Confession

6 1 0
                                    

"Okay, kailangan mo na talagang gawin 'to, Ken. Magtapat ka na, ha?" nakangiting sabi sakin ni Justin. Natigilan ako.

"Alam mo'ng hindi ko pa kaya."

"Walang mangyayari kung tutunganga ka lang diyan. Don't worry, guwapo ka naman, eh. Kahit papaano, may panama ka." Natatawa-tawa niyang sabi sabay lakad pabalik sa table namin nila Demi. My best friend.

Napatitig ako sa kanya. Wala siyang kaalam-alam.

Sobrang ganda niya. Sobrang ganda ng mukha niya. Mapupungay na mga mata. Sakto lamang ang kapal ng kanyang kilay. Ang mahahaba niyang pilik mata. Ang matangos niyang ilong. Ang kurba ng kanyang panga. Ang mga mapupulang labi niya. Ang mga labi niya na gumuguhit ng mga ngiting nagpapatigil ng aking mundo.

Kung alam lang niya sana. Mula nang makilala ko siya, gumulo na ang buhay ko. Mula paggising, hanggang pagtulog, siya lagi ang laman ng isip ko. Siya din ang nagpapa-tibok ng puso ko. Binago niya ang buhay ko. Wala siyang alam. Wala silang kaalam-alam.

Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Sana ay walang mabago. Kinakabahan ako. Pero kailangan ko na ngayong gawin 'to. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Si Justin na rin mismo ang nagsabi sa'kin, kailangan ko nang magtapat.

Naglakad ako papunta sa kanya. Nakangiti habang nakatingin sa'kin si Demi habang patuloy ako sa paglalakad patungo sa kanya. Nginitian ko din siya. Noong makalapit na ako sa kanya ay tinignan ko siya ng seryoso sa mga mata. Tingin na nagpapahiwatig. Halata ang gulat at pagtataka niya nang hawakan ko ang kanyang pisngi. Ngumiti ulit ako.

"Alam kong sobrang nakakagulat. Pero sana, intindihin mo 'ko. Matagal ko ng gustong sabihin 'to. Mahal kita, Justin."

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon