Unhappily Ever After

121 2 3
                                    

A/N: First one shot and posted story. Hehe naisip ko lang 'to kama-kailan lang. Pagpasensyahan na po ang pagka-plot ko dito hehe.. Anyways..Happy reading!^_^

—-

"Hoy! Drey! Lumayo ka nga! Ang dami daming space. Dito ka pa pumwesto samin! =__=" sigaw ko sa kanya sabay duro.

"Ayaw! Mas gusto ko nga dito. Mas komfortable." sabi niya with matching belat pa! Argh kainis 'tong lalaking 'to! Di masabihan kahit kelan! Nandito kami ngayon cafeteria. Actually may seat na nga kami dito eh. Masaya na kami sa pagkwe-kwentuhan ng mga bestfriends ko pero may umepal. Kilala niyo na kung sino. *insert sarcastic mode here!-__-*

"Pagbigyan mo na best. Gusto lang makiclose ni Drey sayo eh." yan si Anjie ang bestfriend kong goody goody masyado.

"Tama ka dyan Anj! HOY! Cute naman siya ah?" yan naman si Feline ang bestfriend kong laging nakikisingit sa mga usapan.

"Paki ko ba dyan sa abno na yan? Ang sabihin niyo masyado siya paFC!" irap ko pang sabi.

"Narinig ko yun Kassy. Hayaan mo na lang kasi ako lumapit sayo.." singit ng abno.

"Ugh. Ayoko kaya! And You know what? Kung gusto mo 'tong pwesto namin? Iyong iyo na. Lilipat na lang kami sa iba. Lika na bests." linigpit ko na ang mga gamit ko saka hinila ang dalawa kong bestfriend palayo don sa abnong yun.

Kainis na lalaking yon! Lagi na lang lumalapit. Kung saan ako, naroon siya, tumatabi sakin. Ang worst pa, nakikitira pa siya sa apartment ko! Hayz. Kung di ko lang sana tinulungan siya noon edi sana tahimik ang buhay ko ngayon. -__-

-FLASHBACK- 2 years ago.

Papunta ako ngayon sa sementeryo para dalawin ang nanay ko nang may narinig akong umiiyak.

Tiningnan ko ng maigi kung sino yun. At ayun may nakita akong lalaki na kasing edad ko lang ata na umiiyak sa isang gilid.

"Hoy iyakin! Bakit ka umiiyak dyan?" pagtataray ko but hiding the fact that I'm really worried for him kahit stranger pa lang siya sakin.

Tumingala lang siya sakin at umiwas ng tingin. "M-may nangyari lang.*sniff!*"

"Ano yun? Pwede mo ilabas ang sama ng loob mo sakin. Or pwede rin sabihin mo sakin ang problema mo para kahit papano mabawasan ang dinaramdam mo." inalis ko na ang pangtataray kong boses kasi awang awa na ako sa lagay niya. Tatarayan ko siya sa sitwasyon niya ngayon? Diba parang nagmumukha akong masama?

Huminga ng malalim yung iyakin at saka nagsalita. "Pagkakatiwalaan ba kita?" tiningnan niya ako sa may mata parang ba ang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Oo naman! Magaling kaya ako magkeep ng secret!" pagmamalaki kong sabi. Ang dami ko na nakeep na secrets. Ang ilan sa kanila nasabi ko na (pag kinakailangan) pero halos lahat remain a SECRET pa rin.

"Hay, sige. Kasi may ginawa ako na ikinasira ng pamilya ko. Natamaan ko ang stepmom ko ng kamao ko dahil sa galit na nalaman ko na may iba siyang lalaki at niloloko niya si dad. Dahil sa suntok na yun, muntik na siyang mamatay. Nung nalaman ni dad ang ginawa ko, kinamumuhian na niya ako at pinalayas ako sa bahay. Sinubukan ko magpaliwanag sa kanya na di ko sinasadya ang pagsuntok ko kay stepmom. Sinubukan ko rin iexplain ang panloloko ni stepmom sa kanya pero hindi siya nakinig. Dapat nga ako ang magiging tagapagmana ng company na hinahawak ni dad, pero ipapasa na nila sa nakakabata kong kapatid. *sniff* Tinuturing na nila ako na hindi na ako parte ng pamilya. Parang ba isa akong pagkakamali na pinanganak pa ako dito sa mundo. Napakag*go kong tao para suntukin si stepmom, hindi ko man lang pinigilan ang galit ko. Ang sama sama ko—-"

Unhappily Ever After (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon