GABBIE SANCHEZ
Monday is an awful day, ugh. Sa totoo lang ayoko ng monday. Bukod sa cleaners ako makikita ko nanaman kung paano matorpe ang pinsan ko! Yes you heard it right guys, torpe. Torpe si Rade!!
Kaya nga siguro wala pa syang nagiging jowabells! Hm.. Araw araw sabay kaming pumapasok, nakakasuka na nga e. Ang aga aga nya pumapasok. Well gusto nya kasing maunahan si Bes.
Sumakay na kami kotse ni Rade. Minsan excited din akong sumabay sa kanya para tipid, pang kain ko na rin kasi yun!
"Rade, anong tingin mo kay Ashley?" I asked out of the blue. Sobrang nakakabingi na kami ang katahimikan sa kotse nya e.
"O-okay lang. B-bakit mo naman na tanong?" Nauutal? Gotcha!
"Wala lang. Feeling ko kasi may pumoporma na kay Ashley, at pag nagmabagal pa yung iba dyan. Nako! Bye bye na." Tapos bigla nalang syang napa preno ng biglaan. "Rade nakaka gago ka naman e. Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya umagang umaga natatanga!! "Kung may gusto ka kasi sa bestfriend ko ligawan mo hindi yung totorpe torpe ka pa dyan. Leche!" Tapos lumabas na ako sa kotse nya at pumasok sa room ng nag dadabog.
"Oh bes? Ang aga aga naka simangot ka?" Panimula ni Ash habang nagtataka..
Pero nakita kong pumasok na si Rade sa room..
"Eh paano naman bes, ang aga aga may natotorpe! Ugh." Pag rereklamo ko sa kanya.
Pero nakita ko na sumubsob na si Rade sa desk nya, serves you right bitch! Hm.
***
ASHLEY CARRACIO
"Eh paano naman bes, ang aga aga may natotorpe! Ugh." Well natatawa ako sa reaksyon ng bestfriend ko. I know magka away nanaman sila ni Rade, kaya binigyan ko muna sya mg tubig para pakalmahin. Tapos lumapit ako kay Rade.
"Uhm, Rade? Pwede kitang maka usap?" Pag uumpisa ko pero dead skin lang ang beauty ko. "P-pero kung ayaw mo sige wag nalang." Akamang tatayo na ako pero..
"Just stay." Cold nyang sabi tapos hawak nya yung kamay ko. Para namang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Bakit ganito?!
"Rade may problema ba kayo ni Gabbie? Napapansin ko kasi madalas na lagi ka nalang ganyan. Hindi ka na sumasam kila Kurt." Sabi ko, "nag aalala na ako sayo e." Pagka sabi ko non parang lumiwanag yung mga mata nya.
"Talaga? Concern ka sakin?"
"O-oo naman. Syempre mahalaga ka sakin. Diba?" I gave him a small smile. Mahalaga naman talaga si Rade sakin e, diba? Haaaay.
"Ashley? Pwede ka bang manood ng game namin mamaya?" Pag tatanong ni Rade.
"Sure. Sure. See you sa game nyo."
***
Nakauwi na ako sa bahay, at si Gabbie? Ayun nag didilihensya sa puson nya. Kaya kahit pilitin ko sya hindi ko na magagawa. Wala si Papa ngayon nasa Manila, sad!
"Ma! Mamaya pala manonood ako laro nila Rade ha." Sabi ko sa kanya. "Oh bat ganyan ka maka tingin?"
"Nanliligaw na ba sayo yon ha Ashley?"
"Duh! Ma hindi po no!" Pag dipensa ko kay Mama kaya ayon pumayag na rin sya.
Habang nanonood ako ng laban nila Rade mukhang dehado sila e. Haaaay! Lima yung lamang nung kalaban. Tsk! Nakita ko naman sila Janna dito, yung boyfriend nya kasama din ni Rade aa team nila.
"Uy Ashley, nanliligaw ba sayo si Rade?" Tanong ni Janna.
"Hindi a. Bakit naman?"
"Ah nako wala naman." Sabi nya tapos nag paalam sya sakin na bibili lang daw sya. O-kay, forever alone talaga ang peg ko e!
Haaaaay natalo sila Rade. Pero okay lang, tatlo lang naman nung kalaban nila e..
"Ashley? Okay ba ako?" Tanong ni Rade habang naglalakad kami. Ihahatid nya daw ako pero maglakad nalang kami.
"Oo naman no! Ang galing mo nga e, lalo na nung nag three points shot ka! Kyaaaaah! Sumigaw ako dun Rade ha, sayang nga lang hindi mo ata ako narinig kasi ang daming sumisigaw for you." Sabi ko habang naka ngiti sa kanya..
"No. I mean okay ba ako kung ako nalang yung magiging Boyfriend mo?"
RADE SANCHEZ
"No. I mean okay ba ako kung ako nalang yung magiging Boyfriend mo?" Diretsahan kong sabi kay Ashley. Actually first time kong ginawa yon. As in. Kaya ako medyo kinakabahan.
"B-boyfriend?" Aw na reject na agad ako? "Manligaw ka muna!" Sabi nya sabay flip ng buhok nya! Haaaay Maldita.
"O-oo naman sige. Tara na nga hahatid na kita sa inyo baka mamaya magalit pa si Mama sakin." Pagbibiro ko sa kanya pero pinalo nya lang yung braso ko. Ang saya naman.
"Rade sigurado kang hindi ka na papasok pa?" Tanong ni Ashley sa akin. Gustuhin ko man pero amoy pawis na kasi ako e, gusto ko yung presentable sa harap nila.
"Next time nalang Ash ha? Masyado na rin kasing gabi, ang gusto ko makapag pahinga ka na. Beauty Rest." Sabi ko habang naka ngiti.
Nakauwi na ako sa bahay at nakapag bihis na rin ng pan tulog. Naka higa na ako pero hindi ko pa rin maalis ang ngiti ko kay Ashley. Haaaaay! Dati pa lang gusto ko na sya.
~~
2 years ago...
2nd year kami nung nag transfer ako sa school nila Gabbie.
"Mom ayoko nga po sabi dito e. Makakasama ko lang si Gabbie, e ang daldal daldal po nun." Oo ang daldal ni Gabbie, kaya minsan nilalayasan ko nalang sya.
"Para naman makilala mo na yung bestfriend nya baby." Si mom naman binebaby pa ako! Ugh.
First day ng school si Gabbie lang ang kakilala ko, nasa cafeteria kami. Kumakain nanaman sya, ang sabi nya antayin nalang daw namin yung bestfriend nya. Ipapakilala nya daw sa akin si Ashley.
"Ashley!! Bes. Here!" Tawag ni Gabbie sa babaeng si Ashley, feeling ki mag slow motion lahat ng tao, ultimo pag harap ni Ashley at pagsabi nya kay Gabbie ng 'hello bes!'
Dug. Dug. Dug. Dug.
P-puso ko ba 'yon? Bakit ganon? Hindi ako mapakali papalapit ng papalapit dito si Ashley sa amin at para bang nakakita ako ng Dyosa. Pinaka maganda!
"Hi bes! Hi Rade! It's nice to see you. I'm Ashley, Gabbie's bestfriend." Bati nya sa akin. What to do? Fvck.
"Uh. H-hello?" Bat ako nauutal? Bat parang ugh! Nakakagago..
"Ah bes ganyan lang talaga yan. Abnormal. Tara na Rade pasok na tayo." Pag aaya ni Gabbie.
At simula non, nagka gusto na ako kay Ashley ng palihim, nang ako lang yung nakaka alam nagka gusto ako sa kanya sa malayo.
3rd year highschool...
Hindi na kami magkaklase nina Gabbie at Ashley. Nasa 2nd section na ako, I prefer to choose 2nd section kasi nandoon yung mga kaibigan ko at saka para na rin masanay akong hindi malapit kay Ashley. Nanliligaw kasi sa kanya si Chen Chua. Half Japanese, bestfriend ko sya at hindi ko inaamin na gusto ko si Ashley sa kanya.
Pero hindi sya sinagot ni Ashley. Kasi nagloko non si Chen chaka bawal mag boyfriend si Ahsley. Feeling ko tinutulak na ako ng tadhana para sa kanya e. Pero wala pa rin akong nagawa kasi natatakot ako na ma reject ako, o baka masayang yung friendship namin. Mabilis na natapos ang 3rd year life namin.
4th year..
Ganoon pa rin magkahiwalay kami ng section, pero napag combine ang section namin. So, ngayon classmates na kami nila Ashley. Natutuwa ako pero syempre madalas akong binabagabag ng puso ko!
Natauhan lang ako nung sinabihan ako ni Gabbie na torpe daw ako. Hindi ako nagalit non. Natauhan pa ako non, kaya ngayon gagawin ko ang best ko kahit na hindi ako marunong manligaw.
'Ashley, mapapasagot din kita.'
----------------------------------------------------
Hi guys! Thankyou sa pag suporta kahit matagal ang update! :( Love you all guys <3 :)
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...