Mishka's POV
Matapos namin ang pagligo, lumabas agad ako at iniwan si Cassandra, sabi niya may gagawin pa siya. Nagbihis ako ng fitted black dress, sinamahan ng puting blazer, boots, at shades dahil sa init. Inayos ko ang kusina bago lumabas.
Paglabas ko, si Cassandra ay casual lang, naka-t-shirt at denim jeans, may itim na shades. Matapos niyang isara ang pinto at i-lock, sumabay siya sa akin papunta sa kotse. Bago ko mabuksan ang sasakyan, si Flash Bato ay biglang dumating.
"May hinahabol ka ba, love?" tanong ni Cassandra. Hindi ko sinagot at pumasok na lang sa sasakyan. Walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa airport.
Papasok na sana kami ng eroplano nang biglang may babaeng nagtanong kay Cassandra, ikinakunot ng noo ko.
Who the fuck is she?!
Cassandra's POV
Nakita kong lalong kumunot ang noo ni Mishka kanina pa sya wala sa mood, at paniguradong masama kung magtatagal pa kong makipag-usap sa babaeng 'to.
"Ge, miss." Pagkasabi ko nun, agad akong pumunta sa tabi nya, and as expected, she's not giving me even a glance.
"That's just a passenger. Tinanong lang kung saan 'yung CR, love, so... Please pansinin mo na ako." May halong paglalambing na sabi ko, at nakita kong napabuntong-hininga sya at sumandal sa balikat ko.
"Sorry. I don't know, tinotoyo nanaman ata ako eh." Paliwanag nito, at medyo natawa naman ako, dahilan para tignan nya ako ng masama.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsabi na di ako lalaban, at hinila lang nito ang braso ko at natulog doon. Di ko namalayang nakatulog na rin pala ako, at nagising nalang dahil namamanhid na ang balikat ko.
Nakita kong mahimbing parin ang tulog ni Mishka. Kinuha ko ang phone ko at pinikturan sya, napaka-cute nya kase habang tulog.
Maya-maya ay nag-announce na ang flight attendant na mag-land na ang eroplano, kaya dahan-dahan kong ginising si Mishka, at aantok-antok pa ito habang nabababa ang eroplano.
Ginising ko sya para nadin mabilis kaming maka-baba ng eroplano. Kinuha ko na ang mga bagahe namin at napansin kong medyo bumigat ang bagahe ni Mishka kaya nagpaalam ako na mag-CR.
Binuksan ko ang baggage at nagulat ako ng may makita akong dalawang pistol, para bang sapilitang inilagay, kaya kinuha ko na yun at binitbit ang bagahe. Nakita ko naman ang dalawang lalaking nag-aantay sa likod ni Mishka, paniguradong kanila galing ang baril.
Base nadin kase sa mga kamay nila alam na alam ko yun dahil dati akong assassin.
"Sorry, nalate. Tara na, love." Nakangiti kong saad, at ngumiti din ito at hinila na ang maleta nya.
Hindi ko pinahalata ang paglagay ko ng baril pabalik sa bagahe nila, akala siguro nila maiisahan nila ako.
"Cassandra, bilisan mo nga!" Inis na sigaw sa akin ni love, kaya agad nakong kumaripas ng takbo papunta sa tabi nito.
Maya-maya lang ay nasa harap na kami ng isang malaking mansion. Shit!! Kinakabahan ako, diko alam gagawin ko sa sobrang kaba.
This is it, Cassandra. You need to face this, or else Mishka will be angry.
TO BE CONTINUE............
BINABASA MO ANG
Ms. Psycho(COMPLETE)
LosoweMishka Jane Ramirez - Half filipino and half arabian. 21 years old. The heires of their company. Sweet caring and loving girl Cassandra Fransin Mendoza - psychopath teacher and former assasin. 32 years old. Killing for fun. Mataray at laging naka po...