18th Chapter

29 1 0
                                    

ASHLEY CARRACIO

One week nang nanliligaw sa akin si Rade yun nga lang hindi sya marunong manligaw. Nung isang gabi magka usap kami.

'Hello Rade? Napatawag ka?'

(Uhm, baby hindi ka pa ba matutulog?)

'Matutulog na.' Actually natatawa ako kay Rade halatang kinakabahan e.

(O-okay, tayo na ba?)

'Eh Rade nanliligaw ka ba talaga?'

(O-oo? Sige na baby, mahal na mahal kita.)

'Pft! O-okay Rade, good night.'

Pagka babang pagka baba ko nung tawag namin napa halakhak ako. As in! Like duh! Isang Rade Sanchez nagpapaka corny sakin? Jeez.

Calling: Bes-Ganda

(Oh?) Para sa kanya yan ang hello!

'Bes, okay ba si Rade?'

(Paanong okay bes?)

'Slow ba? Duh! Diba nanliligaw sya sakin!'

(Eh marunong naman ba?!)

'H-hindi. At ang corny nya pa!! Pero I feel so special pag sinasabihan nya ako ng mga magic words. You know!'

(I have a great idea! I'll teach him how to court Ashley Carracio!)

'You sure? Eh wala ka pa namang experience dun gaga!'

(Walang tiwala? Gago 'to a!)

~

GABBIE SANCHEZ

'Walang tiwala? Gago 'to a!' Sabi ko kay Ashley, oo ganyan sya! Akala nya hindi ko matutulungan si Rade e! Hah.

(Sige na sige na. Kung anong gusto mo bes!)

'Kbye.' Tapos binaba ko na. Mehehehe maiinis nanaman si Bes!

***

Kinabukasan sumabay ulit ako kay Rade, pero this time mas maaga kaming umalis. May ginagawa kasing kalsada sa may kanto namin e kaya etong si Mr. Suitor nag eeffort na mas mapa aga pa sya!

"Rade, balita ko nanliligaw ka na raw kay Ashley!" Tanong ko kay Rade tapos bigla syang namula. "Okay alam ko na ang sagot!" Tapos chaka ako tumawa!

"Ano ba ang ingay mo!" Awat nya sakin.

"Hindi ka naman marunong manligaw e!" At saka ko sya dinilaan! Hehe.

"A-no naman sayo ha?!"

"Turuan kita!" I said with matching beautiful eyes pa. Hm!

"T-talaga? How? Eh don't have any experience." Grr, ginagago nila ako e! Huhubells!

"Gago ka. Matutulungan kita dyan baby." Then I grinned. Mehehehe. He mumbled something pero hindi ko ito narinig, "Anong sinasabi mo?!"

"Wala po boss. Ts!"

Nakarating kami ng school at feeling ko ako ang pinaka masaya sa lahat ng masaya. Lahat ng maka salubong ko binabati ko ng 'Hi', 'Hello' or 'Good morning.'

"May balak ka bang kumandidato ha Gabbie?" Makabuluhang tanong ni Rade sa akin.

"Masaya lang ako kasi all this time akala ko talaga bakla ka e! Hindi pala. Omg." Sabi ko sa kanya sabay yakap.

"Yuck! Tumigil ka nga baka makita tayo ni Ash e." Pag dipensa nya, hahahaha. Ang landi talaga ni Rade.

"Maiba tayo Rade, akala ko pupunta ka kila Ashley? Kelan?" Tanong ko kay Rade.

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon