared at me for a few seconds and then ignore me. I put my hands down and just decided to wait for our last subject.
Ilang minuto lang ay pumasok na ang teacher namin. Same as usual, I don't find our topic interesting.
I was just listening until the bell rang. I quickly grab my backpack at lumabas na sa classroom. Narinig ko pang tinawag ako ni Dave but I didn't bother to look at him, I only wave my one hand while walking away.
Nakangiti akong naglakad because I am really excited to see my girlfriend, I wonder what she's doing right now.
Pagkalabas ko ng school ay mabilis akong nagmaneho sa paborito naming lugar ng girlfriend ko. Palagi kaming nagkikita roon at pinapanood ang kalangitan.
Maya maya lang ay nakarating na ako at agad ko naman siyang natanaw na nakaupo at parang may hinihintay. I know she's waiting for me.
Dahan dahan akong naglakad sa likuran niya at ginulat siya pero natawa nalang ako ng hindi man lang siya nagulat.
"Sorry, matagal ba ako? Did I make you wait?" Tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin at ngumiti.
Two years na niya akong hindi kinakausap. Two years din siyang hindi nag sasalita. Hindi ko alam kung bakit. Bigla nalang siyang nag bago. Pero kahit nagbago siya ay ramdam ko parin ang pagmamahal niya sa akin.
Umupo ako at humiga siya sa aking hita. Hindi naman siya nag sasalita kaya pinag masdan nalang namin ang langit ng ilang oras at nag kwento nalang ako sa mga nangyayari sa akin ngayong araw bago ko napag desisyonang umuwi. Pero bago pa ako makasakay sa kotse ko ay nakita ko si Hailey sa di kalayuan.
Nilapitan ko siya . Huminto ako sa harapan niya and then I smile while waving my hand.
Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin, at pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa likod ko.
"Tss, you're weird" that caught me off guard.
"What do you mean I'm weird?"
"I saw you there" turo niya sa pinanggalingan ko. "I saw you talking... Alone" natawa ako sa sinabi niya dahilan para mas lalo siyang magtaka.
YOU ARE READING
Dancing With Your Ghost
Short StoryThat feeling of loving someone who loves you too. The person who you can talk about everything and spend some nights talking together. But what if that person leave? what will happen? Will you stay the same?