New School, New Faces
This is the day na ayokong dumating, pero kahit naman ayoko eh wala naman akong magagawa kasi nga utos ng diyos ang sumunod tayo sa ating mga magulang.
Bumaba na ako para makapag breakfast suot ko na yung uniform ng SHU okay naman siya pero ang ikli ng skirt tapos may socks na hanggang tuhod tapos yung pang taas normal na fitting tapos may ribbon parang pang korean lang.
"Sis nakaka inggit ka naman sana ako nalang yung pina transfer *pout*" Etong ate ko talaga ang conyo kung mag salita.
"Shia at Teptep ready na ba kayo sa new school niyo?" Tanong ni nanay sa amin ni Stephen.
"Kailangan ba talaga naming mag transfer nay?"
Ano kaya yung reason nila bakit kami pina transfer yung sinabi nila hindi naman yun convincing.
Hinatid na kami ni tatay dito sa SHU, okay naman siya ang ganda tapos malinis.
"Ate, una na ako ha? 8 kasi yung pasok ko baka ma late ako. Kita kits nalang :)"
Wala na! Mag isa nalang ako huhuhu :( di ko pa naman alam dito. Magtatanong nalang siguro ako.
"Ahm miss, saan po dito yung room 17 ?" Tanong ko sa estudyante na grabe ang ganda niya.
"Nasa ikalawang building"
"Salamat miss" nag smile na ako at umalis.
Salamat at nahanap ko na rin tong room na ito. Pagkapasok ko nasa harapan na yung prof namin.
"Ahm good morning ma'am sorry i'm late."
Omg! Isa lang yung babae dito at plus ako so dalawa lang kami? Like ano ba tong school na ito. So totoo pala ang sinabi ni Liz nako grabe naman.
"It's okay I understand but next time be sure to come on time."
"Yes ma'am"
"But before that kindly introduce yourself."
Shet! Nakakahiya. "Stephanie Nashia Yu btw"
"Wow! Nice name"
"Ganda naman"
"Pretty just like her name"Grabe ! Hahaha ngayon lang ba sila nakakita ng ganito kaganda. De jk lang haha
"Class keep quiet! Okay Ms. Yu seat beside Mr. Derama it's over there" Sabay turo sa vacant seat na katabi sa lalaking natutulog.
Derama? Parang familiar yun ah well bahala na iyan. Umupo na ako sa tabi ng lalaking natutulog grabe siya ha walang manners. Hindi niya ba alam na nagtuturo na yung prof namin.
Hindi na ako nakinig kasi alam ko na naman ang lesson nila advance kasi sa Xavier. Lunch time na pala hindi ko man lang namalayan. Kinuha ko yung phone ko kasi nagvibrate eh.
From: Besst ♥
Punta ka sa likod ng school may dala akong lunch para sa iyo. Bilisan mo! Imy.
Hanep talaga! Umalis na ako kasi baka gumising pa yung lalaki dahil sabi pa nga 'Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising' ano pa magawa nun sa akin.
"Besst! Grabe naman ang ganda ng uniform mo para kang koreana." She said and then paused. She look at me and "Pero namiss kita"
"Namiss din kita"
"Kain na tayo dinalhan kita ng beef steak at caldereta. "
"Best, mabuti nalang at nandyan ka kasi kung wala paano na ako ngayon."
"Sus ang OA mo binigyan lang kita ng pagkain. Maiba ako kumusta ang buhay sa SHU?"
"Teka ubusin ko muna itong pagkain."
BINABASA MO ANG
Ms. Stone Heart
Teen FictionWhat do you do when the only one who can make you stop crying is the one who is making you cry? Si Stephanie Nashia Yu ay nagmahal, nasaktan at nag move on ng sobra. Siya ay sinaktan ng lalaking minahal niya ng lubusan kaya simula noon hindi na niya...