Chapter 6: Puzzle's Beginning

120 10 3
                                    

(Author's Note: Maraming flaws ang chapter na'to. Please be considerate. ^_^)

InnoCENTEMee dedicated sa'yo!^_^

Enjoy reading! ^_^

**********

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Sid.

Huminga muna ako ng malalim bago tumango.

"Bilis. Kailangan nating makalapit sa biktima bago pa dumating ang mga pulis."

"Huh? Di ba dapat sila naman talaga ang mag-iimbestiga dito?" Nagtatakang tanong ko.

"We can't just simply rely on them. Bilis na! Lalapitan ko ang biktima. Ikaw naman, tumingin ka sa palibot mo." Utos niya.

Naguguluhan ma'y napatango na lang ako.

Nilibot ko ang buong archery club.

40 meters ang haba nito at 20 meters naman ang lawak.

Ang target ay 20 meters from the center point.

Sa left side naman ay may 20 lockers na nakahilera.

Napatingin naman ako sa mga bintana. Tatlo ang bintana dito. Una kong tiningnan yung nasa dulo. Bukas ito. Sa may pader ay naroon ang bag ni Jasmine at ang nakataob na libro ng Horoscope.

Sunod naman ay yung sa gitna.
Bukas ito at may dugo ang kurtina. Paano nagkaroon ng dugo dito? Mga 5 meters ang layo nito sa kinalalagyan ng biktima. Paano nangyari iyon?

Tumingin ako sa ibaba. Matatanaw ang mini forest dito. Teka, ano yun? Arrow? Nahulog ba iyon? Kelan? Bago pa lang ba?

Ang panghuling bintana ay nandoon kung saan nakaupo ang biktima.

Napatingin naman ako kay Jasmine. May arrow na nakatama sa mismong puso niya. Marami ring dugo ang nawala sa kanya.

Pero teka, ano yung nakasulat sa floor gamit ang dugo? Is it her dying message?

037

Pero bakit ganun? Walang bakas ng panghihina ang sulat na iyon..

037

Anong ibig sabihin nun?

*police sirens*

Nagkatinginan kami ni Sid at sabay na umalis sa Archery Club.

Paglabas ko, nakita ko si Ghian.

"Ghian!" I called him. Huminto siya pero hindi man lang siya lumingon.

"Ghian!" I called him back pero bigla na lang siyang tumakbo.

Nagtaka ako bigla sa ikinilos niya.

"Stay here. I'll follow that guy." Said Sid and he run sa direksyon na tinahak ni Ghian.

Nagsidatingan naman ang mga pulis at pinaalis ang mga estudyanteng nakikiusyoso. Dumaan sa harap ko ang dalawang babaeng nagpapalitan ng komento tungkol sa nangyaring insidente.

"Grabe. Iba yata ngayon ang case, ah. Wala pa ngang three months since the last incident, may nakita na naman tayong patay." Sabi nung babaeng matangkad.

Three months?

Last incident?

"Oo nga. Nakakapagtataka nga't hindi siya sa gubat natagpuan." Sabi naman nung maputi.

Gubat?

"SWS na naman ang biktima." Sabi uli nung matangkad.

SWS?

Alta Casta Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon