16th Chapter

31 2 0
                                    

ASHLEY CARRACIO

5am pa lang umalis na kami ni Gabbie sa bahay, sabi kasi ni Ate mahaba daw ang pila dito.

"Ugh! Ano ba 'yan?! 6am pa lang naka pila na tayo dito tapos 8am pa magbubukas? Jeez." Reklamo ni Gabbie, sanay na ako sa kanya. Kahit saan kami mapunta ganyan sya.

"Ano ba! Mag antay ka lang 7:15 na naman bes e." Pag aawat ko naman sa kanya.

Kumain na lang kami ng brownies baon ni Gabbie. Binake daw ng lola nya para sa kanya, pero dahil daw naaawa sya sakin papakainin nya din ako! Bad girl.

"Yes naman bukas na rin. Haaaaay jusko ang hirap mag hintay dito a."

Napirmahan na yung stub namin, dumiretso naman kami sa Gym para pumila ulit at mag bayad. Ang exam namin ay next week na, haaaay maka pasa naman kaya ako? Bahala na si God. I know he has a plan.

Mga 12noon na kami natapos ni Gabbie, dumiretso kami sa Mall para kumain. Napag desisyonan namin na kumain sa food court tutal hindi kami makapag decide..

"Bes dun tayo sa Supermarket nila, titingin ako ng damit. Bilis!"

"Bat di nalang tayo sa mga boutique?" Tanong ko.

"Ayoko don bes. Tara na! Bili tayo nung shirt na 'best bitches' tara." Sounds great huh.

So bumili nga kami. Sa akin yung 'Best' at kay Gab naman yung 'Bitches'

"Ashley Carracio! Huy!!!" Huh? Bakit?

"Why?!"

"Bes, lutang ka e. Bakit nanaman ba?!"

"Wala wala. May naalala lang ako bes."

"Sino?" Tanong ni Gabbie. Alam kong bestfriend ko sya at alam kong alam nya na yung dahilan ko. "DQ? Hm, naiinis ka? Kasi eti kumakain tayo ng favorite nyang Ice cream?" Si Gabbie na talaga.

"Masisisi mo ba ako bes? Kung hanggang ngayon kinamumuhian ko pa sya?" Tanong habang nang gigilid na yung luha ko.

"Sarili mo yan e. Ikaw lang ang makapag didikta dyan Ashley." Dinala nya ako sa may bench para maupo, "Sabi nga nila Time heals all wounds. Bes may tamang panahon para matanggap mong wala na kay--"

"No bes! Tanggap ko na, masaya na nga akong wala na kami e." Pangongontra ko. Totoo okay na akong wala na kami.

"Pero galit ka pa rin diba? Hindi mo alam kung anong gagawin mo sa kanya pag nakita mo sya. Diba?" Suhestyon ni Gabbie, oo siguro baka nga mapatay ko pa sya e!

"Kung gusto mo syang ipapatay o ipasunog, maghahanap ako ng koneksyon bes matulungan ka lang." Possesive Gabbie. Hm!

"Grabe ka naman bes! Hindi naman ako ganon kagalit sa kanya para ipapatay sya no. Ang sakin lang hindi ko pa sya kayang makita."

"So It means hindi ka pa nakaka move on talaga." Sabi nya habang naka taas ang isang kilay. "Kasi kung fully move on ka na sa mokong na yon, kayang kaya mo na syang tignan ng diretso sa mga mata." Tapos tinignan nya ako ng ganon.

"Chupi bes!! Kaya ko no sa katunayan pa nga hindi na bumibilis yung tibok ng puso ko pag malapit lang sya."

"Tanga mong puso." Pag didiin nya.

"Oo na. Ubusin na natin 'to at umuwi na, mag hahapon na e. Okay?"

"Keri!" Then she smirked, haaaay hihintayin ko talaga 'tong magka boyfriend.

***

Nakasakay na kami sa Jeep para umuwi, medyo mag gagabi na rin. At pagod na din ako, haaaay. Sana maka pasa ako dun para wala na kong poproblemahin. Hm.

"Para po." Ani ni Gabbie para bumaba na, "Bye bes. Ingat." Nagpaalam na sya tapos bumaba na. Ako next three streets pa.

Tapos napansin kong lahat ng naka sakay sa jeep e, mag jojowa! Grr. Kainis ha, ano ako? Forever alone? Like duh. Ang PDA nila.

Sa inis ko, binigla ko yung pag para ko sa jeep! Mehehehe..

"PARA PO!!!!" Tapos biglang preno si Manong driver, bwahahaha! Ako na talaga, dahil sa preno na yon nabigla yung mga sakay ng jeep at napunta silang lahat sa unahan ng Jeep.

At bago ako bumaba tinignan ko sila ng Maldita look ko! Grr, makuha kayo sa tingin!

Pumasok na ako sa bahay namin, actually tumakbo talaga ako pauwi samin. Sira nanaman kasi yung ilaw sa may street namin e. Nakakatakot kaya!

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Papa na nanonood ng Tv, nag bless na ako sa kanya..

"Oh ginabi ka ata Princess?" Ang hilig nya talaga akong tawaging Princess. Haaaaay my Forever.

"Eh Papa, ang haba po kasi ng pila sa BulSU e. Chaka nag mall pa kami ni Gabbie."

"Ayon ang sabihin mo nag lakwatsa pa kayo! Hm, oh kumain ka na ba?" Pag tatanong ni Papa.

"Opo Pa, aakyat na po ako sa taas pagod rin po kasi Papa e." Nag good night kiss na ako kay Papa tapos umakyat na.

Nag shower na ako at nag suklay hindi nanaman ako nakapag suklay ng isang buong araw. Madalas pumapasok ako nang hindi manlang nag susuklay pa. This is me!

Nahiga na ako sa kama at biglang pumasok sa utak ko si Ethan. Ugh, Ethan nanaman?

*bzzzzzzt bzzzzzzt*

To: Rade Sanchez

'Uhm, hi Ashley. Kumain ka na ba?'

Lagi syang ganyan. Mag tetext ng Good morning. Good afternoon at kung ano ano pa. Kaya naman naisipan kong tawagan sya. Tinatamad din kasi akong mag type e!

Calling: Rade Sanchez

Nakaka ilang ring pa lang sinagot na ni Rade yung tawag ko sa kanya..

"Uh, hello Rade. Oo kumain na ako, ikaw ba?"

(O-oo din naman, Ash. K-kamusta pala?)

"Okay naman. Teka napapansin ko napapadalas yung pag tetext mo sakin a?"

(I.. I just wanted to know if you're o-okay, Ash.)

"Hm. Okay, uhm Rade pano baba ko na 'to ha? Napagod kasi ako kanina e. Paano bye!"

(B-bye.)

Si Rade ba talaga yun? Bakit naman kaya sya na uutal sakin? How cute! Hm, pag pinag patuloy nya yun baka isipin ko crush nya na ko? Haaaaay! Ang haba naman ng hair ko. Hihi.

Pero ayoko namang umasa dahil baka mamaya concern lang naman talaga sya as a friend diba? Ayoko na ulit na maranasan yung sakit na naka wasak sakin ng todo. Yung sakit na pinaranas sakin ng pinaka mamahal ko. Dahil ang gusto ko namang maranasan ngayon ay mahalin ng tunay ng isang taong tanggap ako.

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon