Fight VI [ 1 ]

20.1K 785 27
                                    

Nandito na ako sa harap ng isang malaking malaking gate ng bahay este mansion o kaharian ng mga Villarubia. Nakakaloka! Di ko aakalain na makakapasok ako sa pamamahay nila.

Tinext ko na si Cyrax na nandito na ako pero ang tagal nya. Naku kapag nakita ko sya babatukan ko sya kaagad. May pabana-banta pa sya sa akin kapag na-late ako.

Umupo na lang ako sa gilid para hintayin sya ng may humintong kotse sa harap ko. Nakita ko ang reflection ng sarili ko sa may kotse sa sobrang kintab nito.

" Miss " napatingin ako sa sumilip sa bintana.

Isang magandang babae na parang pamilyar ang mukha nya. Parang nakita ko na sya. Ay ewan.

" May kailangan ka ba? " tanong nya.

" Wala ho " sabi ko saka pinaglaruan ang bato sa sapatos ko.

Hindi na pa nagtanong ang babae at umalis na lang. Bigla namang may nakita akong papalapit sa akin at nakita ko si Kumag. Tumayo ako at sinipa ko sya kaagad sa binti. Saka nagsamaan kami ng titig.

" Ano bang problema mo?! " sigaw nya sa akin.

" Marami akong problema. Gusto mo bigyan kita? Sabihin mo lang " sarcastic kong sabi.

" Nilalabanan mo talaga ako noh?! " nanlilisik na ang mata nyang nakatingin sa akin

" Oo. Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito sa labas. Kaloka, mabuti malilim dito dahil kung hindi baka nagkasunburn ang maganda kong kutis. Umalis ka nga dyan sa harap ko. Nakakaumay yang mukha mo " sabi ko saka sya tinulak pagilid at naglakad na ako.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sa akin. Kasabay ko na syang naglalakad dito sa daanan bago makarating sa bahay nila.

" Oh iyon yung kotse kanina " turo ko sa kotseng nakaparada.

" Natural dito nakatira ang nakasakay dyan. Nga pala wag kang magnanakaw ng mga gamit namin sa loob at 'wag tutulo ang laway ah " mapang-asar nyang sabi.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at inirapan. Feeling naman nya magnanakaw ako. Kahit hindi kami uber yaman, hindi ako magna. Sarap tuktukan ng heels ang bunbunan nya.

Nakarating kami kaagad sa harap ng mansyon nila. Pagpasok namin sa loob, napamangha ako sa laki at ganda. Dinaig pa ang bahay ng reyna at hari.

" Sabi ko sa'yo, bawal maglaway " sabi nya saka naglakad kaya sumunod ako.

" Bakit naman ako maglalaway? Abs ba 'yan para paglawayan ko " sagot ko sa kanya.

Humarap naman sya sa akin at biglang tinaas ang damit nya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya pero mas nanlaki ang nakita ko. Abs. May six pack abs sya at parang ang sarap hawakan.

" Tama na. Baka kainin mo pa " sabay baba ng damit nya.

Ang daya. Gusto ko pa namang hawakan. Joke. Pero infairness di ko akalain na may abs pala sya saka ang ganda pa ng hubog. Nakakaasar sya.

Tumaas naman kami sa hagdan at nagtungo sa isang kwarto. Pagbukas ng pinto ang unang napansin ko ang king size bed. Agad akong tumungo doon at lumandag para humiga.

" Woow. Ang ganda at ang laki ng kwarto mo. Kasya na isang buong pamilya dito " mangha kong sabi.

" Tumayo ka na nga dyan at gawin na itong memory book ko. Sinabi ko na sa'yo yung gagawin mo " sabi nito sa akin kaya tumayo na ako at lumapit sa may centered table dito sa parang sala ng kwarto nya.

Pagkaupo ko sa lapag, napansin ko na kumpleto na ang lahat ng gamitm Yung memory book daw ay isa sa requirement nila sa isang subject. Palibhasa graduating student na.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon