CHAPTER 30
Tatlo na kami ngayon dito sa hallway, si Diane, ako at ang kararating lang na si khenji, medyo naging kampante ako dahil kahit papaano tatlo na kami ngayon dito
Kung hindi ako nagkakamali, si khenji yung may gusto dito kay Diane, well kahit sino naman atang lalake dito di malabong magkagusto kay Diane
"wew, ang daya nila Omar, pati sila badi at Rex di nagpakopya ng assignment," sabi ni khenji na parang nakangiti pa
"Hello pareng majikero and miss Diane," dagdag nya
Walang umiimik sa'ming dalawa ni Diane, nasa magkabilaang side lang kami ng hallway habang nasa gitna naman si khenji
"Ba't ang tahimik nyong dalawa, wag nyo naman i-down ang sarili nyo kung di man kayo nakagawa ng assignment," sabi ni khenji tapos tinabihan nya si Diane kung saan ito nakasandal
Mukhang didiskarte na si khenji, ewan ko pero parang gusto kong makita ang mga mangyayari, lalo na kay Diane, well ano ba mga tipo ni Diane sa boys, yung mga tipo ba ni khenji
Hindi ko alam pero parang mas naging interesado pa ako kay Diane, dahil siguro sa nalaman kong wala na akong pag-asa kay imchar kaya kay Diane na nababaling ang tingin ko... Hay di pwedeng mangyari yun, sa dami ng makakaribal ko sa kanya, tiyak mauuwi lang ulit ako sa heartbreak (=__=)
"Ahem baka isipin nyo bopols ako sa math ah kaya walang assignment, tsk nagkakamali kayo, eto sample," patuloy na daldal ni khenji
Nakita ko na lumapit pa si khenji kay Diane pero hindi sya pinapansin nito
"Hi ms. Diane, math ka ba?" tanong ni khenji
Hindi sumagot si Diane sa halip ay kumunot lang ang noo nito
"Kasi kahit anong gawin ko, bumabagsak pa rin ako sayo haha," sabi ni khenji
"Edi bopols ka nga sa math," sagot ni Diane sa kanya
Anak ng. . Sa harap ko pa talaga sila nagpick up-an, yun nga lang binara agad sya ni Diane XD
"Anung bopols, hindi ah teka teka, game isa pa, ahem Diane algebra ka ba?" muling hirit ni khenji "Can you substitute my X without asking Y,"
Tapos humalakhak nanaman si khenji sa mga banat nya, bilib na sana ako kaso wala syang originality
( nabasa ko lang sa google wahaha ) --> XD Khenji
Wala akong anomang narinig na reaksyon kay Diane dahil ako naman ang nilapitan ni khenji
"Ikaw majikero, kamusta ka naman dyan?" sabi nya
"Dark ang pangalan ko hindi majikero," sagot ko
"Eh trademark mo na sa'ken yun," sabi nya pagkatapos umakbay sya sa'ken, pinabigat nya yung braso nyang nakaakbay sa batok ko dahilan para mapaupo kami
Akala ko maghahamon sya ng away pero pinilit nya lang pala akong tumalikod kay Diane dahil may ibubulong daw sya
"Huy pare, iwan ko muna yang si Diane sayo, pero wag mong aagawin sa'ken yan kundi mag-aaway tayo," bulong nya tapos tumayo sya
"Yun lang," dagdag nya tapos nag step sya palayo
"Sa'n ka pupunta?" tanong ko
"Sa computer shop, magdodota na lang ako keysa gawin pa yang assignment na yan,"
"Huy sandale," sabi ko
"Geh gudluck nalang, may ibang araw pa naman para mag-aral, ipapahiya ko lang sarili ko pag bumalik pa ako, sige dyan na kayo," sabi ni khenji at nagdere-deretso na sya ng lakad
Naiwan nanaman kaming dalawa ni Diane dito si hallway, wala ulit kumikibo sa aming dalawa pero uulitin ko nanaman bang ialok sa kanya itong notes ko
Pero habang naghihintay ako kung sino sa amin ang unang magsasalita ay isinusulat ko na sa yellow paper yung mga tanong para sasagutan ko nalang mamaya
Teka sagot? Oh syete di ko pala alam sagutan to, asar!! Mukhang gagayahin ko nalang si khenji nito ah, eh sa'n naman ako tatambay, sa computer shop din?
At isa pa, nandito pa si Diane, paano ako makakaalis sa paningin nya, ang alam nya ginagawa ko yung assignment, at hinihintay nyang ipahiram ko sa kanya yung kopya
Ganito na lang, hintayin ko nalang syang magawa yung assignment na pinapagawa ni ma'm ng sa ganun ay papasukin na sya sa room at pag nangyari yun, maiiwan na ako dito sa labas, pero kaylangan ipahiram ko muna sa kanya itong notes ko para magawa nya yun, kaya muli kong inabot sa kanya yung notes ko
"Oh ano, hihiramin mo ba ito o hin---," sabi ko pero di pa man ako tapos magsalita ay hinablot nya agad yung notes
"Thanks!!" sabi nya pero may halo paring pagtataray
Pagkatapos ay nagsimula nanamang tumahimik sa pagitan naming dalawa, mga sampung minuto na ang lumipas ng mapansin kong nasagutan na ni Diane yung assignment, samantalang ako wala pang nasasagutan kahit isa (T_T)
Habang nakaupo ako sa gilid ng hallway at nagkukunwaring nag-iisip ng sagot ay bigla nyang nilapag yung notes sa harap ko para isauli sa akin, hindi na sya nagsalita dahil siguro ayaw nyang makaistorbo sakin, nakayuko lang ako at pinapakiramdaman ko ang bawat galaw ni Diane pero nagulat ako ng magsalita sya
"Di ka pa ba tapos dyan?" sabi nya
"Ah eh, hinde," sagot ko
Well ang akala ko babalik na sya ng room pero kinabahan ako ng tumayo pa sya sa gilid ko
"Sige hintayin kitang matapos," sabi nya
(O__O)
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasíaAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...