Chapter 2 *Her Story*

54 5 0
                                    

Chapter 2
Lily's POV

Ako si Liliana Faustino. Panganay ako samin ng yumao kong kapatid na si Lianne. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas buhat ng mamatay sya.Nakakalungkot paring isipin na kahit na nangungulila ako sa pagkamatay nya , ako at tanging ako parin ang sinisisi ni Mama.

Bakit kaya sa magkapatid hinding hindi nawawala ang favoritism?
Lalo na kung ikaw ay panganay tyak talong talo ka ng bunso.

21 ako at 19 naman si Lianne.
Isa nga pala akong librarian sa isang sikat na unibersidad. Madalas kinukutya ako ng Mama ko sa trabaho ko. Pero anong magagawa ko? Tila hindi pa ata dumarating sakin ang swerte para maging isang professor . Ngunit khit ganito yung trabaho ko , ipinagmamalaki ko namang marangal ito. Nasa ayos ang lahat at sapatan din ang sweldo.

Samantalang si Lianne naman ay nagtapos bilang isang Tourism Student 3 bwan na rin syang nagtatrabaho sa Airlines dito sa Pinas..

Flashback

"Naku ang bunso ko talaga naman ohh! Bakit ba halik ka ng halik sakin Lianne ha?" , nakangiting sambit ni Mama

"Ma , well I just got hired at (bumulong Siya kay mama)

"Aaaaaah!! " , magkayakap silang nagtatalon sa tuwa .

"Talaga ba anak? Sobrang proud ako sayo ", sabay halik ni Mama sa Kanya.

Tumingin sakin si Lianne
Ngumiti ako sa kanya
"Congratulations :) "

Tumango lang Siya at niyakap uli ng mahigpit si Mama.

"Lily , ano? Nadaig ka pa ng kapatid mo. May trabaho na agad. Eh ikaw ? "

"Ma , naubusan po ako ng slot ", malungkot kong sabi

"Eh paano? Tatanga tanga ka! Malurit ka pa sa pagong "

"Ma , stop it na . Kilala mo naman si Ate masyado kasing mabait kaya ayan nagiging tonta ang puñeta"

Lianne and mom laugh so hard that time. I just smiled back at them

"Wag kayong mag alala , magiging professor din ako Ma at Bunso "

^_____^

"Sige , sabi mo eh . Ma , let's go out here i'll treat you saka join me to celebrate :) "

"Naku ! Sige at matagal na Kong di nakakakain sa labas . Itong ate mo kasi saksakan ng kuripot " , sabay irap sakin .

End of Flashback

Nakaharap ako ngayon sa salamin.
Masasabi mong para akong si Maria Clara . Laging nakapalda ng mahaba , iterno mo pa ang blusa na floral . Ganundin na mahilig akong itirintas ang buhok ko .

Pagdating naman kay Lianne , napakaganda nya. Wala kang maipipintas kay Lianne. Maputi ,mapula ang labi , maganda ang mga mata at mahaba ang pilikmata. Isama pa ang perpektong pagkakahugit ng kilay niya , ang matangos niyang ilong at ang perpektong hugis ng kanyang katawan.

Perpekto si Lianne pagdating sa panlabas na kaanyuan.

Lahat ng gusto nya nakukuha nya
Kahit ang isang taong nagmahal ng totoo sakin ...

Si Haye.

Flashback

"Ate kayo Ba ni Haye?"

Iritang tanong sakin ng kapatid ko.

"Oo Lianne . Masaya ka ba para sakin ?"

"Duuh?! Ate hindi ka ba nahihiya ? Shocks ! Si Haye ang pangit pala ng taste " , inirapan nya ko habang busy sya sa paglalagay ng cream sa muka nya

"Lianne , sabi sakin ni Haye wala daw syang pakielam sa sasabihin ng iba saka biruin mo may magkakagusto pala sakin kahit ganito ako kapangit" , natatawa kong sabi

Humagalpak naman Siya ng tawa habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ate mahiya ka nga . Ang gwapo ni Haye para sayo. Sa dami ng mga magagandang nagkakagusto sa kanya , ikaw pa ang naisipang ligawan ", tumawa ulit Siya ng malakas.

"Sigurado naman akong mahal ako ni Haye , Lianne "

" Oh? Talaga te?! Aagawin ko sayo si Haye kung kinakailangan kong maging bitch at ibigay sa Kanya ang virginity ko . I will . Makuha ko lang si Haye ;) Good luck ate " , she winks at me

"Lianne , wag mo namang gamitin yang hindi Dapat. Sige hihiwalayan ko si Haye , wag lang gawin yang binabalak mo" , niyakap ko Siya

"Gusto mo si Haye ano?"

She giggles at umalis sa pagkakayakap ko .

"No I don't like him. He's not my type sis"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Liliana! Liliana! Ano ba?! Gumising ka Jan?!" , hinahampas hampas ako ni Mama

"Po? Ma? Bakit po?"

"May bisita tayo . Kumilos ka maghanda ka . "

"Bakit ma anong meron?"

"Maaaaa! Were here!"

Sabay yakap ni Lianne kay Mama.

"O sige patingin nga ng nobyo mo. Oh ikaw Liliana , maghanda ka ng almusal sa kusina ha! "

"Opo Ma"

Kahit nasa kusina ako rinig ko ang tawanan ni Mama at ni Lianne .

Rinig ko rin kung gaano kasaya si Lianne sa mga panahon na yun.

Nang matapos na Kong maghanda pumunta ako sa baba para tawagin Sila..

"HAYE/LILY?!"

Napatigil sa paghahalikan si Lianne at si Haye . Si mama naman wala Siya dito.

"Ahh. Tara na sa itaas. Nakahanda na yung pagkain"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Lily!"

"Oh Haye? Anong ginagawa mo dito?"

"Lily", sabay yakap nya sakin

"Haye , oh kamusta na kayo ng kapatid ko?"

"Lily I'm so sorry kung pinagpalit--"

"Ano ka ba Haye okay lang yun saka mas deserve mo si Lianne compare sakin"

"Lily but I still loves you"

Niyakap nya ko ng mahigpit.

"Haye , tama na . Mas magiging masaya ka naman sa kapatid ko eh. "

"Lily , sorry pero gulong gulo talaga ang utak ko "

"Haye may pakiusap ako sayo.
Ingatan at mahalin mo si Lianne. At tigilan mo na ako"

Bumitiw ako sa pagkakayakap nya at iyon ang Kauna unahang beses na nakita ko siyang lumuha.

End of Flashback.

Sino nga kaya ang pumatay sa kapatid ko .

Kailangan na malaman ko kung sino man yun para sa hustisya nya.

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon