Prologue

6 0 0
                                    

"We'll call you."

"Thank you."

Narinig ko ang mga iyon pagbukas ng pinto. Kinabahan ako dahil ako na ang susunod.

"Next applicant!" sigaw ng isang babae na nakasilip sa pinto mula sa loob ng opisina.

Fresh graduate ako sa kursong BSOA kaya alam kong wala akong panama sa halos nag-a-apply na aplikante rito na may work experience na at ang confident pa pumasok sa loob ng opisinang iyon.

Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho agad ay baka wala ako rito at nakikipagsiksikan sa kompanyang ito. Rinig ko kasi ay may bakanteng posisyon dito ayon sa kasamahan kong aplikante rin sa unang in-apply-an kong kompanya. At ayon sa kaniya mataas ang pasahod dito at marami ang benefits kapag dito nag-apply. Kaso mahigpit daw ang CEO rito at mukhang walang nagtatagal kasi konting mali mo lang ay palalayasin ka na sa kompanya. Nang hindi ako matanggap sa in-apply-an ko ay sinubukan ko rito.

Nang makapasok ako ay agad akong ngumiti sa mga interviewees. Kinakabahan ako pero kaya ko naman takpan ng ngiti ko.

"Good morning!"

"Good morning! Please take a sit."

Umupo ako sa itinuro niyang upuan.

"Let's just wait for Mr. Prieur. May tinawagan pa." Sabi ng isang lalaking na sa left side.

Akala ko siya 'yong CEO. Kinakalma ko muna ang sarili ko para makasagot ako ng maayos mamaya kapag nagsimula na akong interview-hin.

"Let's start." A cold baritone voice makes me freeze.

Kung kanina kinakabahan ako at kumalma. Ngayon parang bumalik 'yong kaba ko at naging triple pa. Lalo na ng makita ko ang mga mata niyang nakatutok sa'kin.

"Say something about yourself." Tanong ng lalaking na sa kaliwa.

"I'm Dione Fevy Vidal. L—"

"It's already in her application letter and curriculum vitae." He cut his words.

Nabigla naman ang lalaking na sa kaliwa at natawa na lang. Nakanganga pa rin ako sa biglang pagsalita niya.

"Why do you want me to hire you?"

Parang hindi agad ako makasagot dahil nababato ako sa mga tingin niya.

"Ahm...ah ano– ah..."

He raised his brows at me.

"Gagawin ko ang lahat-lahat ng gusto niyo, tanggapin niyo lang po ako, sir!" Tuloy-tuloy kong sabi.

"You sure?"

"Opo!"

Sumandal siya sa swivel chair niya at hindi na nagsalita. Kaya naman ang lalaking katabi niya na ang nagsalita.

"We'll call yo—"

"No need. You can go." He interrupted.

Nanlumo ako kasi sigurado ako na hindi na ako tatanggapin.

"T-thank you, sir" nanghihina kong sabi.

"I'm expecting you to be here tomorrow. Don't be late or else I'll fire you."

"T-tomorrow?" Nagulat ako sa idinugtong niya.

"Uhuh unless you wanted to start working right now then be my guess, Ms. Vidal."

Sumenyas siya sa katabi bago tumayo.

"Maraming salamat po talaga! Sobrang kailangan ko talaga ng trabaho ngayon kasi si tatay na sa hospital tapos kailangan ko rin pag-aralin ang mga kapatid ko at—" paulit-ulit pa akong yumuyuko habang nagpapasalamat sa kaniya kaso pinutol na niya ang sasabihin ko.

"You are here in front of me because you wanted to work as my secretary and not to tell me all of your dramas in life." Pagkasabi niya ay agad siyang tumalikod.

Nakalabas na ang lalaking katabi niya kanina at siguro ay inanunsyo na hindi na bakante ang posisyon dahil may natanggap na ang dragon nilang CEO. Narinig ko pa ang mga buntong-hininga nila at ang pagrereklamo ng iba.

Pero kahit mukhang dragon itong boss kong ito ay pagpapasensyahan ko muna habang kaya ko pa. Kasi no choice ako sa ngayon dahil kailangan ko ng pera lalo na sa bayarin sa hospital ni tatay. Ilang linggo na si tatay sa hospital dahil na coma siya mula sa aksidente. Hindi ko na kaya ang bayarin sa pagpapagamot niya sa hospital dahil part-time job lang naman meron ako habang nag-aaral hanggang sa makatapos.

"You're not leaving yet?"

"Ay poging dragon maawa ka!" Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Nanggugulat naman kayo, Sir." Napahawak pa ako sa aking dibdib.

"Ahm...ano po... ah kung pwede i-tour po muna ako rito at kung pwede ituro muna sakin mga gagawin ko para bukas goods na po ako mag work, work, work."

"Inuutusan mo ba ako?" He raised his brows at me.

"Ah h-hindi po, Sir."

"Leo will guide you later if that's what you want. Just make sure that you will not be late for tomorrow."

"Yes, sir. Promise po maaga po ako bukas."

Umalis siya sa harapan ko at umupo na sa kaniyang swivel chair. Hinintay ko naman na bumalik yung Leo kaya umupo na ako sa upuan ko kanina.

Pagkatapos ituro sa akin ni Leo ang mga kakailanganin kong gawin ay pinag-aralan ko naman ang mga reports na ibinigay niya sa akin pagkauwi ko. Habang nagluluto ako ay binabasa ko rin ang mga reports naglalagay ng mga schedule ni Mr. Prieur sa aking note.

Pagkatapos ko magluto at kumain ay agad akong nagbihis at binalot ang ibang ulam at kanin. Dadalhin ko ito sa hospital para makapaghapunan sina Dynne at Fyn. Sila kasi muna ang pansamantalang nagbabantay kay tatay habang wala pa silang pasok.

"Kamusta kayo rito?" Tanong ko sa kanila.

"Okay lang kami rito, ate. Huwag ka ng mag-alala." Si Fyn habang kumakain sa maliit na mesa ng kwarto ni tatay.

Tinatanaw ko ang pribadong kwarto na katabi ng kwartong ito kung saan nakahiga si tatay at puno ng tubo at kung ano-ano pang apparatus ang katawan.

"Ay ate, ito pala 'yong bagong reseta na binigay kanina ni doc. Kailangan daw bilihin 'yan ngayon kasi ituturok 'yan mamaya kay tatay." Sabay abot ni Dynne sa akin ng reseta ni tatay.

Kinuha ko iyon mula sa kamay niya.

"May pera ka pa ba ate? Baka kapusin na tayo sa pambili ng gamot ni tatay."

"Okay lang, Dynne. Natanggap ako sa trabaho kanina tsaka kaya pa siguro ito ng ipon ko."

"Titigil na lang kaya muna kami sa pag-aaral ate? O kaya ako na lang muna tumigil tapos si Fyn na lang muna pag-aaralin natin? Hahanap ako ng trabaho."

"Hindi pwede, Dynne! Mag-aaral kayong dalawa. Kaya ni ate 'to, okay?"

Tumango lang siya sa akin.

"Alam kong gusto ninyong makatulong pero hindi niyo kailangan isakripisyo ang pag-aaral niyo. Hahanap ako ng paraan para mapag-aral ko kayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight RainWhere stories live. Discover now