ASHLEY CARRACIO
Bukas na yung exam namin ni Gabbie sa BulSU, pero ito ako nakahiga lang sa kama, pa-nood nood, pa-twitter twitter, pa-facebook facebook at pa-kain kain lang. Petics lang! Ayoko munang problemahin yun, bukas na.
Pero yung samin muna ni Rade ang poproblemahin ko. Super seloso nya na kasi e, parang hindi pa kami nasasakal na ako sa inaasal nya sakin. Chaka nagalit sya sakin kasi pinag compare ko sila ni Chen, which is wrong. Pero nadala lang talaga ako ng pagka irita ko kay Rade! Pati ba naman kasi si Kuya Rocky na childhood friend namin nila Ate pinag selosan ng Rade! Ugh.
Tapos parang once in a blue moon nalang sya kung mag text or tumawag or mag chat sa kin. Duh! Manliligaw ba yon?! At ang sabi nya pa dadalhin nila ako sa kanila pero ano? Wala! Nga nga. Haaaay tapos sinabihan nya pa ako na kung ako nalang daw kaya ang manligaw sa aming dalwa tutal naman daw ako yung maraming experience ultimo sa heartbreaks!
Sinong hindi matutuwa sa inasal nyang ganon sa kin? Ano gaguhan lang?!
Dahil nakaka boring din sa bahay, nagpaalam ako kay Mama na pupunta lang akong 7/11. Malapit lang naman samin yun e isang sakay lang.
Hindi ko na inaya si Gabbie kasi tulog pa yun at saka Saturday bawal ang gala sa kanya kasi maghapon sila ngayon sa Sementeryo para bisitahin yung Lolo nya.
Pagdating ko sa 7/11 puro mag jojowa ang nandito! O-kay, ako na ang Loner! Grr. Kumuha na ako ng donut at drink ko, mamaya na ako oorder ng Ice cream. Pahinga muna ako sa Rade na yon. Bwiset sya! Mag sama sila ng COC nya!!
Pero parang may pamilyar na mukha akong nakita dito, parang si.. Uh wait! Ano ngang pangalan nito?!
"M-marcus?!" Nako napalakas ata? Kasi lahat napatingin sa akin e, especially Marcus! Yung kapitbahay namin dati na crush na crush ko! Omg, ang gwapo nya lalo ngayon.
"Ashley? Mas lalo kang gumaganda ah. I miss you!" Sabi nya sakin sabay yakap. Woah! Possesive much? Hihi ang kire ko nanaman.
"Ha-ha-ha! Thanks for the Compliment Makoy pero alam ko na yun matagal na." I said with confidence, grabe namiss ko ang isang 'to! Lumipat na kasi sila ng bahay e. Sad!
"Hindi ka pa rin nagbabago Ashley!" Marcus giggled, I like the way he smiles! He's so boyish. Kainlove naman 'to.
Nag usap kami na Marcus at napag alaman kong babalik na ulit sila sa bahay nila sa may street namin. Tuwang tuwa nga ako non e! As in. Omg! Araw araw na akong magsusuklay nito.
Maitext nga si Ella, pinsan nya kasi si Marcus e. Mehehehe maka landi lang!
To: Ella
'Teh kasama ko si Makoy! <3'
From: Ella
'Ang Landi mo Ate Ashley!'
Lokong bata 'to ah! Malandi daw ako? Pero tanggap ko at alam ko. Bakit ba? Eh ang gwapo kaya ng Marcus na 'yon makalaglag panty ang isang 'yon! Grabe lang.
Pag uwi ko sa bahay agad kong kinwento kay Ate lahat nang nangyare kanina. Kakampi ko kasi 'to e lalo pag boys ang usapan pero ngayon wala na akong kakampi kasi may Kuya Jay na sya! Sad!!
"Hala napaka landi mo naman talaga Ashley! Alis ka na dito baka marinig ka pa ng baby ko. Mahawa pa sayo no, mahirap na baka maging Hopeless romantic din 'to no." Tapos bigla nyang tinakpan yung tenga ni Marie. Bad Ate!
"As if naman alam nya 'yon Ate no! Chaka ano ka ba nasa lahi natin yan no. Diba nga si Mama parang ako din nung bata sya. Hmp!" Sabi ko sabay alis sa kwarto nila, ang arte talaga ni Ate e!!
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...