20th Chapter

34 1 0
                                    

ASHLEY CARRACIO

One week nalang at ga-Graduate na kami. At ngayon yung practice namin ng marching para sa Graduation.

So this is it, dadaan ako sa gitna ng mga COCC, tapos makikita ko nanaman yung pag mumukha ni Ethan. Great. Just great!! Totally moved-on na naman ako sa kanya e. Yung wala na talaga akong nararamdaman na kahit ano. Pero sa tuwing nakikita ko sya kumululo yung dugo ko! Sa kadahilanang niloko nya pala ako.

*bzzzzzzt bzzzzzzzt*

To: Marcus Silvestre<3

'Ash, sorry napuyat ka na naman dahil sakin ha? Ang kulit mo kasi e. Ingat ka dyan ha! :*'

Ang sweet! Mehehehe, pero hindi ko na nareplyan si Makoy. Bawal kasi mag labas ng phone e baka mahuli ako.

Nagsimula na yung practice at naka pila na kami ng Alphabetically arrange. As usual nasa harap nanaman ako, kainis naman kasi 'tong apelido ko! Haaaaay Papa!

Nung ako na yung maglalakad, taas noo akong lumakad nung nasa tapat na ako ni Ethan at Anne! Hah. I smiled at them, at kitang kita ko sa mata ni Anne na nainis sya sakin. Sorry dear pero yung level ng kamalditahan mo wala pa sa kalingkingan ko!

Naulit ng tatlong beses yung marching namin at pag ako na yung mag ma-martsa talagang binabagalan ko! Para mahirapan si Ethan pati na rin si Anne! Ano kayo ngayon ha?! Bwahahahaha!

After non nag break muna kami so inaya ako ni Gabbie sa Cafeteria para lumamon sya..

"Lately napapansin ko na nag iiwasan kayo ni Rade bes? Bakit nag fade naman ba?" Sabi nya sakin sabay subo ng menudo.

"Hm, hindi naman. Ang awkward lang siguro bes. Kasi naman no nakakahiya sa COC nya." Sabi ko naman.

"Well sabagay muntanga kasi si Rade e! Haaaay ewan ko ba dun, pero bes mamaya gala naman tayo oh. One week nalang e." Pag aaya ni Gabbie pero bigla kong naalala na inaaya nga pala ako ni Ethan.

"Ay nako bes bukas nalang may date kasi kami ni Marcus e." Sabi ko habang kinikilig.

"Ay ang landi! Date agad?!" Pagtataray nya sakin, hm friendly date baka pwede pa!

"Hindi naman no, inaya lang ako kasi miss nya na daw ako."

"Haba ng hair. Nag rejoice ka ba girl?" Pang aasar nya pa.

***

"Marcus, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Marcus, kanina pa kasi sya nag d-drive e.

"Basta just wait and see." Sabi nya ng hindi manlang tumitingin sakin.

"Kyaaaaaah! Ito yung park na madalas nating puntahan dati diba? Nila Ella at Ate!"

"Oo eto nga yon Princess!"

"Ikaw talaga, Prince."

~~

8 years ago..

"Marcus tignan mo o! May crown ako." Sabi ko kay Marcus habang nagpapa cute. Pero tinignan nya lang ako at umiling. "Hindi ba ako maganda, Marcus?" Tanong ko habang kunyari ay nalulungkot.

"Maganda ka, para kang Princess." Napatawa ako sa sinabi nya, kasi nagagandahan pala sya sakin.

"Talaga? Edi ikaw nalang yung Prince ko." Sabay bigay ko naman sa kanya nung isa pang crown na pang Prince.

"Crush mo ba ko?" Diretsahang tanong sa akin ng lalaking matagal ko nang hinahangaan.

"O-oo, b-bakit?" Kinakabahang sabi ko.

"Crush din kita!" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nya, "pero let's have a deal!!"

"A-ano naman yun?"

"Ang unang mainlove, talo."

~~

"Remember the deal? Ashley?" Biglang tanong ni Makoy sa akin.

"O-of course not! Duh. Siguro inlove ka na sakin ano?" Pang aasar ko sa kanya. Hm!

"Siguro na in-love ka na sakin no Ashley?" Mapang asar na tanong sa akin ni Marcus.

"Asa ka naman, baka nga ikaw pa ang matalo sa deal nating dalawa!" Ganti ko naman sa kanya.

Pero lumapit sya sa akin yung tipong onti nalang makikiss nya na ako! Tapos ang bango nya grabe, naka upo na nga kami yung tuhod ko nang hihina pa din?!

"Eh paano kung oo?" He said using he's manly voice.

"A-ano ka ba Marcus! L-lumayo ka nga." Pag tataboy ko naman sa kanya, ginagago ako!

"HAHAHAHAHA! Joke lang Ash eto naman o! Sus." Okay nag assume naman ako dun, shet naman.

"Nako iuwi mo na nga ako baka pagalitan pa ako nila Mama."

***

Hinatid na ako ni Makoy sa bahay, pero syempre tinext ko ulit si Ella.

To: Ella

'Ella, magkasama nanaman kami ni Marcus. Omg! :)'

Fr: Ella

'Isa kang alamat. Hehehe.'

Loko loko talaga si Ella! Haaaay.

"Oh sino naman yang katext mo ha? At napapangiti ka pa? Boyfriend mo ba yan pakilala mo naman sakin. Ts!"

"Nag seselos ka ba ha? Makoy?!" Pang aasar ko sa kanya, "Ang cute mo." Sabay pisil sa pisngi nya habang busy sya sa pag d-drive.

"Ugh Ashley! Ano ba yan? Baka mabangga tayo."

"Kainis naman 'to naglalambing lang e. Bahala ka nga." Kunyari nagtatampo ako bwahahahaha!

"Okay, okay. Look sorry. It's not my intention to hurt you. I'm just, teasing you. Yeah teasing." Tsk! Akala ko naman nag-seselos na sya. Akala ko naman inlove na sya.

Naka rating kami sa bahay pero hindi na sumama sa loob si Marcus, gabi na rin kasi e chaka delikado sa daan. Chaka ko nalang sya ipapakita kay Mama.

"Oh bat ngayon ka lang? Kasama mo ba si Rade?" Uh-oh speaking of Rade, ugh!

"Ma hindi po. Ang gulo nga ni Rade Mama e! Haaaaay," reklamo ko kay Mama. "Hindi po sya nagtetext or tumatawag sa 'kin."

"Hayaan mo at kakausapin ko nalang siya. Sige mag bihis ka na dun at kumain na." Sabi ni Mama, haay sana nga matauhan si Rade. Leche sya! "Oo nga pala Ashley, pupunta tayo sa kasal ng Friend ko."

"Kelan Ma? Chaka wala pa akong damit e." Pag re-reklamo ko.

"Ibinili na kita don't worry, okay? Kasi bukas na 'yun." Pag ka-kalma naman nya sa akin. Okay naman na pala e.

"Bukas? Monday?"

"Oo kakasabi lang e." Bakit? Ayokong um-absent e!

O-kay, so natulog na ako nang maaga kasi baka tanghaliin ako ng gising bukas at a-attend pa kami ng kasal! Hm.

Pero this day is a wonderful day with my childhood sweetheart, Marcus..

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon